Ako si Sunny. Kolehiyo. Mayroong 21-anyos na gulang. Simple lamang ang aking buhay. Gigising ako sa umaga para mag-ayos at maghanda para pumasok sa school. Sa gabi ang uwi ko at sa pag uwi ay kakain na lamang ako, pagkatapos ay maliligo, sabay matutulog. Ganiyan lamang ang rutin ko at ang ikot ng pang-araw-araw kong ginagawa.
Minsan napapaisip din ako kung ganito na lamang ba ako..
Wala man lang bang ibang magaganap? Yung mas exciting? Yung bigla na lang akong magkaka-powers ng hindi nila malalaman. Kunwari mapupunta ako sa mundo na walang may nakakaalam. Tapos biglang may susulpot na kakaibang nilalang at sa akin lamang magpapakita. Wala bang ganun? Hayy.. ang boring kung ganon.
Paulit-ulit na lang ang nangyayari.. sana mag end of the world na bukas.
Kakauwi ko lang ng school kaya naupo muna ako sa aming sofa.
"Hoy babaita, magbihis ka po muna bago ka magfeeling reyna sa trono mo, ane?"
"Wait lang diba, magpapahinga lang ako saglit." masungit na sagot ko kay ate.
Ganyan ang lagi naming usapan. Walang minuto na hindi kami nag-usap ng hindi kami nagaaway. Pero normal na lang samin to.
Maya-maya ay sumigaw na si Mama para anyayahain kami sa lamesa na kumain.
"Tumayo na kayo diyang dalawa. Kakain na."
"Opo."
Pagtapos naming kumain ay kinuha ko agad ang phone at sinilip ang messenger ko. Ewan ko ba kung bat sinisilip ko pa to. Wala namang nagch-chat.
Puro the daily bible at verses lang din ang nakikita ko sa gmail ko at nagp-pop out sa notifs ko. Tamad kasi akong magbasa kaya nagoopen ako ng notif sa bible para naman everyday ay may nababasa akong iba't-ibang verse. Atleast diba..
Nagpahinga ako saglit at naligo. Pagtapos ay dumeretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga para magising ako ng maaga bukas.
Kinabukasan..
Ganun pa din ang rutin ko. Magaalmusal, magaayos ng sarili at papasok sa school, gabi na uuwi..
This time ay 8pm ang uwi ko. May kumakalat pa man ding balita na marami daw ang nandudukot ngayon at walang pinipiling edad. Pero mukang hindi naman totoo..
Pag-uwi ko ay naglakad na ako sa walang taong eskinita para makarating sa sakayan ng tricycle pauwi sa amin.
Malayo pa ako sa traysikilan ay nararamdanan ko ng may sumusunod sa likod ko. Agad akong lumingon para makasigurado. May nakita akong matandang uugod-ugod at tila hirap na hirap sa paglalakad. Hindi ko na pinansin at sa takot ko dahil sa sobrang dilim ng paligid ay binilisan ko ang paglalakad ko.
Nakarating ako sa traysikilan at inabot ang bayad.
Nakauwi ako ng ligtas. Walang nangyari.. phew.. napaparanoid lang ata ako dahil sa mga balitang may nandudukot daw. Tsk..
"Grabe ang uwi mo iha gabing-gabi na." salubong sa akin ng lola ko sabay hingi ko ng kamay niya para magbless.
"Opo la, ito binigay na schedule samin ng school eh."
"Ganun ba. Kumain ka na at para makapagpahinga ka na."
"Opo."
Kumain na ako at naligo, pagtapos ay dumeretso na sa aking kwarto.
Pinapatay ko palagi ang ilaw ko dahil hindi ako nakakatulog ng maliwanag. Naglalagay din ako ng piring sa mata dahil mas komportable para sa akin ang matulog ng may ganoon.
Habang ako ay natutulog..
Nanaginip ako na napunta raw ako sa kakaibang mundo. Rainbow ang kulay ng paligid at puro ulap lamang mula taas hanggang sa aking matatapakan. Nakasakay pa ako sa unicorn habang tumatakbo ito. Ngunit ang muka ko dito sa panahinip ay hindi masaya. Napaka-weird na panaginip.