Pare

585 11 30
                                    

''Pare, yosi mo nga.''

''Green ako eh, okay lang?''

''Okay lang pare.'' nakisindi na rin ako sakanya. ''Si Paulo pumasok na ba?''

Si Paulo. Bestfriend ko.

''Ah oo pare, nasa loob kanina pa. Hinihintay ka yata.''

''Ganoon ba pare, sige maiwan na muna kita diyan.'' tinapik ko pa siya ng mahina sa balikat bago ako pumasok sa Bar.

Nang makapasok ay umupo ako sa counter. Umorder ng alak. Nasa stage si Paulo, kumakanta. Gustong-gusto niyang ginagawa iyon. Pupunta sa harap, at kakanta ng kahit anong gusto niyang kantahin.

Dumating na ang order ko. Humithit ako sa hawak na yosi at nagbuga ng usok. Inilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon ko ng maramdaman kong nag-vibrate iyon.

16 messages.

Galing lahat kay Paulo.

Pre, san ka na? -tatlong beses sinend.

Pre, kanina pa kita hinhintay dito. -dalawang beses sinend.

Pre naman! Bilis-bilisan mo naman! -tatlong beses sinend.

Uy Kyle. San ka na? -limang beses sinend.

Don't make me wait for nothing pare. May usapan tayo. -tatlong beses sinend.

Sinimulan ko ng magtipa sa keypad ng cellphone ko.

D2 nko. Sa counter. w8 kta pare. -limang beses ko sinend.

Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone at kumuha ng beer. Saka iyon itinungga.

Limang taon na kaming mag-bestfriends ni Paulo. Nasa College palang kami nun. Dito sa bar na to kami unang nagkakilala, gig ng barkada. Nakilala ko siya. Dahil sa pagiging playboy dati at sa pagiging eksperto sa babae idagdag pang madami siyang alam na kalokohan kaya ako na-engganyong kaibiganin siya. Hanggang sa maging bestfriends na nga kami.

Pero ngayon, may kanya-kanya na kaming trabaho. At matured na rin kami pagdating sa mga ganoong bagay. Limang beses isang buwan na nga rin lang yata kami mag-bar ngayon, hindi tulad ng dati. Araw-araw. Nakakasawa din kasi. At nakaka-stress, lalo na pag pinipilit nalang isingit sa hectic na schedule.

Wala na nga maski kaming oras para maghanap ng syota. O kahit fling man lang, dahil sa pagiging abala masyado.

Kumuha ulit ako ng isang bote ng beer at itinungga iyon. Napatingin ako sa stage nang magsalita si Paulo. ''This song is for that someone I love. And will always be..''

Hindi ko alam pero parang sa akin nakatitig si Paulo nang mga sandaling sinasabi niya ang mga katagang iyon. Napakurap-kurap ako at napatingin sa hawak na bote ng beer. Muntik na akong mapamura. ''L*ngya, colt! Kaya pala medyo may tama na ako!'' bulalas ko.

Binalingan ko ang waiter sa counter. ''Dalawa pa ngang beer. Wag colt ha?''

''Okay Sir.''

Malakas ako uminom pero di ako sanay sa colt eh, mabilis ako malasing kasi hindi ko siya sinanay noon pa man. Mas gusto ng katawan ko yung hard.

Dumating na order ko. ''Pengeng baso. Dalawa ha? Tsaka maraming ice.''

Narinig ko ang pagkanta ni Paulo.

''If you're not the one then why does my soul feel glad today? If you're not the one then why does my hand fit yours.. this way?''

Nagpalakpakan ang mga tao. Nakipalakpak na rin ako.

''I never know what the future brings but I know that you're here with me now.. We'll make it through and I hope you are the one I share my life with...''

Kakaiba si Paulo ngayong gabing to ah! There's something about the way he sing tonight. Hindi tulad nung dati na kapag kumakanta siya, malakas na tama niya. Yung dati na kapag kumakanta siya, may halong indak at paghiyaw. Kahit pa lovesong yung kinakanta niya.

But tonight, there's something. Mukhang inlove na rin yata sa wakas ang loko. ATLAST!

Nakangiting pinanood ko siya habang kumakanta.

''I don't wanna run away but I can't take it I don't understand.. If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am? Is there anyway that I could stay.. In your arms?''

Pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Parang sa akin na naman kasi nakatitig si Paulo. Inilinga-linga ko ang tingin sa paligid. Baka naman iba yung tinitignan niya, madilim kasi. Baka nga siguro yung mga babae sa side part ng counter.

At ba't ko naman kasi iniisip na ako ang tinititigan ng bestfriend ko? Lasing na yata ako. Kung ano-anong naiisip ko. Ilang bote pa ang nainom ko bago matapos si Paulo.

''Pare sorry ha. Nagrequest kasi silang kumanta ako ng sweet kaya medyo natagalan. Kanina pa ako kumakanta dun, nawala na nga amats ko eh. T*ng ina.'' hinihingal na umupo siya sa tabi ko.

''Gagung to, nalasing na ako sa boses mo!''

Tumawa siya. ''Maganda ba?''

''Oo naman.'' nakangiting sinuntok ko siya sa tagiliran. ''Langya ka pare, inlove ka ba? Kakaiba ka kumanta kanina ah, may napupusuan ka na ba?''

Tumungga siya ng alak. ''Hindi ah! Nag-request nga sila sweet daw kaya pinagbigyan ko lang.''

Hindi na ako nagsalita pa. Ilang oras din kami doon ni Paulo. Ilang bote na nga nainom namin pero kaya pa din namin. Eh sa malakas alcohol tolerance namin eh!

Hanggang sa ma-realize naming kanina pa pala kami tawa ng tawa, pinagtatawanan ang mga walang kwentang bagay. Kung ano-ano na nga lang pinag-uusuapan kahit wala namang sense. Ganito kami, laging masaya. Parang walang problema.

''Kyle, mahal mo ba ako?''

''Gago!'' sabay batok sa kanya. ''Syempre!''

''Baka kasi mamaya kapag di ko na kaya sarili ko iwan mo nalang ako eh.''

''Ano bang silbi kong kaibigan kung ganoon?''

Alas tres na ng madaling araw ng magpasya kaming umuwi na. Bukod sa malakas na tama ko, inaantok na rin ako. Ewan ko lang tong kasama ko kung kaya pa niya. Grabe kasing inuman yun ah! Nasa Parking lot na kami nang magpaalam ako sa kanya.

''Hoy Paulo, gago ka nilasing mo ko ngayon ah! Pero salamat na rin ha? Sa uulitin. Uwi na ako.''

Matagal bago siya nakasagot. ''Ah, Kyle?''

''O?''

''Dala mo ba yung kotse mo?''

''Oo.''

''Sige. Mag-iingat ka ha! Dahan-dahan lang sa pagmamaneho.''

''Kanina pa ako tinataasan ng balahibo sayo, ano bang nakain mo? Gagong to! O sige, ikaw din. Bye!'' susuray-suray na naglakad ako papunta sa kotse ko.

Pero wala pa akong limang hakbang nang tawagin niya uli ako. ''Kyle! Sandali!''

Binalingan ko siya. ''Bakit?''

''Tawagan mo ko pag-uwi mo. May aaminin ako.''

******************

First time kong gumawa ng ganitong story. Maganda ba? Comment naman po kayo, kung nararapat bang gawan ko pa to ng Part two. Hehe. Thanks! :)))

(One shot stories compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon