CHAPTER ONE
1 year later
HINDI makapaniwala si Rean na nasira ang plotter sa loob ng kanilang opisina. Kung kailan naman nagmamadali siyang iprint ang mga blueprints na kakailanganin niya para sa bidding sa susunod na araw.
“Anu ba namang buhay ito! Bakit ngayon pa?!” galit niyang sabi.
“Relax ka lang po ma’am. Gusto mo ako na lang magpaplot niyan sa labas?” wika ng kanyang sekretaryang si Mica.
“No, ako na lang tutal may iba pa naman akong lalakarin.” Tumigin siya sa wristwatch. Maaga pa naman kaya hindi siya dapat mamrublema.
“Kayo po ang bahala.”
“Ikaw na muna dito sa opisina. Pag may naghanap sa akin sabihin mo may meeting. Okay?”
“Sige po.”
Nagmadali siyang lumabas ng opisina at tinungo ang parking area. Sa extension office nila sa Marikina siya pumapasok dahil may paparating silang maraming projects. Bilang Head ng kanilang design team siya ang naroon para pamahalaan ang pag-aayos ng landscaping at interior designs. Kailangan din niyang mag site inspection kung minsan. Nakakalungkot lang isipin na nagkahiwalay sila ng hinahawakang projects ng matalik na kaibigan na si Tiel. Pero madalas pa naman siyang bumisita sa unit nito kapag may libreng oras.
Dali-dali niyang pinaharurot ang sasakyan at agad na nagpaplot ng blueprints sa isang kilalang printing press. Inabot siya ng kalahating oras sa kakahintay.
“Thank you madam!” magiliw na wika ng lalaking nag-assist sa kanya matapos iabot ang mga blueprints.
“You’re welcome.”
Tinungo niya ang isang restaurant habang dala ang mga pinaplot na mga plano. Naisip niyang pirmahan ang lahat ng architectural plans and specifications nang mabawasan na ang gawain niya.
“May I take your order ma’am?” tanong ng waiter at iniabot sa kanya ang isang menu.
Saglit niyang tiningnan ang mga pagkain na nasa menu. Hindi naman siya nagugutom kaya pinili niya ang isang light snacks.
“Gimme this one, plus pineapple juice. Thank you!” nakangiting baling niya sa waiter. Isang Agrigento salad ang kanyang napili.
“Right away ma’am.” Tumalikod ito sa kanya at sandaling kinuha niya ang mga blueprints.
Inumpisahan niyang pirmahan ang ilang pahina ng architectural plans gamit ang paborito niyang white parker pen. Saglit siyang natigilan nang dumating ang waiter dala ang kanyang order.
“Salamat.” Muli niyang itinabi ang dalang sangkaterbang papel at nagsimulang kumain. Tahimik siyang uminom ng juice nang matapos kainin ang vegetable salad. Hindi niya napigilang mapabuntong hininga dahil sunod-sunod ata ang bidding na kailangan niyang puntahan. Nabawasan na rin ang panahon niya para makapaglaskuwatsa. Ang huling bakasyon na natatandaan niya ay noong isang taon pa nang pumunta sila ni Tiel sa Jeju Island.
‘I should get a life.’ Bahagya siyang napailing. Wala na talaga siyang kabuhay-buhay dahil pati love life niya zero din.
Muling kinuha ng waiter ang kanyang pinagkainan nang matapos siya. Inilagay niya ulit ang mga blueprints sa mesa. Nasa kalagitnaan siya ng pagpirma nang mapansin niyang naubusan ng tinta ang parker pen niya.
BINABASA MO ANG
REAN'S MISCHIEF (OPLAN: GET EVAN) PHR
RomansaRean Sabordo is definitely the queen of mischief dahil maingat na pinagpaplanuhan niya ang bawat detalye ng ginagawang kapilyahan. At si Evan ang unang nakatikim ng kanyang pamosong 'Tsansing technique number one.' She can't blame herself for doin...