They say the only thing permanent in this world is change.
Pero bakit may mga bagay na pagbali-baligtarin mo man ay mananatiling ganun? Mga bagay na hindi magbabago, mga bagay na walang katapusan, kagaya ng araw at gabi, liwanag at dilim, ang niyebe, ang ulan, ang mga bituin, ang bukang-liwayway.
Prudence took her to the Montereal Building without Genocide's knowledge. And as she stare into the place that'll lead her to him, she realized that her feelings, and the depth of which will also remain the same.
Constant.
Abot-abot ang tahip ng puso niya na kahit ilang buntong-hininga ay hindi mapigilan o kahit mapabagal ang tibok niyon.
"Will you be okay?" Prudence asked worriedly.
Pinakiusapan niya kasi ito na iwanan na lamang siya lalo at walang kasama si Kat sa mansyon kundi ang mga kasambahay.
Tumango siya pero hindi na nagsalita.
"Just call me if you need anything okay?"
Isa pang tango mula sa kanya bago ito tumulak pabalik sa anak.
Bumuntong-hininga muli siya bago lumapit sa guard at buong suyong nagpakilala. If there's 10Billion pesos involved with her name, of course it will be impossible not to know her. Inaasahan niya pa nga na may malaking tarpaulin sa harap ng building na may mukha niya. Not that she's disappointed when she realized that there was none. Well, uh.. okay, sige, medyo lang.
"Kuya, Moira Javier po." usal niya kasabay ng pagpakawala ng isang nakalulusaw na ngiti.
For a blessed moment, the guard looked at her without comprehension, and if she's feeling anything other than nervousness, malamang ay napahalakhak na siya sa mukha ng kausap.
The intense controversy regarding her disappearance and the way Ichiro made sure that anybody who sees her will know her made her believe that she will almost become a celebrity pero tingnan mo nga ngayon at halos hindi siya kilala ng gwardya.
"Kuya, yung sampung bilyon, Moira Javier?" pag-uulit niya, hoping that it will ring a bell the second time around.
Umismid ang walang-hiyang guard at narinig niya pang bumulong ito na pang-dalawampung Moira na siya sa araw na iyon.
Shocks, ang dami naman.
"Ano po yun? May sinasabi kayo?" Kunyare'y inosente niyang tanong.
"Ah wala, sabi ko Moira Dela Torre lang kilala ko." Pamimilosopo pa nito.
Aba't!
Limang segundo yata siyang walang reaksyon, pero pagkatapos nun ay halos mapaupo siya sa sahig sa sobrang tawa dahil sa kalokohan ng guard, na hindi rin naman nagsasalita, pero malamig lang na nakatingin sa kanya.
"Gusto mo rin sumayaw ng mabagal?" Hirit pa ng gago kaya lalo siyang napahawak sa kanyang tiyan, hindi mapigilan ang pagtawa.
Gosh! Why does she find this so fucking funny? Kahit ang kaba ay pansamantala niyang nakalimutan.
"Ang funny niyo po." natatawa niya pang saad matapos ang mahabang oras. "Pero seryoso, ako talaga yung tunay. Ganto kuyang guard, papasok nalang ako."
Ngumiwi ang guard kahit nakikita niyang medyo napapalitan na ng konting ngisi ang seryoso nitong mukha. "Identification card po ma'am."
Napasinghap siya habang binabatukan ang sarili. E kaso nga pala, hindi niya dala sa sobrang pagmamadali ang kahit alin sa mga yun. Pati cellphone pala!
Sa isa pang pagkakataon ay isang halakhak na naman ang namutawi sa kanyang bibig dahil sa naalalang sinabi ni Prudence kanina. Call, she said? E wala pala siyang phone!
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
General Fiction"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...