Chapter 12: Overnight (Part I)
Tumingin ako sa naka-smirk na si Four. AAAARGH! Ampanget niya, para siyang kapre. No no no, kapre pala talaga siya! Ang sarap tuloy ibuhos sa mukha niya yung tea ko. (XoX)
Ayaw ko talaga siyang makasama. Not with him! Not with this gangster I loathe! Kaya gagawa ako ng paraan para lang hindi siya makasama. Bakit kasi ayaw pang tumigil ng ulan?!?! Gusto ko ng umuwi eh!!
*ting!*
Para may kung anong lightbulb na sumindi sa utak ko. Idea na sa tingin ko makakatulong sa akin! (^_____^) Ang talino ko talaga!!
Umalis ako dun sa harap ni Four Mercado, pero bago pa ako makalakad ulit palayo sa kanya, hinablot niya yung braso ko. Marahan lang naman.
"Oh? Bakit mo ko hinila ulit?" tanong ko sa kanya habang nakataas yung kilay ko.
Binitawan niya ako, "Inumin mo yang tea para mawala yung sakit ng ulo mo," nauna na siyang maglakad papunta sa sala niya, "Iinom inom kasi ng margarita pero hindi naman niya kaya. Tss.."
Pumunta na siya sa sala kahit na walang ilaw nakikita ko pa rin siya gawa ng ilaw nga dun sa poste sa may labas ng unit niya. Hindi ko na lang pinansin yun si kapre, ininom ko na lang yung tea ko. Siguro naman mababawasan din kahit papaano yung bigat na nararamdaman ng ulo ko. Tsaka pala nakaisip na rin ako ng paraan para patigilin yung ulan. Alam ko naman na kung gagawin ko yun, titigil talaga ang ulan eh! (^u^")
***
Pumunta na ako sa kusina at dun na nilagay yung baso ng tea na ininom ko kanina. Hanggang ngayon, hindi ko pa nagagawa yung 'mission' ko para makaalis na ako ng tuluyan dito! At hanggang ngayon malakas pa rin ang ulan. Kaya ko naman kasi pahintuin tong ulan eh, kaso nga lang hindi ako nakakahanap ng tamang tyempo. (*___*) Tsaka akala ko ba after 10 minutes may kuryente na? Bakit hanggang ngayon, wala pa rin? (Q3Q)
Si Kapre-- este Four Mercado ba kamo? Ahh. Nandun siya sa living room. Nakahiga sa couch. Nagi-earphone. Naikwento (Oo, nagkwentuhan kame kanina. Kunwari na lang, wala kaming galit sa isat-isa) niya sa akin, na sakanya pala tong condo unit na to. May bahay din daw sila sa exclusive subdivision malapit sa school, which is yung subdivision kung saan din kami nakatira. So siya nga talaga yung lalake na nakita ko nung isang gabi. Psh! Kunwari lang din na interesado ako sa kwento niya para hindi siya mapahiya diba? Kasi sa totoo lang habang nagkukwento siya nag-iisip na ako ng tyempo kung saan ko gagawin yung 'mission' ko para tumigil yung ulan. Ayaw ko naman gawin yung 'mission' ko sa harap niya noh, baka pagtawanan niya lang ako. Meanie pa naman yun (X___X)
Ay! Gusto niyo bang malaman kung ano yung 'mission' ko para tumigil yung ulan? (^_____^*)
Hehehe! Oo, alam ko kung paano patigilin yung ulan noh. Kahit hindi ko pa na-tatry, susubukan ko pa lang baka tumigil yung ulan eh!
'Ano ba kasi yung mission mo na yun? (~~,)'
Kakanta! (^_____^)
Opo. Kakanta! Hindi kasi ako marunong kumanta, wala sa tono yung boses ko tsaka nakakabasag daw ng pinggan sabi ni Kuya. Hmmp! Nagbabakasali lang naman, diba? Kasi hindi nga ako marunong kumanta, baka lang naman tumigil yung ulan. Try lang naman eh! (~3~)
Well nandito na lang din naman ako kusina niya at siya, nasa living room at naka-earphone. Siguro, tamang pagkakataon ko na to para gawin yung 'mission' ko! Sakto rin kasi blackout. Oh diba?! Ang swerte ko lang naman! Hihi~!
*Clears throat*
"Ehem.. Ehem!" ako
Pinikit ko yung mata ko at nagsimula ng kumanta.
¿ "There's a fire, starting in my heart
Reaching a fever, pitch its bringing me out the dark
Finally, I, can see you crystal clear
Go, and sell me out, and I lay you sheet bare.." ¿
Ninamnam ko yung moment habang kumakanta ako. Feeling ko ang sarap at ang ganda ganda ng boses ko. Umiindak pa yung paa ko! Nag-heheadbang din yung ulo ko. Medyo kumi-kembot pa yung bewang ko. Wala eh! Para sa mission ko na tumigil yung ulan, gagawin ko ang lahat, makauwi lang ako sa amin.
¿ "We couldn't have it aaaaaaall, rolling in the deeeeeeee--" ¿
"HAHAHAHA!"
"..eeep"
Pagbigkas ko dyan sa mahinang kataga na yan, sabay na napatingin din ako sa tumawa na si Four Mercado.
Tinatakpan niya yung bibig niya at pilit na hindi matawa. Namumula siya sa pagpipigil ng tawa.
Did he just... Did he just saw me earlier while doing those... Those crazy stuff...?
OMG! (X___________X)
--
Itutuloy..
A/N: May continuation pa po tong chapter na to, bukas ko na lang i-uupdate. Yung pinsan ko kasi nagmamadali kaya eto po muna ngayon :-) Hehe!
ESTÁS LEYENDO
Hatred Born into Love (ON GOING) [KathNiel FF]
Novela JuvenilSi Arianne Zemarie Santos ay isang kilalang "BULLY." For her 16 years of existence, sa isang school for girls siya pinasok ng mga magulang niya. But what if, dahil sa isang desisyon mapapalipat siya sa school-for-all? Then there she'll meet her 'so...