Ipagpapatuloy ko pa ba ang kahibangang ito
Unti unti na akong napapagod
Napapagod maging tanga
Napapagod umasa
Napapagod Umintindi
Umintindi sayo at sa mga rason mo
Napapahinto at napapa-isip
Tama pa ba ito o sumusubra na?
Dapat bang tumigil na?
Ito na ang ang oras na sarili ko naman
Sarili ko naman?
Pero pagnakikita kang muli bumabalik lahat
Bumabalik sa dati ang nararamdaman ko
Bumabalik sa dati noong tanga pa ako sayo
Yung ayos lang na lokohin mo ako
Nung nagbubulagbulagan kahit alam ang totoo
Nung minahal pa rin kita sa kabila ng ginawa mo