Chapter 9

530 21 0
                                    

Pearl's POV

Sino ba 'yong babaeng pinapasok sa kwarto? Sana ayos lang siya.

"Pearl" rinig kong sabi ni Cheryl. Sinabi naman nito na mamaya daw pipili sila ng mga naka kulong at ang maiiwan ay ipapasok daw do'n sa mga infected. Pipili? Saan ano naman ang gagawin nila sa kanilang mapipili?

"Narinig ko do'n sa mga nag uusap."

"Oo tama." Sagot no'ng isang kasama namin sa kulungan.

"Ano ba kasi ang binabalak nila?"

"Paglalaruan. Inaano nila ang sitwasyon na ito upang magawa nila ang kahit na anong gusto nila."

"Paano kung 'di ako mapili?"

"Nako Cheryl, mapipili ka. Hindi ba mahihina lang daw ang iiwan? " Ani ko at niyakap siya. Pinakita naman nito ang tahi sa kanyang tiyan.

"Hala na pano 'yan?"

"Tinahi. Mahabang storya."

"Don't worry Cheryl, 'dika maiiwan, manalig ka lang." pagpapalakas ko sa kanyang loob.

"Group hug!" nakangiti kong sabi, nagyakapan kaming apat kasama na yung isang nagsalita kanina upang mapagaan ang bawat isa.

"Ikaw Ana? Ilang araw kana pala dito?" Tanong ni sister.

"Siguro mga ilang araw na din po sister."

"Nasali kana ba do'n sa pinag aaway?"

"Hindi pa po"

"Gano'n?"

"Jobell dahan-dahan naman kitang ang sikip-sikip na dito" reklamo ng isang babae na kasama namin. Halatang maldita.

"Sorry." maldita nitont sagot.

"H'wag nga kayo mag talo, maririnig tayo"

"Mga hija!"

"Sorry po sister" sabay nilang sagot.

Hapon na pero gano'n parin ang aming sitwasyon. Siguro mas ayos na 'to kaysa sa labas, marami kasing mga infected do'n. Medyo ayos pa dito. Pero baka sa susunod na araw hindi na.

"May paparating" Bulong ng isang babae na kasama namin. Paparating ang tatlong lalaki na naka mask palapit sa 'min. Pagkalapit nila ay masusi nila kaming tinignan isa-isa. Wow ah? Ano 'to? Market? Naghahanap ng preskong gulay gano'n?

"Siya" turo ng isang lalaki sa isa naming kasama. Binuksan ang kulungan at kinuha ang isang babae. 'Yong babae na kanina inaaway 'yong isa naming kasama.

"Ano gagawin mo sa 'kin? Saan niyo 'ko dadalhin?" Pagpupumiglas nito.

"Tumahimik ka. Pasalamat ka at napili pa kita" Hala? Ito na ba 'yong sinabi na mamimili na sila?

Tinuro naman nito si Cheryl. Tumingin siya sa 'kin at nag sign naman ako okay lang.

"Itinuro din si sister Theresa.

"Ikaw." Ako? tumingin ako kay Ana at halatang naluluha na ito. Bali ang napili sa aming grupo ay sina Sister Theresa, Cheryl,ako at 'yong babae kanina. Tinuro niya naman 'yong Jobell ang pangalan. Bali lima kaming napili. Pa'no si Ana? Ang hindi napili ay si Ana, siya yung babaeng payat, 'yong matandang babae, matandang lalaki, isang babae na ka edad ko at 'yong buntis. Nako anong gagawin sa kanila? Itinuro kami no'ng isang lalaki na may baril. Magiging alipin daw kami ni Cheryl at ang iba na napili. Kami daw ni Cheryl ang mag aasikaso at mag luluto sa kusina.

Si Sister naman ay mag lilinis daw sa kwarto ng kanilang pinuno.

"Kayong dalawa naman. Do'n sa kwarto ko. Ihatid niyo sila" utos ng isang binata na kumuha sa amin kanina.  Ang natitira naman daw na hindi napili ay ipapakain sa mga infected. Kawawa naman si Ana at yung iba lalo na yung buntis at mga matanda.

Zombie Survivor(s) [Revise Version] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon