Chapter 16
Napatigil si Maxxine sa kanyang ginagawa nang may naramdaman siyang braso na sumampay sa kanyang balikat. Kasunod ang pag-abot ng mga pulang rosas na may kasamang kahon ng tsokalate.
"Ferrero Rocher chocolates, in a big heart shape box. Sa lagayan na heart shape ako mas kinilig eh," nakangiting sabi ni Maxxine.
Walang dudang para kay Maxxine,
galing kay Fernan. Nakangiti ito nang siya ay lumingon. Kinikilig si Maxxine na nakipagtitigan."So dapat pala kahon na lang ang ibinigay ko. Siyempre biro lang." Binawi kaagad ni Fernan ang kanyang sinabi.
Gusto lang niyang kulitin si Maxxine. Mas kinikilig kasi si Fernan na manligaw sa babaeng alam niyang pagmamay-ari niya na ang puso. Alam niyang sa ganoong paraan niya maipadama pa kay Maxxine ang kanyang tunay at dalisay na pag-ibig.
"Mula noon ikaw lang ang babaeng gusto ko makasama sa habang buhay. Nagmahal man ako ng iba ngunit madami akong hinanap. Hindi ko maintindihan kung ano ang kulang. Noong gabing una kita nakitang muli. Nasagot ko ang sariling mga katanungan sa isip. Napuno ng saya ang aking puso. Nangamba pa rin ako noon na baka isang kabiguan lang ang pangahasan ko ang lapitan ka. Kaya pilit no noong ikinubli sa sobrero at salamin ang aking mukha. Wala pa akong lakas ng loob na makilala mo. Hindi ko alam ng gabu na iyon kung paano ko simulan ang lahat. Lalo na ang tungkol kay Xandra. Kung paano ko ipaliwanag sa iyo ang anak natin. Kasalanan ko kung bakit nasayang ang maraming taon nating dalawa. Naging mahina ako hindi kita kayang ipaglaban sa aking ina."
"Kasalanan ko din dahil lumayo ako," malungkot. Teka tama na nga dyan sa mga usapang ganyan. Wala na 'yong sisihan. Tadhana na ang may gawa. Ang sabi ko manligaw ka lang sa akin uli. Wala na 'yong mga nakaraang binabalikan pa. Dahil ayoko ko na rin maalala kung gaano ako naging matigas sa paglipas ng panahon." Magkahalong saya at lungkot itong sinasambit ni Maxxine.
Ayaw lang ni Maxxine ang mga kahapong masakit para sa kanya ito ay lumipas na. Ganun pa man naghilom ang mga sugat ng kahapon nilikha ng ina ni Fernan. Napagtanto balewala ang kayamanan. Noon inaasam niyang magkaroon ng maraming salapi upang tapatan ang matapobreng ina ng lalaking kanyang pinakamamahal. Ngunit naging kulang din ang buhay niya. Hindi pala pera lang ang nakapagpasaya sa tao. Kailangan lang sa tao ang matutong makuntento at higit sa lahat magpatawad.
" Ay bawal ba ang flashback," natatawa na ring sagot ni Fernan.
Hindi na ito sinagot ni Maxxine sa halip tinitigan niya na lang at matamis na ngiti ang meron sa.
Para itong isang magnetong humila kay Fernan. Isang mahigpit na yakap at maalab na halikan kasunod na nagaganap.
Masaya para sa anak si Aling Letty na nanonood pala sa veranda. Ipinagdarasal niyang sana wala ng pagsubok na pagdaanan ang anak at ang lalaking minamahal nito.
"Oops! tama na huwag nating kalimutang nasa labas tayo. Wala sa loob ng kotse o sa dampa," natatawang sambit ni Maxxine.
"Ano ba 'yong gagawin mo dito sa hardin? Napakaaga mo namang nandito. Nakita ni Fernan ang mga maliit na batong inaayos pa ni Maxxine ng pagkakahilira ng lagay.
"Gusto kong mag landscape sa banda rito. Kahit itong bahagi lang na ito lang." Itinuro ni Maxxine ang paligid ng mga namulaklak na daisy.
"Bakit dyan lang, itong buong hardin na," mungkahing sabi ni Fernan.
"Sana... Gusto ko kasi ako mismo ang gagawa. Wala na rin namang mga pebbles kung mas malawak ang lalagyan. Inikot ni Maxxine ang
paligid ng hardin."Teka!" Halika tara!" nagyaya nitong sabi.
"Saan ba tayo pupunta?" Sumakay na si Maxxine sa yate. Hindi niya na mapigil ang magtanong kung saan sila tutungo.
Tinabig muna siya ni Fernan ng kanang kamay at iniharap sa steering wheel. Inaamin niya sa sarili na kinikilig siya na nakapaloob siya sa mga bisig ni Fernan habang hawak nito ang manibela ng yate. Precious moment that Maxxine count it as enough to be the most happiest woman in love. She feel the overwhelming warm love around. Lost time and love is filled up like magic. Pains were healed. And Xandra, is her most preciuos gift. Maxxine close her eyes and feel the morning cold breeze.
"I love you, Maxxi."
"I love you,too.""Siguro naman nakapanligaw na uli ako sa iyo," nagbibirong sabi na Fernan.
"Huh, so iyan na 'yong panliligaw mo," kunwaring umaangal na turan ni Maxxine.
" Mamaya pupunan ko ang kakulangan pagdating natin sa dalampasigan ng isla." Malambing nitong sagot sa babaeng mahal niya.
Sa Isla Maria Clara dumaong sa
baybayin nito ang yate. Kinakabahang bumaba si Maxxine. Napalingon ito siya kay Fernan at nagsasalita."Naku naman, bakit tayo nagpunta rito." Naalala ni Maxxine ang kanyang ginawa mailigtas lang si Fernan. Pero maulit man ang nangyari gagawin niya pa rin uli ang kanyang ginawa.
Naunang bumaba si Fernan sa kanya. Tinatanaw muna niya mula sa malayo ang kakahuyan sa malayo.
"Baba na, halika ka na."Inilahad nito ang kamay kay Maxxi
ne para alalayang bumaba.Sa bandang may maraming nakukuhang pebbles dinala siya ni Fernan.
"O ayan mangunguha tayo ng batong ilalagay natin doon sa gusto mong landscape." Nag- umpisang pumulot ng magaganda pebbles si Maxxine ginaya ang mga batong dinampot ni Fernan.
Nag-umpisang tumaas na ang araw kaya bahagya ng namula ang pisngi ni Maxxine. Dahilan na lumutang ang kanyang gandang lahi na isang white caucasian. Siya 'yong may perpektong mukha ng mestisang pinay.
"Maxxine!" May sasabihin pa sana si Fernan.
"O bakit? Sana'y hindi ako matunaw niyan sa mga tingin mo.
Hindi na nawalay ang mga titig ni Fernan sa mukha ni Maxxine na namumula sa init. Lalo itonHang nakakabighaning tingnan.
" Sige, sige lang pag ako nabasa! Maliligo tayong ng tuluyan. Uuwi tayong parehong basa," bantang sabi ni Maxxine. Nakita kasi niyang dumakot ng isang palad na tubig alat si Fernan at akma na sanang isaboy sa kanya.
"Pwede rin. Maligo na nga lang tayo. Mas gusto ko 'yon." Sobrang ligaya ang nadarama ni Fernan sa bawat sandaling kasama si Maxxine.
Pinupog niya ito ng halik pagkatapos nilang masayang naghabulan sa tabi ng dagat hangga't sa lumusong pa si Maxxine sa tubig.
"Ito pala 'yong buhay na hinahanap ko. Para sa sarili ko at para sa anak natin," bulong niya kay Fernan. Lalo siyang nakulong sa mga bisig ng lalaking mahal niya.

BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...