chapter 5

2.8K 63 2
                                    

CHAPTER 5

Lumapit sya sa akin at di ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ako makagalaw. Nakatingin lang sya diretso sa mga mata ko habang papalapit sa akin. Inabot niya sa akin ang isa niyang kamay.

My heart began to beat rapidly as well as my breathing. Matagal na, akala ko wala na, pero wala parin... siya parin.

"Ano-"

"The mic, give me the mic." Matigas niyang sabi, napakagat labi naman ako at binigay ang Mic sa kaniya.


"Well, I think this party was planned para i-annouce ang mga ikakasal, well let me introduce to all of you my fiance, Brianna Halley." Sabi niya at umakyat naman sa stage ang babaeng naka gold ang gown at halos magkapareha kami ng desinyo ng damit ang kaibihan lang ay kita ang cleavage niya.

Wala sa sarili akong napakapit kay dwane nang halikan ni Dark ang babae, sa harapan ko. Naramdaman ko ang paglingon sa akin ni Dwane.

"It's okay." Bulong niya.

At pinulupot sa beywang ko ang kaniyang braso, tiningnan niya ang isa sa mga tauhan niya para bigyan sya ng isa pang micropono.

"Well, please enjoy the party." Sabi ni dwane at sinama ako pababa ng stage.

Dinala niya ako sa loob ng kwarto niya.

"Sir, ano po ba talaga ang rason kung bakit ako nandito?" Sabi ko sa kaniya nang lumapit sya sa salamin para para ayusin ang kaniyang neck tie.

"Brianna, she was supposed to be my fiancee." Sabi niya, napalunok naman ako nang wala sa oras. "Pero may nangyari, And right now I need someone to be my fiancee." Sabi niya pa habang nakatingin sa akin, sa pamamagitan ng repleksyon ko sa salamin.

Napasinghap ako ng mapagtanto ang ibig niyang sabihin. "Pero sir-"

"Don't worry, ngayon lang naman, you're still my secretary and those people, hindi sila taga rito kaya bukas na bukas din, balik sa normal ang buhay mo." Sabi niya, napabuntong hininga naman ako .


Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang dahil sa mga narinig. Aalis din pala si Dark.


Pero ano bang ikanalulungkot ko? Dapat nga maging masaya ako eh, kasi baka malaman niya ang tungkol kay Grey...

"Yes sir." Pagsang-ayon ko sa kaniya.

Tumango siya at napangisi. Inayos niya ang kaniyang buhok saka lumapit muli sa akin.

"Lumabas na tayo, baka hinahanap na nila ako." Sabi niya at hinawakan nanaman ako sa beywang.

Hindi na ako umangal sa ginawa niya, I let him hold my waist. Mag fiancee kami ngayong gabi at tama lang na hawakan niya ako sa beywang.

Napansin kong hindi pa maayos ang necktie niya, kaya nang makababa na kami sa hagdan ay huminto ako, dahilan para huminto din sya sa paglalakad, hinarap ko sya at inayos ang necktie niya nang hindi man lang siya tinitingnan.

He stiffened a little, at dun ko narealize ang kung ano ang ginagawa ko. It's not necessary to be like this right? Pero pwede rin naman? Bawal ba?  Napatingin ako sa mata niya na nakatitig na akin ngayon.

"Sorry." Agap ko.

Kukunin ko na sana ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang necktie, nang hawakan niya ito habang nakatingin sa mga mata ko. Lumunok nalang ako at pinagpatuloy na ang pag-ayos sa necktie niya.

"Thanks." Bulong niya pagkatapos kong ayusin ang necktie niya.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang pagkalingon ko ay nahagip ng mga mata ko si Dark kasama si Brianna, na halos kainin na nila ang mukha nang isat isa. Nakatingin sa akin si Dark habang nakikipaghalikan siya kay Brianna.

I am Dark's (ASHLEY 1) ☑Where stories live. Discover now