Callum
Nagtagal ang aming halikan ng ilang minuto kaya't ako na ang kumalas. Tinulak ko siya't pumunta ako sa baniyo. "I told you, you'll love it." Sigaw niya ng makapasok nako sa banyo't sinarhan siya ng pinto.
"Ano ba Callum bakit mo yun ginawa!?" Tanong ko sa repleksiyon ko sa salamin. "Nababaliw ka na ba!?" Sunod kong tanong habang sinasampal ang sarili. "Baby? Sino kausap mo jan?". Tanong ng loko habang kumakatok sa pintuan ng banyo. "I'M TALKING TO MYSELF JERK AND EXCUSE ME, DI MO AKO BABY!". Sigaw ko sa kaniya kahit alam kong nasa kabila lang siya ng pintuan. "Hindi pa, sa ngayon, pero soon to be, babe... Soon to be." Narinig ko ang hakbang niya papalayo sa banyo. "EWAN KO SA'YO PA-FALL!" Muli kong sigaw.
Paglabas ko sa banyo nakaamoy ako ng nakakagutom na halimuyak. Sinundan ko ang amoy at nadatnan ko ang sarili ko sa kusina. Huminga ako ng malalim para maamoy ang pagkaing kanina ko pa hinahanap. "Gutom ka na ba Baby?" Hay naku yung gwapong halimaw nanaman. "Di ako gutom at pwede ba wag mo nga akong tawaging ba---". Nahinto ako sa aking sinasabi ng makita ko sa Dmitry.
Nakasandal siya't nakapamewang sa pader ng kusina habang nakasuot ng apron, ngunit ang nakapag patulala sa akin ay yung wala siyang ibang suot bukod sa apron at boxers. Napalunok ako ng laway na parang uhaw na uhaw. "So, you like the view?" Tanong niya habang tinataas baba ang dalawang kilay at nakangisi. "N-no". Sabi ko with rising intonation.
Lumapit siya't pumunta sa may mesa. "Ano, kain na tayo?" Pagaaya niya sa akin. "Hindi nga ako gu--". Namula ang buo kong mukha ng di ko natapos ang aking sinasabi dahil sa biglaang pagkalam ng aking sikmura 'bakit ang lakas ng tunog ng tiyan ko?'. "Ohhh, your mouth says no but your stomach says yes. Halikan na." Nagulat ako sa huli niyang sinabi. "I mean halika na, let's go." Paglilinaw niya. Di na ako tumanggi pa dahil nakagugutom naman talaga ang mga inihanda niyang pagkain.
"Should I consider this as a date?" Tanong niya bago kami kumain. "Anong date? Nanliligaw ka ba? Tayo ba?" Balik tanong ko sa kaniya. "Bakit porket date nanliligaw? Pwede namang friendly date ah." Jusko medj pahiya ako dun ah. "Ah ok, edi date." Nang sabihin ko iyon, para siyang baliw na napangiti pa at sumuntok sa hangin.
"Baby anong ginagawa mo?" Tanong nanaman niya. "Naghuhugas ng plato di mo ba nakita?" Sagot ko naman sa kaniya. "Eh baby dapat nagpahinga ka na lang at ako na gumawa niyan." Balik tanong niya sakin. "Ikaw na nga yung nagluto ikaw pa maghuhugas that's unfair." Sagot kong muli sa kaniya. "Uy baby ikaw ah". Sabi niya sabay kalabit sa tagiliran ko na siyang kinakiliti ko. "O?". Ang tangi kong nasabi. "Di ka na nagagalit kapag tinatawag kitang baby ah.". Siyempre bakit ako magagalit angsarap kayang matawag na baby lalo na kung ikaw ang magbabanggit. "Naku Dela Vega ah, tigil tigilan moko dito ah. Kaya ako di nagrereact kasi ayoko nang makipagtalo ba sa bugok na gaya mo". Isa nanamang kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko.
Sa wakas matatapos na rin ang unang araw ko kasama ang gwapong halimaw. Angdaming nangyari sa unang araw palang pano pa kaya sa susunod pang mga araw.
"Babe?" Pagtawag niya sa akin habang nakahiga kaming dalawa sa sarili naming mga kama.
Nakaharap ako sa pader kaya di ko siya nakikita. "Baby?" Muling pagtawag niya sa'kin "Baaaabe". Isang tawag nanaman. "Babe tulog ka na ba?". Tanong niya sa akin. "Oo" pagsagot ko at para akong tangang napangiti. "Di ako makatulog". Sabi niya ng may malumanay na boses. "Problema mo na yun". Patataray ko sa kaniya. "Eh ikaw bakit gising ka pa?" Tanong niya. "Ahh-ehh ka-kasi nagmumuni muni muna ako bago matulog". "Ah ok". Tipid niyang pananalita.
Tumahimik ang buong silid matapos ang ilang segundo. Ngunit maya maya nakaramdam ako ng ibang balat na dumadampi sa akin, hanggang sa napagtanto kong nakayakap na sa akin si Dmitry.
Nakatalikod parin ako sa kaniya kaya't siya ay nakayakap sa likod ko, back hug kumbaga. "Anong ginagawa mo?". Mahinang galit 'kunyari' na tanong ko. "Sinusubukang matulog". Sagot niya na parang walang nangyayari. "Ng nakayakap talaga sa akin?" Tanong kong muli. "Siyempre mas madaling makatulog kung magkayakap diba?" Sagot niya na parang normal ang lahat. "Di naman tayo magjowa eh".
"Alam ko, pero soon Callum, mapupunta rin tayo dun". Mapang-akit niyang bulong sa'king tenga.
Sinubukan kong kumawala pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin at mas idinikit pa ang katawan niya sa likod ko, dahilan para madama ng aking likuran ang kaniyang anim na perpektong pandesal. Nag-init ang buo kong mukha o hindi kaya ang buo kong katawan?
Pinilit ko paring kumawala dahil baka ikamatay ko ang nangyayari pero di ko kaya dahil mas malakas siya sa akin. Di ko namalayang sa kakapilit kong makawala nakatulog nako habang siya'y nakayakap padin sa akin.
BINABASA MO ANG
Our First Night, Last Night
RomanceOne night of pure lust. Will they meet each other again? Or is their first night going to be their last night?