Chapter 32

1.2K 14 4
                                    

Chapter 32:
Start

Stephanie's Point of View

Medyo nakakatawa lang isipin na mauuwi lang sa wala ang efforts ni Kyzer.

Nandito pa rin ako sa office, nire-review ang mga nagawa ni Kyzer noong siya pa ang CEO.

Sumulyap ako sa kanya na nasa sofa, nakaupo.

Nakatingin rin siya sa akin na may kasamang ngiting nakakaloko.

Argh! Stephanie! Stop that!

"Iyan ba trabaho ng isang secretary?" Mataray kong tanong.

Bahagya siyang tumawa bago nagsalita.

"Pabayaan mo na ako dito, mahal."

That fucking disgusting endearment!

"Pwede bang itigil mo na ang pagtawag sa akin ng mahal, Secretary Buenelle." Kalmado kong wika.

Okay Stephanie, try to be calm and cold.

"Bakit? Kinikilig ka?" Aniya habang nakangiting nanunukso.

"Tss, hindi. Nasusuka ako." Sabi ko.

"Nasusukambak?" Aniya.

Ha? Ano daw?

Nasusukambak? Ah! Nasusu-comeback! Ang corny.

"Kung magpapakamais ka lang diyan hanggang matapos ang 40 days, pipirma Ka talaga sa annulment papers."

"At sino namang nagsabing iyan ang gagawin ko?"

"Sino pa ba ang ibang tao dito? At isa pa, kakasabi ko nga lang hindi ba? Tapos sinagot mo ako ng tanong kung sino?" Sabi ko dahilan kung bakit napaisip ng ilang saglit si Kyzer.

"Ah, alam mo, ang bitter mo, hindi Ka naman ampalaya."

"At hindi rin naman ako asukal para magpaka-sweet. Hindi rin ako laruan na pwedeng iwanan kapag pagod ng paglaruan at babalikan kapag gusto na namang paglaruan. Tao ako, Secretary Buenelle, tao."

"Hindi kita binalikan para paglaruan ulit. Binalikan kita para itama ang mga pagkakamaling nagawa ko sa iyo. I want to be a better man and a better husband for you, mahal. If you'll give me second chance, I'll make things right."

"Second chance is only for those who are deserving to have it. And you are not deserving."

"Hindi pa nga ako nagsimula sa panliligaw sa iyo, hindi na agad deserving?"

"Sinasabi ko na iyan kasi diyan rin naman ang kahahantungan ng kahibangang ito."

"Huwag magsalita ng tapos."

"Bakit ba natin pinag-uusapan ang mga bagay na iyan? Working hours ngayon, back to work." Sabi ko saka binalik ang tingin sa folder. Nang hindi nagsalita si Kyzer, tiningnan ko ulit siya.

Nakatitig na naman siya sa akin. Iyong namamanghang tingin dahilan kung bakit tinaasan ko siya ng kilay.

"Mas lalo kang gumanda ngayon kaya mas nahuhulog ako sa iyo." Aniya saka ngumiti na parang nagpapa-cute.

Kyzer has a handsome face. Kung si Jerson ay Korean style ang handsomeness, siya naman ay may pagka American style.

Makapal ang kilay, maputi, mahaba ang pilik mata, mapanga, matangos ang ilong, kulay brown ang mata, porma ang makapal niyang labi, double chin, matipuno ang pangangatawan, mas matipuno siya ngayon dahil maintained ang kanyang pagpunta sa gym. And bagay sa kanya ang magsuot ng suit.

"Bakit ganyan Ka makatitig sa akin, mahal? Nahulog Ka na ulit? Ang bilis naman, bumanat pa nga lang ako." Aniya dahilan kung bakit nabigla ako.

Ha? Nakatitig ako? P-paano? Argh! Shit this! Ayoko na!

"Nahulog? Tss, not in your wildest dreams. Kaya kita tinititigan kasi nakikita ko na ang expression mo habang pinipirmahan ang annulment paper." Palusot ko.

Good job Stephanie!

"Annulment paper nga ba? Or marriage contract?" Aniya.

"Secretary Buenelle, kung hindi Ka pa titigil, I'll fire you."

"Okay, okay. Eto na, titigil na."

"Good." Sabi ko saka bumalik na kaming dalawa sa trabaho.

Pagkatapos ng aking trabaho, umuwi na agad ako.

Pagkauwi ko, nakita ko agad si Jerson na kinakarga si Sabrina habang inaaliw.

"Jerson, ang aga mo ha." Sabi ko.

"Haha, inagahan ko talaga para makalaro ko ng matagal si Sabrina."

"Ganoon ba, hindi ba siya umiyak?"

"Naku, hindi. Sa katunayan nga, nagkasundo agad kami."

"That's good." Sabi ko saka naglakad palapit sa kanya. "Hello Baby Sab! Nandito na si mommy!" Wika ko habang inaaliw ang aking anak. Ilang saglit lang, ibinigay na sa akin ni Jerson si Sabrina.

"Oh, anak, nandito ka na pala. Kain na tayo." Biglang sabi ni mommy.

"Sige po mom, susunod po ako." Sabi ko saka ibinalik na sa kuna si Sabrina. "Dito ka muna Baby Sab ha, kakain lang si mommy." Sabi ko saka naglakad na papunta ng kusina.

Pagkarating ko ng kusina, kumain na agad kami.

"Kailan ba ang binyag ni Baby Sab?" Biglang tanong ni Jerson.

"Hmmm, we planned na this May. Para mapaghandaan ng maayos." Sagot ko.

"That's good, eh may naisip Ka na bang mga magiging ninong niya?"

"Wala pa, medyo busy kasi ako this days kaya wala pa sa isip ko ang bagay na iyan. Sina mommy nalang siguro ang bahala diyan. Bakit, gusto mo bang maging ninong?"

"Yes! Gustong-gusto!" Natutuwang wika ni Jerson.

"Anak, alam mo, kopyang-kopya ka ni Sabrina. Ganyang-ganyan ka noong baby ka pa." Wika ni mommy.

"Hehehe, napansin ko rin po iyan." Sabi ko at mayamaya lang, biglang umiyak si Sabrina. "Ow, umiiyak na ang baby ko. Maiwan ko na muna kayo saglit, magpapadede lang ako ng sanggol." Wika ko saka naglakad na papunta sa anak ko at agad na pinadede ito.

Ang ganda talaga ng anak ko, swerte siguro ang mapapangasawa nito in the future.

Anak, magpapakabait Ka ha, at maging wais ka sa pagpili ng mapapangasawa mo. H'wag kang tutulad sa mommy mo na tanga pagdating sa pag-ibig.

Mayamaya, lumapit sa amin si Jerson at tiningnan akong nagpapadede. Tumalikod naman agad ako, syempre, nagpapadede ako kaya nakalabas ang isang dede ko. At isa pa, lalaki siya. Alam naman natin na ang mga lalaki ay may kakaibang nararamdaman kapag nakakita ng tinatagong parte ng mga babae.

"Jerson, umalis ka muna, nagpapadede ako."

"Sorry, gusto lang kasi kita makitang nagpapaka ina sa anak mo."

Nang nakita kong nakatulog na si baby, itinago ko na ulit ang dede ko saka ibinalik na sa kuna ang bata.

"Bagay Ka na talagang maging ina." Aniya.

"Salamat, tapos ka na bang kumain?" Tanong ko.

"Oo, kakatapos lang."

"S-sige, kukunin ko muna ang pagkain ko, dito nalang ako sa sala kakain." Wika ko saka akmang lalakad na papuntang kusina pero...

"I'm home!" Biglang wika ng isang pamilyar na boses dahilan kung bakit napalingon ako sa kanya.

"Kyzer?" Sabi ko at nakita kong may dala siyang maleta. "B-bakit may dala kang maleta?"

"Dito na ulit ako titira."

"Ano?"

"Paano ako magtatagumpay sa panliligaw ko sa iyo kung sa office lang tayo nagkikita?"

Go, akala mo naman ituturing pa kitang asawa ko. Never!

The CEO's Mistress✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon