Callum
Nasa kotse kaming lima ni Meiah papunta sa Choinleth Place ang mall na paborito naming pinupuntahan. "Hoy ikaw Callum, magsabi ka nga sa'min kailan kayo nagkakilala ng boyfriend mo?". Tanong ni Kyla na kailangan pang tumalikod dahil siya'y passenger seat. "Pwede ba? Hindi ko nga siya boyfriend." Sagot ko sa kaniya. "Eh bakit may pagbilin kanina?" Tanong ni Zaila na nasa kanan ko at nasa likod ni Kyla. "Tsaka bakit BABE o BABY". Tanong naman ni Sheila na dinidiinan pa ang word na babe at baby. "Oo nga, ano naman yung sa iisang kama natulog at ano yung halikan na di niya nasabi?" Tanong naman ng nagda-drive na si Jameiah. "Ano ba kayo? Suspek ba ako? Edi sana tinapatan niyo na ako ng ilaw para naman feel ko diba. Roommates lang talaga kami at kahapon lang kami nagkakilala. Kaya babe at baby tawag niya kasi ewan ko baka trip niya lang. Kaya ako nagbilin para maging maayos yung dorm tsaka anghilig niya kasing magluto para sabay kaming kumain. At dun sa sinasabi niya kanina na di niya naituloy..."
Kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari kagabi pati na rin kaninang umaga. Sakto namang pagkatapos kong magkwento ay nakarating na kami. Nagsimula kaming maglibot sa mall na ito na kabisadong kabisado na namin. Nag-shopping kami, kumain, at nagTimezone na rin.
Nakauwi kami ng 10:32 PM at nagsipasok na sa sarili naming mga kwarto. Binuksan ko ang pintuan at hinanap ang switch ng ilaw. Nagtungo ako sa kusina at nakakita ako ng taong nakatungo sa mesa't tila tulog, lumapit ako ng dahan dahan at laking gulat ko ng madatnan ang isang pamilyar na tao.
May Ash Gray na buhok, maputing balat na halos makita na sa dilim at matipunong katawan. "Dmitry?" Bulong ko ng makita ko siya. Angsarap ng tulog niya. Lumapit pa ako lalo sa kaniya para mapagmasdang mabuti ang maamo niyang mukha ng di ako nahuhuli.
Lalo pa akong lumapit pero sa pagkakataong yun may humawak sa batok ko na nagpalapit sa mukha niya hanggang sa mahalikan ko siya, yun ay ikinagulat ko. Pero mas ikinagulat ko ng tumugon siya sa mga halik ko kaya lumayo ako. "Gi-gising ka? Ka-kanina ka pa ba gi-gising?" Gulat kong tanong kay Dmitry. "Oo". Maikli niyang sagot. "Bat ka andito sa mesa?". Tanong ko. "Hinihintay kitang umuwi". Sagot niya. "Kumain ka na ba?" Dugtong pa niya. "Ikaw?" Balik tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya bilang sagot. "Tara kain na tayo". Pag-aaya ko. Sa totoo lang nakakain na ako pero meron part sa akin na ayoko siya i-disappoint.
...
Mag-iisang linggo na ang nakalipas at pasukan na. Nagising ako sa tunog ng alarm cellphone ko. Bumangon ako agad ng makita ang oras. 5 a.m. na at may pasok ako ng 8 a.m..
Oo masyadong maaga ang gising ko diba? Ganito talaga ako simula nung bata pa ako nakahiligan at nakasanayan ko nang pumasok ng 1 hanggang 2 oras bago magsimula ang klase.
Ayoko kasi ng nalalate. Para sa akin kasi yung mga laging nalalate ay mga pa-importante.
Natapos ako sa lahat ng dapat kong gawin. Paalis na ako ng magising si Dmitry. "Baby, papasok ka na? Maaga pa ah". Tanong niya. Tinignan ko lang siya at pinihit ko na agad ang door knob para makaalis.
Natapos ang pangalawang subject namin at 30 mins. pa bago magsimula ang pangatlo kaya dumaan muna ako sa banyo. Nagaayos ako ng buhok at mukha ng may pumasok. Di ko tinitignan kasi wala naman along paki. "Oh Babe andito ka pala". Ok kilala di ko na kailangan pang tignan kung sino ang pumasok. "Bakit ka andito sa Medical Building?" Tanong ko nalang sa kaniya. "Baby, ano pa ba edi para mag-aral". Sagot niya lang sakin. Dahil dun inirapan ko nalang siya't umalis na ako sa banyo.
Naglalakad ako papunta sa dorm ng makasalubong ko si Dmitry na may kasamang apat na lalaki. "Baby, pauwi ka na". Nahalata kong nagulat ang mga kaibigan niya.
Nahiya akong sumagot kaya naman nagkunwari nalang ako na walang at na di ko siya kilala. Nakalagpas ako sa kanila ng di ko siya pinapansin o tinitignan.
Kumain na ako agad pag-uwi ko at pinilit ko na agad matulog kahit 6:35 palang. Di ko kasi kayang makita si Dmitry matapos ang nagawa ko sa kaniya.
Paggising ko kinabukasan wala sa kama niya si Dmitry kaya napagdesisyunan ko nalang na maghanda na sa pagpasok. Nakabihis na ako't handa ng kumain ng makita ko si Dmitry sa kusina kaya naisip kong umalis na lang agad. Palapit nako sa pintuan ng biglang "Babe kain na tayo." Shet nakita niya pala ako. "Busog ako". Sabi ko ng di siya nililingon sabay nagmadaling lumabas ng dorm.
"Ahhmmm guys almusal tayo? Pwede ba kayo?" Pagchachat ko sa GC naming lima nila Kyla. "Bakit? Anong meron?" Reply ni Sheila. "Di'ba lagi kayong sabay kumain ni Dmitry?" Chat naman ni Meiah. "Eh kasi naiilang ako sa kaniya right now dahil sa katangahan ko." Kinwento ko sa kanila ang diko pagpansin sa kaniya kahapon at nagalmusal na kami ng sabay sabay.
BINABASA MO ANG
Our First Night, Last Night
RomanceOne night of pure lust. Will they meet each other again? Or is their first night going to be their last night?