CHAPTER 3
Ang lambot naman. Ang bango din. Teka nasan ba ako? Isang gwapo at mala anghel na mukha ang tumambad sa akin, naka-upo sya sa isang accent chair at diretsong nakatingin sa akin.
Agad akong napaupo at pinulupot sa buong katawan ko ang kumot na nakapatong sa akin.
"Ba-bat ako nandito?" Tanong ko sa kaniya .
Bumuntong hininga lang sya at nag-ayos nang upo.
"You fainted."
Oh no. Baka manghinala na talaga sya, parte nang pagbubuntis ang pagkakahimatay minsan, yan ang sabi ng doktor. Hinawakan ko ang tyan ko, natumba kaya ako? Natamaan kaya ang tyan ko? Ano kayang nangyari?.
"Are you sick?" Tanong niya, ayaw kong mag assume pero may halong concern ang boses niya.
"Hi-hindi naman." Nauutal kong sagot
"Are you sure?" Tanong niya ulit.
Tumigil ka na dark. Pinapahulog mo ako ng mas malalim pa. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
"Ma-maliligo na ako." Sabi ko at tumayo habang balot na balot ng kumot.
I remembered that we did it before I fainted. Kaya wala akong saplot. Mga ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang may naalala ako..
"San ba ang c.r dito? Ang... ang laki ng hotel natu ah."
"That door." Sabi niya sabay turo sa bandang likuran ko.
"Thanks." Sabi ko at dire-diretsong naglakad sa banyo, agad ko itong ni lock at sumandal ako sa likod ng pinto.
Hindi talaga ako sanay na makasama sya, maliban nalang kung may gagawin kaming milagro kasi iniisip ko nalang na isa sya sa mga costumer ko pero ang ganito? Ang makita sya pagkagising ko? Ang mag-alala sya? Ang tingnan niya ako ng may halong pag-aalala sa kaniyang nga mata? Hindi ako sanay, at ayaw kong masanay, kasi alam kong kapag nasanay ako hahanap hanapin ko, hindi lang ang mga titig niya kundi sya mismo.
Mabilis akong naligo at nagbalot ng towel. Tama wala akong damit. Sinira niya pala ang suot ko kagabi. Haist.
Lumabas ako sa banyo na naka towel. Nasan na ba yun? Iniwan na kaya ako? My heart tightens but I tried to ignore it.
"Dark?"tawag ko sa kaniya pero walang sumagot.
Pumasok ako sa isang Silid na puno ng damit. I gasp in shock and in reality, sa katotohanang nasa bahay niya ako! Nasa kwarto niya ako?! May malalaking larawan niya na nakasabit sa itaas na bahagi ng salamin. Ang mga cabinet niya ay made of glass, makikita mo ang nasa loob mula dito sa labas.
Ano na ang gagawin ko? Kung kukuha ako nang damit dito, baka isipin niyang sobra akong pakialamera o ano! Ano bang gagawin ko? Pero sa kabila nang pag-iisip ko ay di ko maiwasang makaramdam ng saya, dinala niya ako sa bahay niya, pinatulog niya ako sa kwarto niya.
At baby tingnan mo oh, ang ganda ng walk in closet ng Daddy mo, ang gwapo pa niya sa mga pictures niya, sabi ko sa isipan ko habang hinihimas ang tyan ko.
Bahagya akong napatalon nang maramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran, ang mainit at mabango niyang hininga na binubuga niya na nararamdaman ko sa gilid nang aking leeg at tenga. Napapikit ako nang dumikit ang matitigas niyang dibdib sa aking likuran.
YOU ARE READING
I am Dark's (ASHLEY 1) ☑
RomanceI am his and... He is Dark... I am Dark's. Please read at your own risk! Dark Jay Ashley •Ashley 1 (First Generation) Date Started: 05/17/20 Date Ended: 07/21/20 Status: Completed. Editing.