Prologue

67 3 0
                                    

Callum

Nagising akong nasa isang magarang kwarto habang masakit ang ulo pati na balakang. Pinilit kong tandaan ang nangyari kagabi pero malalabong larawan lang ang nakikita ko sa likod ng aking mga mata.

Tumayo ako, nagbabakasaling baka matandaan ang mga nangyari kapag nilibot ko ang kwartong ito. Tinungo ko ang iba't ibang bahagi ng kwarto ngunit wala akong matandaan hanggang sa nakita ko ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harap ko, wala akong kahit anong suot.

"Hindi kaya?". Bumalik ang mga larawan sa utak ko, mas mabilis, mas malinaw ngunit di sapat upang maalala ang lahat...

Our First Night, Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon