CHAPTER TWO
NAGMAMADALING pumasok si Rean kasama si Mica sa loob ng isang malaking conference room. Hindi niya alintana na nakasuot siya ng six inches stiletto shoes. Ngayon ang bidding para sa construction ng isang malaking auditorium sa Rizal. Handa na siya para sa presentation niya. Ilang contractors na ang naroroon at tahimik silang naupo ni Mica.
“What a pleasant surprise, Architect Sabordo!” magiliw na bati sa kanya ng isang lalaking nakaupo malapit sa kanya.
“You don’t seem surprised. Are you afraid I’m gonna get this project?” mataray niyang sagot sa lalaki. He was Yvell, her former suitor na ilang ulit niyang binasted. Masyado kasing malakas ang bilib nito sa sarili at ayaw niya ng ganoon kahit pa gaano ito kaguwapo. Isa rin itong arkitekto at naging kaklase niya ito noong college pa siya.
“Overconfident huh.” disimuladong wika nito dahil napahiya.
“Of course! Claim the victory, so better watch me.” panghahamon pa niya rito na nakataas ang kilay. Napailing na lang ang lalaki at hindi na nagkomento pa.
“So you’re here too.” Napalingon si Rean sa bagong dating. Lihim siyang napangiti dahil umaayon talaga sa kanyang mga plano ang tadhana.
“Hello Evan!” maaliwalas ang mukha niyang bati sa lalaki.
‘Alright Rean, go get Evan rule number one.’ Isang napakatamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi na ikakakunot ng noo ng lalaki bago umupo sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.
‘You did it! Lure him with your most beautiful smile.’ Lihim na nagbunyi ang dalaga. Alam niyang tagumpay ang kanyang ginawa.
“Maganda ata ang gising mo.” napapailing na wika ni Evan.
“Of course, I can feel na sa amin maiaaward ang project na ito.” tiwalang wika niya na sinabayan pa niya ng pagpungay na mata.
“Let’s see.” Evan shrugged.
Natahimik silang lahat na naroon nang pumasok ang Presidente ng Bids and Awards Committee kasama ang sekretarya nito.
“Okay, let’s start the presentations.” anang kakapasok lang na lalaki.
Isa-isang inilatag ng mga contractors ang kanilang mga proposals at hindi niya napigilan ang mapataas ang kilay nang si Yvell na ang nagsalita sa unahan. Hindi niya mabilang kung halos ilang ulit siyang napairap dahil parang sigurado itong makukuha ang nasabing proyekto. Malapad ang ngiti nito nang matapos at siya naman ang susunod. Confident siyang naglakad papunta sa unahan at pasimpleng binangga sa balikat ang pabalik na si Yvell.
“Watch me.” Her lips curved into a wicked smile. Hindi naman siya pinansin ng lalaki.
Isa-isa niyang ipinaliwanag at ipinakita ang kanyang project proposal gamit ang projector. Nakita niya ang pagtango-tango ng ilang taong naroroon. Mababa lang ang nilagay niyang cost ng project ngunit hindi substandard ang mga materyales.
“That would be all.” Muli siyang ngumiti at tila modelong naglakad pagbalik sa kanyang kinauupuan. Kitang-kita sa mga mata ng ilang lalaking naroon ang paghanga sa kanya. What else new? She is a certified head turner. Isa iyon sa nagagamit niya tuwing nagkakaroon ng bidding dahil hindi niya nakakalimutang gumamit ng ‘charm’. Salamat sa kanyang mga Spanish ancestors dahil utang niya sa mga ito ang kanyang magandang hitsura. Malaki ang hawig niya sa sikat na holywood actress na si Camilla Belle.
“Galingan mo ah.” bulong niya kay Evan nang ito naman ang magdidiscuss ng project proposal.
Isang tango lang ang isinagot nito sa kanya bago tumayo.
BINABASA MO ANG
REAN'S MISCHIEF (OPLAN: GET EVAN) PHR
RomanceRean Sabordo is definitely the queen of mischief dahil maingat na pinagpaplanuhan niya ang bawat detalye ng ginagawang kapilyahan. At si Evan ang unang nakatikim ng kanyang pamosong 'Tsansing technique number one.' She can't blame herself for doin...