Chapter 2

33 3 2
                                    

Dmitry

'Hayyy, ano ba 'yan naalala ko nanaman yun'. Sabi ko sa sarili ko ng nakabalik na ako sa realidad. Ayoko na kasi alalahanin yun dahil paano ba naman, pagbalik ko sa kwartong yun wala na siya ni hindi ko pa nga natatanong ang pangalan niya eh, bigla na lang siyang nawala. Magdadalawang buwan narin simula ng mangyari yun at ngayon ay ang araw ng paglipat ko sa dorm ng school na papasukan ko.

"Kumpleto na ba lahat ng dadalhin mo, mga gamit mo, lahat ng kailangan mo, vitamins???" OA na tanong ni Mama.

"Yes po Ma." Bagot kong sagot.

"Did you already put your things inside the van?" Tanong na nanaman sakin ng Mama ko.

"Yup". Tipid kong sagot.

"Wala ka na bang nalimutan? Baka mamaya may naiwan ka pa?" Tanong nanaman niya.

"Wala na po." Walang gana kong sagot.

"Are you sure???"

"Yeeees poooo". Irita kong sagot.

"Hey Dmitry Seth Rabinovich Dela Vega why are you like that? You seem to have no interest in anything that I'm saying. Seth, di mo na ba ako mahal?" Hay ito nanaman po tayo. Ganito talaga kapag ang nanay mo ay isang theater actress. Kailangan ko nanaman suyuin ang aking mahal na ina.

"Ma, di naman sa ganun pero kasi I'm a man now di nako baby, kaya responsible nako sa maraming bagay. At siyempre mahal na mahal kita ma, dahil ikaw ang favorite kong Mama." Pambobola sa aking Mama na si Charlotte Rosseth Rabinovich Dela Vega isang Russian na Theater actress at Dentist.

"Oh bakit kayo nagyayakapan ng wala kami ha?" Tanong ng Papa ko na si William Dmitrion Vargas Dela Vega ang may ari ng Vardevega Medical Corp. ang sikat na Hospital, Clinic(any kind), at Pharmacy na may branch sa iba't ibang bansa. "Oo nga, nakakatampo bro ah." Sabay tapik sa likod ko ni Charles Liam Rabinovich Dela Vega, Kuya ko, isang Doctor, Neurologist. "Ang arte mo naman Kuya sumama ka na nga lang dito" Pag-asar ko kay Kuya. "Ikaw rin William". Sabi naman ni Mama.

Biglang bumusina yung van namin kaya natigil kami sa kadramahang group hug na ito. "Sige na Ma, Kuya, Pa kailangan ko na umalis." Pagpapaalam ko sa kanila. Pumasok na ako sa loob ng van at nagmaneho na ang isa sa aming mga driver.

"Sa wakas nakarating na rin ako." Sambit ko paglabas na paglabas ko sa Van. "Ok naman pala itong school na ito eh." Inilibot ko ang aking tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun. "Mga Bro andito na pala kayo." Sigaw ko kila Kenzo at Everett habang kumakaway. "O bro musta?" Sabi ni Kenzo sabay lapit sakin, sumunod naman si Everett. "Oks lang Ken, kayo ba?" Balik tanong ko sa kanila. "I'm ok man." Sagot ni Everett na may pagsapak pa ng mahina sa aking balikat. "Oks lang rin." Sabi naman ni Kenzo na may ngiti sa labi.

Nagsama sama na kami at sabay sabay pumunta sa front desk ng dorm. Naabutan namin sa front desk sila Levi at Austin na nanghihingi na ng room key. "Saang room kayo?" Tanong ni Everett kila Austin at Levi. "507". Tipid na sagot ni Levi. "506 naman ako". Masiglang sagot naman ni Austin. "Sige mauna na kami sa inyo umakyat ah". Dagdag pa ni Austin. "Geh". Tipid na sagot ni Kenzo.

"Everett Genesis Duval Delgado po". Sabi ni Everett sa babaeng nasa front desk. "Everett, hmmm… Ah room 507 po kayo". Sabi ng babae sa kaniya. "Uy kasama mo si Levi sa room". Sabi ko sa kaniya. "Sana ol". Sabi naman ni Kenzo. "Dmitry Seth Rabinovich Dela Vega miss". Sabi ko sa babae. "Uhhh-huhh, Dmitry... Ah room 505". Sabi naman nung babae. "Kenzo Axel Choi Tuazon magandang binibini". Naku nambola pa itong si Kenzo. "Ken... Kenzo... 506, room 506". Sagot muli ng babae.

"Ibig sabihin pala ako lang ang nahiwalay sa'ting lima?" Tanong ko habang nasa elevator kami. "Mukhang ganun na nga bro". Sabay tapik sa balikat ko si Everett. Naging tahimik kami hanggang sa makarating sa 5th floor. "Bye bro mamaya nalang". Pamamaalam ni Kenzo habang papasok sa kwarto nila. Tango na lamang ang naisagot ko dahil mabigat ang bitbit kong box at hila-hila kong maleta.

Pinihit ko ang pintuan at laking gulat ko ng bumukas ito. Pumasok ako para tignan kung may ibang tao pa rito bukod sakin.

Nilibot ko ang dorm mula sala hanggang kusina, mula banyo hanggang kwarto at dun ko natagpuan ang aking ka-roommate.

Our First Night, Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon