Chapter 8

586 24 2
                                    

Pearl's POV

"Ano ba, Bakit niyo kami hinuhuli! Wala kaming kasalanan!" Pagpupumiglas ng isang babae.

"Papasok ka o babarilin kita?"

" Ito na ipasok muna, este papasok na.." Pagkapasok ng babae sa selda ay agad nitong ni lock.

"Ano ba'ng gagawin sa 'tin?"

"Hindi ko din alam..kahapon pa kami hinuli."Ani ko

"Hello po sister." bati nito kay sister Theresa

"Ikaw lang ba mag isa ang nahuli hija?" tanog ni sister

"H-hindi po, t-tatlo po kami. Ako nga po pala si Cheryl." Pagpapakilala niya sa 'min. Nagpakilala naman kami agad.

"Ano ba'ng gagawin nila sa 'tin "

"Hindi ko talaga alam."

"Magdasal tayo mga hija.."

"Opo sister." pagkatapos namin mag dasal ay nakatulala lang kami. Naririnig ko parin ang boses ni Chelsea na nakikipag talo kay Althea. Ibang klaseng babae talaga 'tong si Chelsea, ang lakas ng bunganga.

"Kuya gutom na kami. Kagabi pa kami walang kain." Halatang gutom na ang lalaking naka kulong kaya nakapagsalita na ito.

"Tumigil ka! Makakain ka din kapag makaligtas ka." m-makaligtas?

"Sige na simulan na ang laro!" Utos ng isang lalaki na naka mask.

"Wait? L-laro?"

"Ano ba'ng laro?" tanong ko. Pariho kaming tatlo na nag tataka sa sinabi.

"Oo laro..." tipid na sabi ng isang kasama namin na lalaki.

"Ano'ng ibig sabihin?" tanong naman ni Cheryl.  "Mamimili sila ng isa o dalawa na ipapasok sa parang isang boxing ring. Pero may wire na harang." latanya nito sa amin.

"So?"

"Ipapasok ang isang infected sa ring. Lalabanan naman nila ang infected gamit lang ang isang kutsilyo. Kung matalo nito ang infected, ibig sabihin ay ligtas ka at maaari ka nang makakain. At kung magaling ka sa pakikipaglaban may chance din na mabibilang ka sa kanilang groupo ngunit nasa 4% lang na tiyansa na mapabilang ka sa kanila." lantanya ng isang payat na lalaki. Nag sign of the cross naman si sister nang marinig niya ang sinabi ng lalaki.

"Pa'no kung matalo?" tanong ni cheryl. Kung matalo edi, patay...bobo nito.

"Magiging infected ka, o hindi kaya kapag nakagat ka ay agad ka na nilang babarilin kahit hindi ka pa nagiging infected." Nakakatakot naman. Bumulong naman si cheryl ng mahina na sana daw hindi sila lumabas sa kanilang pinag tataguan. Gano'n din naman 'yong sinabi namin noon.

"H'wag po! Ayoko po" sigaw ng isang babae na kasing edad ko lang. Pinapasok sa malaking kulungan, may lalaki na din pala sa loob. Mukhang familiar yung itsurs niya perk hindi ko lang matandaan kung saan. Kahit ano'ng pagpupumiglas ng babae ay hindi parin nito magawang makatakas. Nang makapasok na siya kasama ng lalaki na nasa loob ay inilock na nito ulit ang pinto. May isag infected pala sa loob na naka tali ngunit agad na din nitong pinakawalan.

"Mama." sigaw nito habang tumatakbo ng paikot ang babae, gano'n din ang ginawa ng lalaki na kasama niya. Ngayon natatandaan ko na siya...siya yung kasama nung buntis, siya yung bigla nalang nawala sa aming likod. Siya si Marvin.

"Ano ba 'yan ang boring. Mag patayan na kayo!" rinig kong sigaw ng isang lalaki na nakaupo sa taas, mukhang siya ang kanilang pinuno. Naka mask ito na itim at kulay pula ang buhok nito. Kahit malayo siya ay makikita mo pa din ang maputi nitong balat, matangkad din ito. Makapal din ang kanyang kilay.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon