CHAPTER 4
Anim na taon na ang nakalilipas simula nang layuan ko at iwan ko ang buhay prostitute ko sa manila, anim na taon na simula nang iwan ko sya. Pero di ko masasabing naging malungkot ako sa mga nagdaang taon at di ko rin masasabing naging masaya ako ng lubusan.
Pero isa lang ang nagbibigay sa akin ng pag-asa sa bawat araw... ang anak ko.
"Mama, I really want to sleep na." Sabi ng anak ko na halatang inaantok na.
"Grey, you need to eat first, then let's wait for 10 minutes before you sleep, kasi baka lumaki ang tyan mo, okay?"
"But mama, I am so sleepy na." Pagmamaktol niya.
He looks so cute with his brown curly hair, nakuha niya kay dark ang pagiging matangos ang ilong pati ang mata at ang eyebrows, kung may nakuha man sya sa akin yun ay ang kutis kong maputi at ang labi kong manipis at mapula-pula.
Narito kami sa dining table ng apartment namin. Na late kasi ako sa pag-uwi galing trabaho kaya naabutan ko syang natutulog na sa couch, nakapagluto na din kasi ang yaya namin kaya pina-uwi ko na sya.
"Okay, baby, let's eat muna okay? Tapos let's wait for 5 minutes instead."
"You mean after 5 minutes I can hug you na while we sleep?" Nakangiting saad niya.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pagiging malambing, hindi naman kasi ako malambing sa kahit na sino, siguro nakuha niya ito kay Dark. Pero hindi ko pa nakikita ang Malambing na side niya... at hindi na talaga.
"Yes, baby." Sabi ko at hinalikan sya sa pisngi, sumimangot naman sya pagkatapos. "Oh? Why are you pouting?"
"Mommy, I want you to kiss me sa lips hindi sa cheek!" Pagrereklamo niya, napatawa nalang ako bago sya hinalikan sa lips.
He is always like this, hindi sya tulad ng ibang five years old na hindi nagpapahalik, sya kasi kahit na nasa public places he wants me to kiss him sa lips. Masasabi kong magiging matangakad sya tulad ng Daddy niya kasi kahit na 5 years old palang sya ngayon ay halos abot niya na ang beywang ko.
"Sige na, what do you want, subu-an kita o hindi?"
"Subooo~." Kanta niya habang pumapalakpak pa.
"Okay." Natatawang sabi ko at sinubuan sya.
Gaya nang sinabi ko after 5 minutes, ay natulog na kami. We have 3 bedrooms in this apartment, pero we share the same bed ni Grey, kaya ginawa kong study room ang isang kwarto at guest room naman ang isa.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Grey kaya mas hinigpitan ko rin ang yakap ko sa kaniya.
"Mama, I love you." Bulong niya, napangiti naman ako
"I love you too, Grey." Bulong ko din at hinalikan sya sa buhok.
Agad akong napamulat nang maramdaman kong nanginginig ang katabi ko.
"Grey?" Natatarantang sabi ko, naninigas na sya, oh my god, what's happening ?
Umiiyak na naghihintay ako dito sa labas nang operating room. Lord, please don't take my son. Wag di ko kaya, please.
"Lenny?"dinig kong sambit ni Martha na papalapit sa akin.
"Martha." Sabi ko habang umiiyak, niyakap niya naman ako.
YOU ARE READING
I am Dark's (ASHLEY 1) ☑
RomanceI am his and... He is Dark... I am Dark's. Please read at your own risk! Dark Jay Ashley •Ashley 1 (First Generation) Date Started: 05/17/20 Date Ended: 07/21/20 Status: Completed. Editing.