"I.D"

6 0 0
                                    

"I.D"

Nabulabog ang mahimbing kong pagtulog nang may humampas sakin dahilan ng pagkagising ko.

"Anak! Oras na, may pasok kapa."

"Mamaya na, Ma," inaantok pa ako.

"Anong mamaya?! 7 na ng umaga Fushé!" bigla akong bumangon. Shet! Ma le late ako.

Nagmadali akong naligo at di narin ako nakakain, 10 minutes nalang at mahuhuli nako sa klase.

"Miss? I.D mo."

Bigla naman akong nainis ng makalimutan ko ang I.D ko sa pagmamadali ko.

"Kuya papasukin mo na ako please? Last lang to promise! Di na mauulit."

Nagmamakaawa nako ngunit wala paring senyas na pwede nakong pumasok.

"What happened kuya?" isang malambing na boses ang narinig ko.

"Wala siyang I.D Kyle," pagpapaliwanag ni manong guard.

"Let me take care of that Kuya." biglang may humila sakin papasok ng gate.

"Sino ka?" nakangisi kong tanong sa kaniya.

 Nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hawak ang kamay ko.

"Why don't you bring your I.D huh?" masama ang tingin niya sakin pero kita ko ang pag aalala niya kahit di ko siya kilala.

"Thank you, alis nako ma le late pako," dali dali akong tumalikod ngunit hinila niya ang kamay ko.

"Ano ba?!" nagpumiglas ako ngunit ko maalis ang kamay niya.

"Let me court you," nagulat ako sa sinabi niya. Ni hindi ko kilala to, pero nakikita ko ang pagkaseryoso niya.

Napatingin naman ako sa relo ko at 3 minutes nalang bago mag start ang first subject namin.

"Di kita bibitawan hangga't hindi moko sinasagot," he said in a charming way.

"Manigas ka!" pinakawalan ko ang inis kong mukha.

"2 more minutes Fushé," pinipigilan niyang tumawa.

Sinubukan kong kumawala sa pagkahawak niya ngunit mahigpit talaga.

"Oo na!" bigla niya akong binitawan at dali dali naman akong tumakbo papunta sa room namin.

"Bye my future girlfriend!" he screamed.
--



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"I.D"Where stories live. Discover now