PUZZLE (One Shot Story)

16 2 2
                                    

"Mahal ko pa pala siya, I'm sorry!"

"Nakakasawa na. Ayaw ko na!"

"Wala nang patutunguhan 'to. Mag-break na lang tayo!"

Napasandal na lamang ako sa bintana ng aming kotse at malalim na bumuntong hininga. Palagay ko ay napakawalang kwenta kong karelasyon dahil lahat ay inaayawan ako. I don't even know kung ano'ng mali sa akin. May itsura naman ako, matalino at mabait.

"We're here, Raine," said Mom.

"Bye Mom! Take care," sagot ko at bumaba na sa kotse. Nagsimula na akong maglakad patungo sa MedTech Building. May mga nag-aabot sa akin ng flowers, since February 14 ngayon which is Valentines Day. Duh.

Pagkapasok ay agad na umupo sa tabi ng bintana. Narinig ko ang mumunting tili ng mga kaklase ko dulot ng kilig. Hindi na ako nag- atubiling lumingon kung bakit sila nagsipagtilian dahil alam kong nandito na ang pinaka-matalino at pinaka-gwapong Medtech student sa campus, si Dame.

"Hi Dame, Good Morning," nakangiting bati ni Via sa kaniya at saka siya inabutan ng chocolate. Tinanggap naman 'yon ni Dame at nginitian siya dahilan upang ito'y halos atakahin sa sobrang kilig. Ganoon rin ang ginawa ng ibang girls sa aming section.

Matapos ay umupo na siya sa kaniyang puwesto which is sa tabi ko. Oo, magkatabi kami dahil may debate kaming dalawa maya-maya lang. Hindi naman sa pang-aano pero kasi, kami ang pinili ng mga kaklase namin na mag-debate dahil kami raw ang may pinaka-may utak sa buong class Medyo mayabang ako sa part na 'to.

"Good Morning, Everyone. I invite Miss Raine Sanchez and Mr. Dame Santiago to proceed in front," pahayag ni Andi. Sabay kaming tumayo at pumunta sa unahan ni Dame. Actually, We didn't know kung ano'ng topic ang ibabato sa amin ng mga kaklase namin. This is a Freestyle Debate kaya may kahirapan.

"Dame, Raine, it's february 14 and We are celebrating a Month Love which is Valentines Day," nakangising sabi ni Andi. Napayuko ako habang nakasapo ang kamay sa aking noo dahil parang alam ko na ang patutunguhan ng debate na ito.

"I am so sorry, Dame and Raine. Ito ang napag-usapan naming debate sa inyo dahil bukod sa kayong dalawa ang napapabilang sa pinaka-matatalinong MedTech Student, kayo rin ang in-active when it comes to love. The debate is all about Love," galak na galak na sabi ni Andi habang ang mga kaklase naman namin ay hindi magkamayaw sa kakatili at kakahiyaw.

"As a MedTech Student, what curement will you do to survive if your heart will breaks into pieces?" Bigla niyang itinapat sa'kin ang ballpen na animo'y ito ang mic na gagamitin.

"P-para sa'n ba 'to?"

"Survey lang, Raine. Just answer!"

"Dame first!" Itinuro ko si Dame pero itinuro niya ako pabalik. "No! You first, ladies first!" Napakagat na lang ako sa labi at nagsimulang mag-isip.

"Okay, In every relationship I had, I always considered my partner as "The One", but always ended up with a broken heart. Parati akong semplang sa pag-ibig. Paano ako nakaka-survive? Paano ko patuloy na binubuo ang puso kong patuloy din nilang sinisira? I just simply think about the puzzle. You'll continue seeks the right pieces to it's accurate place until it becomes complete. Just like the concept, patuloy kong hinahanap ang taong nararapat sa puso ko hangga't sa mabuo ito."

Mabagal na palakpak ang iginawad nila sa'kin with matching titig sa aking peslak, except kay Dame na straight lang na nakatingin sa board.

"Now, it's your turn, Dame!" Itinapat na niya ang ballpen dito.

"No curement because I will surely survived. Love hurts. Love is painful. So, why do you keep chasing it? Kung alam mong sa una pa lang ay masasaktan ka sa pakikipagrelasyon, bakit mo pa papasukin? Alam mong masasaktan ka 'pag ginawa o pinasok mo 'yon tapos ay mag-iinarte ka kung paano ka makaka-survive? It's just like na kumuha ka ng kutsilyo at itinarak mo sa sarili mo pagkatapos ay magkukumahog ka kung paano mo gagamutin ito." Napangiwi ako sa isinagot niya.

"Yes, love will hurt you pero natural 'yon sa nagmamahal. That's true love!"

"C'mon, Raine, You're already a hopeless romantic lady but you keep chasing your "The One", how pathetic? Sinaktan ka na. Sinasaktan ka na nang paulit-ulit, true love pa rin? There's no love with hurting people."

"But, truth hurts!"

"No! Truth will lead to fix you up, para matauhan ka! Hindi para ikasakit mo. You don't have enough knowledge about love."

"You're such a bitter man. Ako pa talaga ang walang alam. E, ikaw 'tong hindi marunong magmahal."

" Why would I? Pare-pareho lang sila. Nagloloko, nagsasawa, nananakit, so bakit ka pa mag-aabalang maghanap ng panibagong taong mananakit sa'yo?"

"Hindi lahat! Bakit puro ka sisi? Bakit puro ka hinala? Paano ka nakakasigurong pare-pareho lang ang lahat? Bakit hindi mo subukang magmahal?"

"Saan? Kanino? Sa'yo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Iniikot ko ang aking mata at lahat sila ay nakanganga na pinapanood kaming magdebate. Nang matauhan ay sabay-sabay silang nagkantyawan at palagay ko'y pulang pula na ang aking mukha.

"Ang solid ng debate na 'yon! Ang lakas ng chemistry. Pero mukhang si Dame ang panalo rito dahil hindi na nakasagot si Raine! Whooo!" hiyaw ni Andi at muli na namang naghiyawan ang mga kaklase ko. Inis kong tiningnan si Dame ngunit nakangisi siya sa akin habang iniaangat pa ang kilay nito.

Masyadong naging mainit ang pagdedebate namin. I can't breathe. Ang lala nito. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko.

-
Three weeks ago na ang nakalipas magmula nang mag-debate kami ni Dame. Hindi ko maintindihan kung bakit ko siya iniiwasan. Naiinis lang siguro ako kasi ang bitter niya masyado. Ngunit parati ko siyang nahuhuling nakatingin sa'kin. Nakikita ko sa aking peripheral vision na nakatingin siya sa akin. I am so confused kung bakit binabantayan ko rin ang sulyap niyang 'yon. Agh!

Nagulat ako nang may mabangga akong tao. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay kung sino ang nabangga ko.

"Galit ka ba sa'kin?" tanong ni Dame habang nagpupunas ng pawis sa katawan niya na tanging sandong puti lang ang suot. Mukhang galing sa basketball.

"B-bakit naman ako magagalit?" utal kong sagot habang ang mga tingin ay nasa baba. I can't face him. Malalim siyang bumuntong hininga.

"Alam ko namang iniiwasan mo ako. Sa tuwing magkakasalubong tayo yumuyuko ka lang. Sa tuwing tatabi ako sa'yo lumilipat ka ng upuan. Ano'ng tawag mo ro'n?" malambing ang tono ng kaniyang pananalita and it's fucking make my heart melts.

Lumapit siya nang husto sa akin at isinandal ako sa pader. Ikinulong niya ako sa kaniyang bisig na ikinagulat ko. Kahit pinagpapawisan ay napakagwapo niya pa rin.

"You're too beautiful to get hurt by love."

Nilabanan ko na ang titig niyang 'yon dahil para akong nakuha ng mga mata niya. I can't stop. He hypnotized me. Ilang minuto kaming nagkatitigan until mapunta ang tingin niya sa aking labi kaya't agad ko 'yong itinikom.

"Pwede ba kitang ligawan?" Mula sa pagkakatikom ay agad akong napanganga sa kaniyang tanong.

"Let's try each other. Kapag nag-work totohanin na natin. You should try your puzzle. Continue seeks the pieces using my heart that could possibly fit with yours, at kapag hindi accurate 'yong piece ng puso ko sa 'yong puso, I'll make it accurate until my heart satisfied yours completely." Napatunganga ako sa sinabi niya. Damn! 'yon na yata ang pinaka-romantic line na ibinato sa'kin.

Napaiwas ako sa kaniyang tingin dahil sobra akong kinikilig. Yumuko ako para maitago ang ngiting gumuguhit sa aking labi.

Iniangat niya ang aking baba upang magpantay ang aming tingin. "This bitter man will change you, from being hopeless romantic into endless romantic," dagdag pa nito. Damn his voice, sobrang nakakaakit.

I just smiled genuinely which is a sign that I like what He does.

--

kakarot :)

PUZZLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon