Hailee's POV
Maaga akong nagising dahil siguro maaga rin akong natulog. I went down to eat breakfast and took my shower already, hinintay ko na lang si Weyt dahil marami pa naman akong oras. Habang papunta kami sa school nakatingin lang ako sa langit, pinagmamasdan kung gaano katagal gumalaw ng mga ulap.
Nagkita kami agad ng mga kaibigan ko pagkababa ko ng kotse kaya naman medyo maingay sa parking dahil kay Akiz. Nauna na si Weyt dahil may tatapusin pa sila nung mga kaibigan nila. Tumambay muna kami sa food court 'cos Akiz's always hungry lol. Pumasok na kami sa class and maaga namang natapos, habang nag-uusap kami sa classroom namin kanina dahil nagbigay ng bagong topic 'yung teacher namin sa Science. "Tara! Sa BGC tayo! Bar tayo, wala namang gagawin bukas kaya okay lang malate!" Aya ni Dria sa amin
"Hindi ako nagba-bar, wala naman akong gagawin dun. Tsaka hindi naman ako umiinom." Sabi ko kahit na alam kong hihilain nila ako. Ayaw ko talaga mag-bar dahil hindi ako pala-inom sila lang kapag may chance sila. "Ngayon lang naman sis! Sa susunod 'di ka na namin isasama, please? Lilibre kita bukas!" Dag-dag ni Dria. "Fine! Hindi na ako sasama sa susunod ha." Pag-payag ko sa gusto nilang mangyari.
"Mom, may pupuntahan lang po kami ng mga kaklase ko. I'll be late." Pagpapa-alam ko habang naghuhugas kami ng pinagkainan namin. "Hmm bar? That's fine with me, ask your dad if he's gonna let you go." Sabi niya kaya naman tinanong ko si Papa. "Sure anak, text your kuya to fetch you later. Don't forget to control yourself, incase."
Sabi niya. "Yes, dad."Habang naghahanda ako ay nag-text si Akiz at Dria sa gc na otw na sila sa bahay ko. Nagmadali na ako at pagkatapos ko ay saktong dumating silang dalawa. Nagpaalam na ako na aalis na kami.
"Ey! Ey! Ey! Whooo!!" Ganyan lang ang naririnig namin halos hindi na kami nagka-rinigang tatlo dahil sa lakas ng music at mga sigawan ng tao dito. Para kang nakakakita ng mga taong nagwawala! Nakakaloka! Hindi ko naman first time pero nakakagulat 'yung atmosphere nila dito, sobrang wild!
Pumunta na kami sa seat namin at umorder ng drinks. Habang naghihintay kami ay may mga nakaka-usap kami na mga kakilala namin, nagulat sila kung bakit nandito kami, sinabi naman ni Akiz na gusto nilang mag-party ni Dria kaya nandito kami. Uminom kami agad nung dumatin 'yung order namin, habang umiinom kami ay may lumapit sa aming lalaki. "Hi! Bago kayo dito? Ngayon ko lang kayo nakita dito." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil wala naman akong balak i-entertain siya.
"Yep, ngayon lang kami ulit nag-bar."
Sagot ni Dria. "I'm jake, nice to meet you."
Ani niya habang naka taas ang kamay niya para makipag-hand shake sa akin. Hindi ko pinansin iyon dahil wala talaga akong balak mag-entertain ng mga ibang tao, nagsihiyawan 'yung mga kaibigan niya dahil hindi ko
pinansin ang kamay niya. "Oh" Umalis siya agad pagakasabi niya. "You're so mean Hailee! Nagpapakilala 'yung tao, e. Bad ka ha!" Sabi ng dalawa, hinayaan ko sila dahil nangyari na ang nangyari. Wala na talaga akong mood makipag-usap sa iba, ewan ko ba. Uminom lang kami ng uminom hanggang sa nahilo na kami. Pumuntang dance floor si Akiz dahil boring daw kapag nakaupo lang. "Tara Hailee, sayaw din tayo doon!" Pag-iimbita ni Dria. "I don't dance Dria. If you want to go then go." Sabi ko habang nagtytype ng reply sa text ni mama sa akin. Tinanog ako kung okay lang ba kami, hindi na ito 'yung first time na nag bar kami, I guess pangatlo na? Nagpapaalam parin ako dahil ayaw kong mag-alala sila mama kung uuwi ako ng mga madaling araw. "Corny mo ngayon, tara na! Let's have fun! Ganun ang ginagawa sa bar hindi nagcecellphone!" Hinihila niya ako, pumayag na din ako dahil ayokong maiwan dito mag-isa. Papunta pa lang kami ay marami na kaming nabubunggong taon mga lasing na. Hinanap namin si Akiz at nang makita namin siya ay may kasayaw na siya. Hindi na namin pinigilan dahil wala naman siyang jowa, kawawa naman haha joke!
"'Wag kang hihiwalay sa akin ha! Ayokong maiwan dito mag-isa hahaha
Whoo!! Ey! Ey! Ey! Whoo!! Party party!"
Sigaw ni Dria dahil hindi namain marinig ang isa't isa. Um-oo na lang ako dahil ayaw ko na magsalita. Nakisabay na lang ako sa mga hiyawan nila para naman hindi ako ma out of place.Habang sumasayaw ako ay may humawak sa bewang ko kaya napatigil ako sa pagsayaw. "Bago ka dito? Whooo!!" Ani niya habang hawak-hawak parin ang bewang ko. Gwapo siya, matangos ang ilong, mapula ang mga labing nang-aakit. Mahahalata mong may lahi dahil sa itsura ng mukha niya at mata niyang nakakalusaw ang kapag tinitignan ka. Hindi ako nakasagot dahil hinahanap ko si Dria. Nakita ko siyang may kausap kaya hindi na ako lumapit. Sumayaw na lang din ako kasama 'tong lalaking 'to. "I'm Ryan, how 'bout you?" Pagpapakilala niya. Tumigil muna kami sa pagsasayaw at nag-usap. "Hailee." Hindi na ako nagtanong ng ibang questions dahil wala akong balak magtanong ng marami. Sumayaw lang kami ng sumayaw habang umiinom. Lasing na lasing na ako kaya hindi ko na alam ang pinagsasagot ko sa mga tanong niya. Habang kausap ko siya ay tumigilsiya sa pagsasalita at tinitigan ako, tinitigan ko rin siya dahil para akong inaakit ng mga mata niya hanggang sa hinalikan niya ako, nagulat ako doon pero agad din akong tumugon sa halik niya. Mas lalong niya akong nilapit sa kanya at inilagay niya ang mga kamay ko papunta sa batok niya upang mas malapit ako sa kanya. Hinahawakan na niya ang mga iba't ibang parte ng katawan ko. Nang tumigil ako sa paghalik upang kumuha ng hangin ay doon ko lang napansin na nasa upuan na kami. "I have to go, I'm sorry." Nagmamadali kong sabi dahil ayaw kong humantong pa sa mas malalim, hindi pa ako handa at hindi ko naman siya kilala ng husto. "Why? We're not done yet." Naguguluhang tanong niya sinundan niya ako papuntang restroom. "Hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." Sabi ko habang hinahanap sila Dria at Akiz. Nakita kong nakatingin sa akin si Akiz na may pilyong ngiti. Si Dria naman ay may kausap sa upuan. "Fine, I'll see you when I see you." Tsaka umalis na siya pbalik sa upuan nila. Pumunta muna akong restroom para ayusin ang mukha ko. Hindi ako makapaniwalang nakipaghalikan ako, nalasing talaga ako ng sobra! Hindi na ako iinom!
Nasuka ako habang nag-aayos ako. Hindi ko talaga kinaya 'yung pagsuka ko. Umayos na ako at kinain ang mint paper para hindi mangamoy suka. Bumalik ako sa upuan namin at uminom ng tubig, hirap na hirap ako sa paglalakad dahil nahihilo parin ako. Pagkainom ko ay nasusuka ulit ako kaya mabilis akong nakapunta sa restroom at nagsuka. Kinain ko ulit 'yung mint paper at pumunta na sa upuan namin. Nakita ako nila Dria at Akiz na nakaupo kaya pinuntahan nila ako. Lasing na rin sila kaya mukha silang zombie haban naglalakad. "Whooo!!" Sigaw ng dalawa, nakikisabay sa sigawan ng mga tao. "Uwi na tayo, mag-uumaga na!" Sabi ko habang umiinom ang dalawa ng tubig. Pumayag silang dalawa kaya umuwi na kami. Wala pa si Weyt kaya sabay na kaming umuwing tatlo gamit 'yung sasakyan ni Akiz, hindi naman na masyadong lasi si Akiz kaya kinaya niyang mag drive.
Henlo sorry kung ngayon lang ako nag-update. Medyo hinabaan ko para makabawi sa inyo hehe. Mag-uupdate din ako bago mag pasukan. Thank you sa lahat ng nagbabasa!
x.o.x.o