Chapter 2

11 0 0
                                    

Trisha's P.O.V

"Girl yan si Prince oh!"

"Gwapo no?"

Yun pala yung Prince na sinasabi nila. Di naman kagwapuhan. Pero aaminin ko, swag siya. And I think, I like him. Pero hindi pa ko sure.

"Girl di ba may kinukwento ka sakin tungkol kay Prince?" Sabi ni Danie, pronounced as dey-ni. Oh diba? Arte no?

"Ahh oo." Sabi ko naman sabay inom ng juice ko. By the way, break time namin.

"Kwento naman. Ano bang nangyari?" Sabi ni Danie

"So eto nga, naglalakad ako papuntang library eh nakaharang yung barkadahan nila. So nasa likod ako, then bigla siyang nagsalita." Pagkukwento ko

"Anong sabi girl?" Sabi niya

"Uy padaanin niyo naman si Trisha" Sabi ko sabay ginaya ko yung boses ni Prince and kahit corny, napatawa naman siya dun.

"Oh my gosh, girl. Iba ka talaga. Napansin ka ni Prince." Sabi ni Danie habang kinikilig

"Tch. La kong pakialam dun. Di ko nga yun kilala eh" Sabi ko

"Hay, bahala ka. Basta pag niligawan ka nyan, jackpot ka girl!" Sabi na naman niya

"Hahaha! Baliw ka talaga." Pagtatapos ko sa usapan namin. Hay, kahit kailan. Napakabaliw talaga ni Danie. Ewan ko ba kung bakit ko nakasundo yun. As in sobrang opposite kami.

~Uwian~

"Bye girl, ingat!" Pagpapaalam ni Danie sakin sabay yakap. Oo ganito talaga kami. Parang magkapatid na kung magturingan.

"Bye!" Paalam ko rin sa kanya.

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Prince na sumakay ng jeep. At... wait. Nagkatinginan ba kami? Nag eye-to-eye kami? Teka, ba't ako kinikilig? Okay. Masama to. Di ko siya pwedeng maging crush. As in never. No.

Flood LikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon