Naalala ko pa noong tayo pa,
Mga masasayang araw nating dalawa,
Mga ala ala na di malilimutan,
Na bakit di mabura bura sa aking isipan.Mga effort mong nakakamangha,
Mga text mong nakakakilig,
Pero bigla yong nawala,
Nung nawala ka na sa aking piling.Masaya ako dati nung nariyan ka pa ,
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagbago,
Ikaw ang nagpabago sa mabato kong puso,
Kaya ko pa siguro naaalala yung dating tayo.Makita lang kita noon,
Tila buo na ang aking araw,
Isang tingin mo lang sa akin,
Parang unti unti na akong natutunaw.Pero bakit ka nakipaghiwalay?
May masama ba akong ginawa?
Di mo na ba naalala yung mga masasaya nating ala-ala?
Mga ala alang ating ginawa.Napakasakit mang isipin ,
Na hanggang ala ala nalang ang lahat,
Pero lahat ay kakayanin,
Para malimutan na ang ala -ala nating ginawa.
BINABASA MO ANG
TULA PARA SA IYO [Under Editing]
PoesíaMga tulang aking ginawa. Walang halong panggagaya.