Untitled

15 0 0
                                    

"HUBBYYY" sigaw ko pagkauwing pagkauwi ko pa lang.

Asan kaya yun? Bakit hindi sumasagot. Hmp.

"HUBBBYYYY!" Sigaw ko ulit. Ayy ang dami ko pa namang sasabihin tapos wala dito.

Diretso na ako ng kwarto para magbihis kaso ayun sya, nakatulog pala kaya hindi sumasagot.

'hehehe' tawa ko ng may maisip akong kalokohan.

Nagbihis muna ako pagtapos kinuha ko yung lipstick at dinala sa kama kahit na hindi naman talaga ako mahilig maglipstick. May gagawin lang ako hahaha

Naglagay ako ng makapal na lipstick sa labi ko then tinatad ko sya ng kiss. Pag nawawala na kulay nung lips, lagay ulit. Buong mukha nya, leeg tapos sa may dibdib at tyan puro kiss na. Bakit ba, pwede naman itaas ang damit ah.

Nung tadtad na sya ng kiss, kinuha ko naman yung lipstick para ilagay sa labi nya.

"Ang cuteee" wika ko pagkatapos ko pagmasdan ang itsura nya.

Gumalaw galaw sya kanina kala ko magigising na sya pero napasarap ata tulog nya hahaha. Humiga na ako pagkatapos then yumakap at tumabi sa kanya.

Naalimpunatan na lang ako nung may marinig akong parang naiinis sa tabi ko.

Nung nagmulat ako, nagulat ako kasi ang sama ng tingin nya sakin.

"Hubby, bakit?" Tanong ko sa kanya. Natatawa ako dahil sa itsura nya.

"Ano yang nasa labi mo? Kailan ka pa natutong maglagay ng ganyan?" Inis nyang tanong sakin.

"Ha? Alin hubby?" Taka kong tanong.

"Tss" angil nya bago ako binuhat at dinala sa harap ng salamin.

"Yan, tingnan mo yang labi mo" sabi nya habang sakin pa rin nakatingin.

Napalingon ako sa salamin and oppps, ang pula ng lips ko. Hahaha ngayon ko lang naalala yung ginawa ko bago ako matulog. Wait, hindi pa nya nakikita itsura nya? Pero inis na agad sya? Pano pa kaya mamaya pag nakita na nya pinaggagawa ko? Uwaaa.

Kita ko sa repleksyon sa salamin na nakatikod na sya at aalis. Punta na sigurong cr para maligo. Paktay.

"Alisin mo yang nasa labi mo, maligo lang ako" pahabol nya pa bago pumasok sa cr. Uwaaa. Paktay na talaga.

"Wifeeeeey!" Sigaw nya ilang minuto pa lang nakakalipas. Lagot na talaga.

"Yes hubby?" Inosente kong tanong, kinakabahan talaga ako.

"Humanda ka sakin paglabas ko" banta nya. Uwaaaa. Mamaaaa.

Makalipas ang halos kalahating oras, lumabas sya mula sa cr.

Agad nya akong niyakap. Backhug. Nakapatong baba nya sa balikat ko.

"Ano na naman ba yun wifey? Bat ang daming ano sa katawan ko?" Malambing nyang sabi. Hindi sya galit. Uwaaa. Love nya talaga ako.

"Eh kasi, nakatulog ka na, hindi mo ako inantay" kunwari'y nagtatampo kong sagot.

"Ang cute cute talaga ng wifey ko. Sorry wifey, I love you" sabi nya then hinarap nya ako sa kanya at kiss sa forehead ko.

Anong nagawa ko para mahalin ako ng isang lalaki na ito? Sa kabila ng kaabnormalan at kakulitang taglay ko, may isang lalaking handang unawain at intindihin ako.

Kitams. Mainggit kayo. Love ako ng hubby ko.

— 𝓜𝓪𝓵✍️

Hope you like it💛

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KaechosaaanWhere stories live. Discover now