Chapter 1

62 0 0
                                    

 Ang aga kong nagising kanina, siguro excited ako sa unang araw ng pagpasok sa bago kong eskwelahan, wala akong kaibigan ngayon dahil transferee ako. Galing akong Davao nalipat ng trabaho ang papa ko dito sa Quezon City kaya eto ako ngayon.

Hinatid ako nina Papa ng maaga, halos wala pa ngang tao dito  sa Holy Child Montesorri High School eh, kailangan ko daw kasi dumaan ng Principal's office.

Binaba na lang ako nila papa sa gate at ako na daw ang maghahanap ng office of the principal.

“Boy! Saan ka pupunta, di ka taga rito ahhh…” sita ng guard sa akin ng ako’y humakbang papasok ng gate.

“Ahhh… bossing transferee po ako, kaya hindi pa ako naka-uniform… kailangan ko pong pumunta ng Principal’s office, pero di kop o alam kung saan… depensa ko naman.

“Ahhh…” tiningnan niya ako ng maigi, parang pinag-iisipan pa kung totoo yung mga sinasabi ko. Eto na mang guard na to, sa itsura kong to, mukha ba akong estudyanteng adik?

“May ID ka ba?”

“aahhhh… eto po, pero luma na po yan sa dating school ko pa po yan…”

“Sige… iwanan mo na to dito at paglabas mo na lang mamaya kunin” sabay tapon ng ID ko dun sa kahon, marami pala silang koleksyon ng ID, ang dami kasing nakatiwangwang na mga ID lace dun eh. “Pero wala pang tao dun sa Opisina  maghintay ka na lang hanggang mag-alas syiete.”

“Sige po, maraming salamat bossing.”

Dumiretso na ako dun, at sarado pa nga pero may naglilinis sa loob, kaya dito muna ako sa bench maghihintay, 15 minutes na lang naman at alas syiete na. kaya habang naghihintay kinuha ko yung iphone ko at maglalaro muna ng temple run.

After 15 mins….

Tyempong nabangga yung character ko at nakain na ng mga monkeys, may napansin akong dumating na mga teachers at isang madre papasok sa opisina, kaya naman tumayo na ako at naghintay sa labas ng pinto hanggang makalabas lahat ng mga teachers.

Pumasok na ako, may mga dividers, at may table sa gilid na may nakaupong maganda. Pero naka-uniform naman, teacher siguro kaya ganun, bawal tumingin baka minus sa behavior to.

Pero biglang napatingin si Miss Beautiful. “Are you Mr. Peñaflor?”

“y-es!” Nagulat naman ako sa bigla niyang pag-banggit ng aking pangalan. “Good morning Mi--- Ma’am,” naku, muntik nang ma-miss, nakakahiya! “Ahhh, I was told to see Sister Mary Asuncion before getting into my class,” napasubo English ko dun ah.

“We are expecting you, please come with me” pinasunod niya ako sa isa pang pinto at may nakita nga akong babaeng naka habit, siya na siguro si Sister Mary.

“Excuse me, sister, andito nap o si Mr. Peñaflor,” sabi ng babaeng maganda.

At pinaupo niya ako sa kulay gray na upuan.

"Yes, Mr. Jousef Peñaflor, welcome to Holy Child Montesorri High School. As I reviewed your credentials, I can say that you are a good and smart student," sabi ni Sister Mary, ang Principal, habang tinitignan ang aking mga dokumento. "That is why, I also expect something from you. You will be in the advance curriculum section which is Fourth Year - Wisdom," sabay kaway sa kanyang sekretarya.

"Mr. Peñaflor, this is my secretary, Miss Christine she will accompany you to your classroom," sabi niya habang inaabot ang mga papel kay Miss Christine. “Please give these papers to his adviser.”

Ayun at nalaman ko din ang pangalan miss pa pala siya, nasiyahan naman ako dun sa narinig ko. Tumayo na ako at sumunod kay Miss Christine.

Dinala niya ako sa fifth floor ng isang building at pumasok kami sa likuran na pinto ng pangalawang classroom, ito na ang classroom ko dahil may nabasa akong IV-wisdom sa itaas ng board.

“Excuse me, Mrs. Cruz andito na po si Mr. Peñaflor,” sabi ni Mis Christine sabay abot ng mga credentials ko.

“Maraming salamat, Miss Christine,” at umalis na nga si Miss Christine, grabe, mamimiss ko siya.

“Welcome to your new school, Mr. Peñaflor, I’m Mrs. Eva Cruz, your Adviser and English Teacher. Why don’t you introduce yourself in front of the class?”

At pumunta na nga ako sa harapan, medyo nahihiya ako, pero dapat gawin ko to, bago ako eh. Habang nasa harapan ako tiningnan ako ang buong klase, may mga naka-eyeglasses, pormal ang pagka-suot ng uniform at ang mga babae prim kung kumilos. Pero may isa dun sa likod na halatang ngumunguya ng chewing gum, di siya nerd kung tingnan, stand out siya kasi siya yung naiiba. Yung mga lalaki naman brush up halos ang buhok at marami sa kanila may bakod ang mga ngipin, naku! Di ko yata makaka-tropa tong mga to.

Nag-smile ako dun, at nag-sabing: “Good Morning!” gagalingan ko ang pagsasalita, kasi kahit di ako nerd tingnan alam ko kayak o maki-pagsabayan sa kanila. “I am Jousef Peñaflor, 16 years old from Davao City, we just moved since my Father got a promotion and obliged him to move into bigger city like this. I hope to get along with all of you throughout my year as a Senior High School student. Thank you so much for welcoming me warmly,” though di ko naman naramdaman yun, just for the sake of art, hahaha.

Doon ako pina-upo sa tabi ng isang babaeng ngumunguya ng chewing gum. Pero yun, nakit ni Mrs. Cruz na yung nginunguya niya kaya pinagalitan. Ano ba naman yung babaeng yun, nasa loob ng klase.

“Hi” batik k okay Miss Chewing Gum.

Tapos eto yung response niya…          ;P

“I’m Jousef” dugtong ko. Pero smile pa rin ang reply niya, naku tong babaeng to wagas kung makatitig. O_o

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon