W#1: 1

15.1K 151 1
                                    

Breaking NEWS: Mr. Mikhail Miller is now getting married.



Halos maluwa ni Sienna ang iniinom niyang tubig ng marinig at mabasa niya ang headline ng balita. Gulat na gulat siyang napatingin sa screen habang pinapakita sa screen ng tv ang mukha ng binata.

'Bakit siya ikakasal!'

Napakuyom niya ang kamao niya dahilan para mayupi ang hawak niyang bottled water. Hanggang ngayon kasi ay maliwanag pa sa isip niya ang nangyari sa kanila ng binata. Tapos ngayon ay malalaman niya na ikakasal na ito.

Ngunit biglang pumasok sa isip niya na one night stand lang naman ang nangyari sa kanila ng binata. Halos hindi nga banggitin ang pangalan niya ng magtalik sila.

Pero namula naman ang pisngi niya ng maalala niya kung ano ang tawag sa kanya nito.

'Baby'

Napahawak siya sa pisngi niya na ngayon ay kasing pula na ng kamatis.

"Hoy! Gurl! Bakit namumula ka diyan?" Sabi ng kaibigan niyang si Nikita.

"H-huh? Hindi ah" pagsisinungaling nito.

Ngunit hindi naman siya nakaiwas sa tingin ng kanyang kaibigan.

"You're blushing! Don't lie to me, Sie!" Sigaw nito dito.

"No! I'm not blushing!" Pagsisinungaling naman niya.

Tinaasan lamang siya ng kilay nito at sabay inilapat ang likod sa sofa. Tumingin naman ito sa tv at parang naintindihan na nito kung bakit.

"Aah, the one night stand man is in the TV....and oh! Look! Ouch girl, he's getting married" iling-iling na sabi nito.

Si Sienna naman ay napanguso na lamang at umupo sa pang-isahang sofa. Inilagay niya ang unan sa hita niya at sabay nag pangalumbaba.

"Yeah, he is. What a fvcker. Tss!" Hindi makapaniwalang sabi ni Sienna.

Parang kagabi lamang sila nag-isang katawan kahit ilang buwan na ang nakakalipas. Tila ba ay hinahanap ng katawan niya ang init at sarap na ipinaramdam nito. Bigla na lamang napailing si Sienna at inalis sa isipan niya ang nangyari.

"Still thinking huh" mapang-asar na sabi ni Nikita sa kanya.

"I can't avoid it." Then she sighed in disbelief.

"You can. But, you didn't do it" sabi naman nito na ikinatanga niya.

Kunot noo naman niya itong tinignan. Samantalang, ang kaibigan ay nagkibit balikat na lamang. Pinanood na lamang nila ang balita kahit masakit sa parte niya.

Ngunit, bakit nga ba siya nasasaktan? Eh isang mainit na gabi lamang ang lahat. Wala naman silang koneksyon sa isa't isa, kundi ang gabing mainit lamang na iyon.

Para sa kanya, ito ang nakakuha ng pagkababae niya. Oo, madaming lalaki ang nakapaligid sa kanya pero bakit ganun? Kay Mikhail lamang siya bumigay at nagpadarang.

"Hey! It's time to pack your things, girl. Let's go to studio modelling. It's already 3 in the afternoon. Our shoot is scheduled at 3:30 pm, and we have 30 minutes left" sabi ni Nikita na nagpabalik sa kanya sa reyalidad.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon