XII.

31 2 6
                                    

KAEL


Clarisse POV:

Matapos ang napaka tahimik at pahirapang paglunok na breakfast kanina, tumungo ako sa balkonahe para tumambay at mag pahangin. Masyado akong na stress kay Princess Roselle kahit na first meeting pa lang namin. Hindi ko inaakala na sa movies lang mayroong spoiled princesses, pati din pala dito. 




But, wait. Lahat ba ng prinsesa always get whatever they want? 




Hindi ko alam. Wala namang prinsesa sa mundo ko, sa Pilipinas. Mga nag fefeeling prinsesa lang. Lalo na sa Facebook?  Yung mga nakalagay sa info nila?  Yung  Im N0t w0Rk1nG!  Im A pR1nCe$$!!   tska,  Prinsesa ako, Bawal Mapagod.  Like, what the hell bat ganon.

Napangiwi ako mag isa dahil sa naiiisip ko. Minsan talaga, hindi ako nag sisisi na napunta ako dito, e. Iniisip ko na instant bakasyon ko ito sa nakaka stress na pangayayari sa mundo ko, sa taumbayan ko. Pero ano ba kasing dahilan bakit ako napunta rito? May nagambala ba ako sa Museum that time at nagalit sakin yung giant mirror kaya niya ako hinila papunta rito sa mundong puno ng deadly creatures?  :<   huhu parusa ko ba ito? 

Napatungo na lang ako nag patuloy sa paglalakad. Hindi ko parin maintindihan. Dumagdag pa yung lintek na Prinsesa na yun na ang init init ng dugo sakin, 'di ko naman ni aano. Hays!





"Enjoying the view?"   





Bigla akong nagising sa iniisip ko't napalingon ako mula sa likod. Napangiti ako sakanya ng makita kong nakangiti din si Kael sakin. 


"Ah.. Oo, e. Haha ang hangin kasi rito, ang sarap singhutin. Tska, ang taas nitong kastilyo niyo talaga, tanaw ko mula rito yung mga tanawin na malayo dito. May mga kastilyo din palang nakatayo banda roon."   turo ko sa isang kastilyong medyo mataas din, kaya madali kong nakita. 

Naramdaman kong lumapit si Kael sakin.  "Yeap. Every village here has their own King and Queen to stand against them. My brother, Eros is the only one who can give a honour and title to someone who's deserving to be a ruler. Someone who is powerful enough to defend its village. "   pag papaliwanag ni Kael nang makatabi ko na siya ngayon. Parehas kaming nakatayo at deretso ang tingin. 

"Bakit kailangan pa ni Eros yun? He's lord of the lords. He is the most powerful among you all. Sa lahat ng creatures dito sa Fantasia."   tanong ko. Napangisi siya. 

"My brother only needs a helping hand to look upon his citizens. Hindi naman sa hindi niya kayang asikasuhin ang mga iyon.. nasa kapatid ko parin ang desisyon kung anong gusto niyang mangyari sa lahat. He can easily remove your crown if he wanted to. That's just a small process for him."   pag sasalita ni Kael habang deretso parin ang tingin. This time, napatingin na ako sakanya. 

"Everything is only a piece of cake to him. He'll just demand his orders and then there it goes.. But he's still not satisfied of what he had done. He's still not satisfied with these."   dagdag niya. Nakitaan ko ng pag babago sa aura ni Kael at naramdaman kong may galit siya. Hindi man siya nakatingin sakin, nakikitaan ko siya ng galit. 




Bakit? Kanino siya galit?







Kay Eros? 








O, sakin? Hehe hala bat ako. 



Napaiwas na lang ako ng tingin at napanguso. Bakit parang ang gulo gulo? Hindi ko sila maintindihan. Actually, wala akong maintindihan ni isa sakanila. Jusko, mas mahirap pa ito sa math problem, e. Hmp!

FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon