Chapter 1 - Vlad and Red

117 2 0
                                    

"Ok Class dismiss." ani ng aming Professor sa Math.

"Ang gwapo talaga ni Sir." sabi ni Rose, classmate ko sa subject na math, sya rin ang masasabi kong ka close ko sa buong University. Tama sa buong University, loner kasi ako, walang kaibigan o kakilala, mas gusto ko lang talagang mapag-isa, si Rose nga lang yata ang nakaka-usap ko maliban sa mga Professor namin.

"Buti nga natapos na ang subject natin, ayoko talaga sa Math," sagot ko dito habang palabas kami ng room para pumunta sa next subject namin na Programming, BSIT kasi ang course ko at si Rose ay BSCS kaya magkaklase pa rin kami sa Programming subject.

"Hay naku Vlad, bitter lang? Alam ko naman na crush mo rin si Sir," nakangisi nitong sagot na ikinagulat ko.

"What the f***. Ano bang pinagsasasabi mo Rose kadiri, hindi ako bakla noh." sabi ko kahit alam ko sa sarili ko na medyo may pagka alanganin ako pero pilit kong pinipigilan dahil alam kong hindi papayag ang mga magulang ko dahil mismo ang kuya ko ay itinakwil nila sa pag-amin nito sa relasyon nila ng bestfriend  nya na isang bisexual. Hay bakit kasi may descrimination pag dating sa same sex relationship although marami na rin sa ngayon ang tanggap ang ganitong klaseng relasyon pero karamihan pa rin at itinuturing itong immoral, sa tingin ko nga isa ang grupo nito ni Darwin na makakasalubong namin dito sa hallway.

"Look who's here, ang emo ng bayan." mayabang na sabi ni Darwin at hinarangan kami ni Rose sa  daraanan namin.

"Ano na naman bang kailangan nyo?" mataray na sagot ni Rose. Apat ang myembro ng grupo ni Darwin kabilang sya, actually sikat silang banda dito sa school namin nung First year college kami kaso nung tumuntung kaming second year ay nag transfer ang lead vocalist nila kaya hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila.

"Alam mo Rose wag ka ngang umepal kasi hindi ikaw ang kailangan namin," sagot ni Darwin kay Rose pagkatapos ay ibinaling nya sa akin ang kanyang tingin. "Vlad please sumama ka na sa banda namin, your voice is perfect genre kaya sige na please." pagmamamakaawa nito. Inirapan ko lang ito, sabi ko sa sarili ko, ito na naman, halos araw araw na yatang nag mamakaawa sakin itong si Darwin na maging Lead Vocalist nila, minsan nga ay naaawa na ako at parang guston ko ng sumali pero ayoko talagang maraming tao na titingin sa akin at makaka pansin. Pahamak kasi itong si Red isa sa band member nila, magkapit bahay lang kasi at mismong magkatapat ang mga bintana ng aming mga kwarto sa third floor, ni record kasi nitong si Red ang pagkanta ko habang tumutugtog ng piano.

"Pag-iisipan ko ulit," tipid kong sagot.

"Ilang beses na namin narinig yan hanggang kailan mo ba pag-iisipan ang tagal tagal na kaya, kulang na lang lumuhod kami sayo para mapapayag ka namin", sagot ni Jake, ang guitarist nila, napatingin na lang ako kay Red, nakangiti ito sa akin, sinimangutan ko na lang ito.

"O sige promise within this week malalaman nyo sagot ko, tabi na at baka ma late kami sa klase," sagot ko sa kanila at napakamot na lang ng ulo si Darwin habang tumatabi sila para bigyan kami ng daan.

Mabilis natapos ang isang araw at heto ako ngayon naglalakad sa loob ng village namin papunta sa bahay namin kahit na may driver kasi kami ay hindi ako nagpapasundo dito dahil walking distance lang naman ang school namin, habang nag lalakad ay may nadaanan akong dalawang babaeng nag-uusap na sa tingin ko ay mga kasambahay dahil sa uniform na suot nito. Dahil tahimik ang lugar ay dinig na dinig ko ang mga pinag-uusapan nito.

"Nabalitaan mo ba yung nangyari kanina, may nakita daw na patay dun sa park at may kagat sa leeg na parang sa bampira at sobrang puti nito na parang naubusan ng dugo." sabi ng isa.

"Ah oo grabe nga eh parang sunod-sunod na lang ang mga nabibiktima, napanood ko nga rin sa TV yung isang grupo ng mga kababaihan na pinatay at puro may mga kagat sa leeg," sagot naman ng isa. Hindi ko na narinig ang ibang sinasabi nila dahil medyo nakalayo na ako. So totoo ang bampira? Pero hindi pa naman napapatunayan na bampira nga ang nasa likod ng sunod-sunod na pagpatay. Posible kasing isang sindikato lang tapos pinapalabas nilang bampira sa paglalagay ng kunwari kagat sa leeg. Bigla akong kinilabutan dahil hindi ko namalayan na papalapit na ako sa park na sinasabing may namatay, medyo madilim pa naman ang paligid, 6:30 PM na ng gabi at walang masyadong tao ang lumalabas dahil pawang mayayaman ang mga nakatira rito. Nang matapat ako sa park ay binilisan ko ang paglalakad para makalampas na agad, ayoko sanang lumingon sa park pero parang may nag uudyok sa kin na tumingin at sa paglingon ko ay napahinto ako sa pag lalakad at nakita ko ang isang lalake na nakatayo malapit sa puno ng mangga, nakatingin ito sa akin at nag salita, "tulong.. tulungan mo ako." Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa pag tingin ko sa mga paa nya ay nakalutang ito sa ere.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Psychic Adventure (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon