Chapter 1- Thank you for teasing me

123 5 3
                                    

Naranasan mo na bang maging aso sa paningin nya habang ikaw naman ay pusa sa mata nya? Or vice versa? Hindi ba't parang nakakasawa na lagi ka nalang nyang inaasar tapos ikaw e nagpapaasar. Tipong buhay na buhay ang dugo nya at buong buo ang araw nya hangga't hindi ka nya napipikon?

Nakakainis. Ito yung karaniwan mong mararamdaman kapag may isang taong nang- aasar sayo. Lahat ng mali sayo e pansin na pansin kahit hindi mo naman na sya pinakiki- alaman.

Halimbawa nalang, nung nasa high school pa ako, sadyang malakas na akong mang- asar. Ewan ko ba bakit parang pumapasok lang ako sa school ay di lang dahil sa pera kundi para asarin yung kaklase kong si Vern. Morena sya, bilugan yung mata, mejo maliit, malaman naman ang pangangatawan tsaka magaling pumorma.

Hindi naman kami ganun ka-close. Sa totoo lang, talagang di ko naman sya pinapansin. Ang lagi ko lang namang kasama ay yung mga kaklase ko, na wala ring ginawa kundi ang mang-asar ng mga kaklase namin.

Ewan ko ba, bakit ganun? tinubuan ata akong sungay at may drum ako ng mga pambubully sa buong katawan ko.

Isang araw, habang may pinapagawa saamin ang aming English teacher, ay napansin kong ang gulo nina Vern at Kaye- bestfriend nya. Nagugulo ako. Ayoko pa naman ng ganun, minsan na nga lang akong gumawa ng matino, nagugulo pa. Kaya dali-dali ko silang binanatan ng pambubully ko.

"Hoy, etong famous na to, ang gulo- gulo." sabi ko. Famous ang itinawag ko sakanya kasi sya ang top 1 namin sa room.

"weah, epal, ikaw nga yung famous e. famous, famous" sagot nya.

Talagang palaban si Famous. Kahit din yung mga kaklase naming mga babae na malakas ding mambully e pinapatulan nya lalo na at alam nyang nasa tama sya.

"ako raw yung famous, sino kaya yung maraming like sa fb?". sagot ko.

"ikaw nga sumiselfie pa e. Ang daming likers"  banat naman nya.

Nang sasagot na ko ay biglang dumating ang aming English teacher, magdidiscuss na, kainis, di ako nakabawi. Kaya tinignan ko nalang sya, pero sa pag tingin ko sakanya, umirap sya sakin.

"Famous kasi." bulong ko para di masyadong marinig ni Sir.

Nang matapos na ang aming English teacher na magdiscuss, daglian kong ginawa yung ginagawa ko kanina para makahabol sa points.

Nawala na sa isip kong asarin pa sya. Sadyang nagfocus na ako nun sa mga gagawin ko. Ewan ko ba ano yung binigay ni mama na almusal at hitik na hitik akong gumawa ng mga gawaing eskwelahan.

Bakit nga kaya ganun? Seasonal lang ba ang pagiging masipag ko? tsk.

....

Nang matapos na ang klase, bilang isang mabuting estudyante ay dumiretso na ko sa computer, hindi para magresearch, kundi para mag-crossfire, syempre, at the same time, para magfb.

Nang magbrowse ako ng wall ko, may nakita akong picture comment sa group ng section namin na may nakalagay "don't touch me, I got two likes, I'm famous." Grrr. Malamang ako ang pinatatamaan neto ni Vern.

Marunong din talagang lumaban si Vern. Kaya kahit sa motorcade namin noon sa foundation week namin, todo asarin kami sa isa't isa ng famous.  Hanggang sa school, panay famous kaming 2. Hindi ko alam pero bakit ganun, aminado akong malakas akong mang- asar pero bakit nag- stay akong sya lang ang asarin ko?

Hindi rin namin namalayan na dahil din sa pag-aasaran namin sa isa't isa, naging close na kami. Tipong nahihiraman ko na sya ng ballpen, nahihingian ko na sya ng papel, natatanungan ko na sya ng maayos. Bakit din ganun? Nagiging maayos narin akong mag-aaral? Lagi na kong gumagawa ng mga activities. Naglaylow narin ako sa pang- aasar sakanya. Buhay o.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tease me and you'll fall in love with meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon