CHAPTER FOUR

12.5K 371 26
                                    

AUTHOR'S NOTE: Kung gusto niyo pong makita kung ano ang hitsura nina Andru at Aquano, pwede niyo pong bisitahin ang aking Facebook account (search niyo lang sa FB ang "SOJU WP"). May photo album po ako doon na ang pangalan ay "Ang Asul Na Buntot Ni Aquano". Doon niyo po makikita ang kanilang mga pictures. Salamat po!

CHAPTER FOUR

"TEKA, paano ako nito makakauwi, eh, ang layo-layo nitong isla na pinagdalhan mo sa akin sa bahay ko?" tanong ni Andru kay Aquano.

"Ihahatid kita. Hindi na lang ako lalapit sa dalampasigan upang hindi ako makita ng mga tao."

"Ha? Paano?"

"Sumakay ka sa likod ko."

Napapitik sa hangin si Andru, "Ah, parang kabayo kita?"

"Kabayo? Ano iyon?"

"Isa iyong hayop na sinasakyan ng mga tao sa likod..."

Tumango-tango si Aquano. "Marahil ay ganoon na nga. Halika na, sakay ka na sa likod ko..." Pagkasabi niyon ni Aquano ay gumapang na ito pabalik sa tubig.

Sumakay na siya sa likod nito habang nakakapit siya sa balikat dito. Nagulat pa siya nang ikampay na ni Aquano ang buntot nito at umusad na sila. Tuwang-tuwa siya dahil ang buong akala niya ay hindi kakayanin ni Aquano ang bigat niya. Pero napakalakas pala nito dahil parang wala lang dito ang bigat niya. Mabilis pa rin itong lumangoy.

"Ang sarap palang sumakay sa likod mo, Aquano!" tuwang-tuwang turan niya.

"Talaga? Ngayon lang may sumakay sa likod ko. Ah, alam ko na, sisisid ako para makita mo kung ano ang nasa ilalim ng karagatan!"

"Naku, 'wag-" Tututol sana siya sa sinabing iyon ni Aquano dahil hindi siya makakahinga sa ilalim ng tubig ngunit excited yata ito sa ideyang ito kaya naman kahit wala pang pagpayag niya ay sumisid na ito sa kailaliman ng tubig.

Para itong bullet train sa bilis. Napapikit na si Andru at sa takot na baka makabitiw siya sa pagkakahawak kay Aquano ay yumakap na siya sa leeg nito. Gusto niyang sabihin dito na kinakapos na siya ng hininga ngunit paano? Hindi siya isang sireno na nakakapagsalita kahit sa ilalim ng tubig!

Nagpaikot-ikot pa si Aquano at nang tumigil ito ay tinanong siya nito. "Ang ganda, 'di ba?"

Hindi siya makasagot dahil nasa ilalim pa rin siya ng tubig.

"Oh, bakit hindi ka makapagsalita diyan?" tanong pa nito. Tinapik-tapik niya ito sa likod. "Naku, patawad! Nakalimutan ko!" at mabilis na lumangoy si Aquano paibabaw ng tubig.

Uubo-ubo si Andru nang sa wakas ay makasagap siyang muli ng hangin. "Hay! Grabe ka, Aquano! Papatayin mo ba ako sa pagkalunod?" Nakaangkla pa rin ang braso niya sa leeg nito. Halos isang dangkal na lamang ang layo ng mukha niya sa gwapo nitong mukha.

"Patawad, Andru. Nakalimot ako dahil sa sobrang saya... Ngayon lang kasi ako nakipagsalamuha sa isang tao."

"Sige na. Basta sa susunod alam mo na. Iuwi mo na ako, pwede?"

"Walang problema. Basta iyong pangako mo-"

"'Wag kang mag-alala, Aquano. Makikipagkita pa rin ako sa iyo. Hindi ba at nangako na ako?" nakangiti niyang turan sa kaibigang sireno.

-----***-----

PAGBALIK ni Aquano sa Aquatika ay agad siyang sinalubong ng ama na si Haring Pirano. Seryoso ang mukha nito nang tawagin siya nito. "Bakit po, Amang Hari?" tanong niya dito.

"Bakit ka umaahon sa ibabaw, Aquano?" Walang galit sa boses nito pero bigla siyang natakot.

Umiwas siya ng tingin. "H-hindi po totoo iyan, Amang-"

Ang Asul Na Buntot ni AquanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon