CHAPTER NINETEEN

1 1 0
                                    

"THIS.IS.MINE." parang nabilaukan ako sa sinabi ni Cliffe.

Pati ang mga kaklase namin hindi maintindihan kung ano ba ang nangyayari. Kahit ako, naguguluhan ako.

Eto na ba ang simula?

***
Natapos na ang klase na walang umiimik sa aming tatlo. Hindi ko alam kung ano problema netong si Xander.

Simula nung pagpasok niya, galit na galit na ito. Pati sa pagtuturo, galit din.

Hindi ako makafocus sa tinuturo niya. Dahil sobrang awkward ng set-up na ganito.

Dati gusto ko siya tanungin sa lahat. Pero parang napipi ako at hindi ko magawa iyon ngayon.

Si Sheryll hindi rin maka-imik. Dahil alam niya kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Kahit ang bibig niya na sobrang daldal, hindi rin makapagsalita ngayon.

Eto ba ang sinasabi niya kanina?

Dapat pala nakinig muna ako.

Napansin ko din si Xander, hindi makaturo ng maayos. Lagi kasi siya napapalingon sa dako namin.

Magkakilala ba sila? Kasi napapansin ko ang init ng dugo nila sa isa't-isa.

Huminga naman ako ng malalim ng natapos na ang klase. Inayos ko na ang gamit ko. Gusto ko man lang tagalan at magpa-iwan. Pero hindi ko iyon magawa dahil alam kong aantayin ako ni Cliffe.

I want to ask everything tungkol sa pagalis, at pagbalik niya. At kung ano namamagitan sa kanila ni Xander.

"Let's go BABE." aya ni Cliffe. Talagang nilakasan niya pa ang salitang 'babe'. At buti na lang wala mashado nakarinig. Maliban lang kay Sheryll, at... kay Xander na nakatingin na sa amin ngayon.

Napa-awang naman ang labi ko, tumango na lang.

Tinignan ko si Xander na galit na galit nakatingin sa akin. Rinig ko pa yung dabog ng bawat galaw niya.

Nakita ko naman si Sheryll na kasunod din namin.

"Best, una na ako. Andyan na kasi ang sundo ko. Have fun!"

Tinignan ko lang siya na 'wag-mo-muna-ako-iwan-look' at tumingin ako ng masama.

Bakit kasi iba ang pakiramdam ko ngayon. Parang may mali.

"Sorene." tawag niya.

Tumingjn ako sa kanya. Actually hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"Cliffe." simpleng sagot ko.

"Are you okay? Kanina ka pa kasi hindi umiimik." ramdam ko ang itim niyang aura na pumapaligid sa kanya.

"Y-yeah. Siguro pagod lang ako." ani ko.

Bigla niya ako hinawakan sa kamay.

Agad ko itong tinanggal. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon.

Dahil siguro baka may makakita sa amin. Lalo na mga kaklase ko at baka magawan pa ko ng issue. Sabihin 'eh, ke-bago bagong studyante nilalandi ko.
At... baka makita rin ako ni Xander.

Teka, bat naman nasali si Xander?

Ayaw mo bang makita niya?

Mas maganda nga na makita niya, para tigilan ka na niya sa pangungulit.

Diba yon naman ang gusto mo Sorene?

Mga bulong sa isip ko.

Tama. Bat ba ako natatakot? Wala lang naman si Xander. He's my teacher. And I'm his student. Ano bang problema ko doon.

Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon