03: Mahal Kita

1 0 0
                                    

Mahal kita, yan ang salita na gusto kong marinig

Salita na kay sarap sa pandinig

Mahal kita, yan ang katagang nakabaon na sa limot

Minahal kita ngunit para sayo'y di naging sapat

Hindi naging sapat kaya ka lumisan at naghanap ng mas higit  at karapatdapat

Minahal kita pero sa kanya ka naging masaya

Kaligayahan na sa akin mo dapat nadama

Mahal kita ngunit handa akong palayain ka

Tula ni FaiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon