20 - Presbi Fucking Corpuz

477 14 9
                                    

zedxxx: WARNING! TO MUCH EGO IN THIS CHAPTER!

LOL. Sorry. Medyo puro curses at kanto vibe ang chapter na 'to.

*Corr on your right. Gosh she's so perf

20 – Presbi Fucking Corpuz

“Excuse us! Excuse us!” Sabi ni Kyle sa mga media na nakaharang sa lobby ng hospital.

“Kyle! Kyle! Ano na ang lagay ni Corr? Tama ba ang balibalitang over-fatigue daw?”

“Our manager Glenda will answer all your questions. Safe si Corr at yun ang importante, she just needs to rest. So please, excuse us.” Mahinahon na sagot ni Kyle kahit na gustong gusto na niyang murahin yung baklang reporter na kanina pa subsob ng subsob ng microphone sa kanya.

“Christ! Parang hindi na sila umuwi ah.” Bulong ni Pochi kila Lem, na nakabuntot lang kay Kyle.

Ano naman ang masasabi niyo sa nangyaring ito kay Corr? Pangalawa na niya itong pagkahospital simula ng pumasok ang Crescendo sa showbiz, tama?

Dapat nga bang sisihin ng fans ang management ng Universal?

Hindi parin magkamayaw ang press sa pagkuha ng statement nila.  Panay tulak pa rin sila at pilit para makakuha ng kahit anong impormasyon galing sa banda.

Tanong dito, tanong dun.

Salita dito, salita don.

Grabe lang sa gulo.

               

“Yeah. I kinda smell it from here Poch. Confirmed, hindi sila umuwi.” Bulong naman ni Francis.

“Gago ka talaga Francis!” Siko naman ni Lem. “Mamaya may nakarinig sayo!”

“Wag nga kayong magulo dyan, marinig kayo ng mga ‘to eh.” Sabi naman ni Pochi na naiinis na din sa sikip ng dinadaanan nila.

Crescendo! Statement naman, please!

“Sisipain ko na ‘to. Isa na lang.” Bulong ni Pochi kay Francis.  “Ano pa bang gusto nilang marinig satin? Tama na yung safe na si Corr, they’re making a big deal out of this.”

Friendly naman ang bandang Crescendo. Sa katunayan, kung may pinakamabait at jolly award lang ang mga banda. Panigurado sila na yung makakakuha non. Well, Crescendo minus Corr. Alam niyo naman si ate. Saksakan ng friendly eh.

Pero ngayon at wala sila pareparehong matinong pahinga at utang na loob alas dos pa lang ng umaga. Eh konti na lang at makakasapak na sila.

“Really, Kyle. We badly need guards. Lagi na lang ganito.” Francis said ng makalagpas na sila sa information booth – still nasa lobby pa rin sila. “Actually, where are the security in this place?”

Ang less than five minutes na paglalakad from the corridor to the lobby ng hospital ay naging parang isang taon para sa kanilang apat. Halos hindi sila makausad dahil sa dami ng nagkumpol kumpulan na press people.

“Over-fatigue nga ba? Or baka naman buntis si Corr kaya siya hinimatay?—”

“Where the hell did that came from?” Iritang irita na sagot ni Kyle na halos ikinatahimik ng lahat.

What happened to us? Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon