CHAPTER THIRTY :))

544 11 2
                                    

Chapter 30

   Hindi ko pa rin maintindihan itong puso ko kung bakit ang bilis bilis ng tibok nito! Siyempre, ikaw ba naman ang tignan este titigan ng maraming tao eh, hindi ka kakabahan? Oo! Pag kasabing-pagkasabi ni ate Angel sa kamag anak nila na girlfriend ako ni Vince. Nung ingay nila kanina nawala. Kaya ito ako ngayon, nagtataka kung bakit seryoso ang mga tingin nila sa akin. Natatakot talaga ako na kinakabahan.

   Laking gulat ko na lang nung nakita ko silang nagbulungan. Oo! Sa harap pa namin sila nagbulungan. Kung kayo kaya nasa kalagayan ko anong mararamdaman niyo? Diba nakaka offend yun? Kasi parang nakikita ko sa kanila na ayaw nila sa akin para kay Vince eh. Ewan ko ba, nag iinit na yung gilid ng mga mata ko at anytime babagsak na ang mga luha ko.

   Pinigilan ko pa din ang pag iyak ko! Tumingala na lang ako ng saglit para bumalik ang mga luha ko. Nagulat na lang ako nung biglang hinigpitan ni Vince yung pagkaka akbay niya sa akin. Lalo tuloy akong nadikit sa katawan niya.

"Don't cry Aira, tulad ng sinabi ko sa iyo kanina mababait sila. Sobra. You don't have the reason to cry because they are kind."-bulong niya sa akin at nakita ko siyang nakangiti. Nilakasan ko na lang yung loob ko. Naniniwala ako kay Vince na mababait talaga yung mga kamag anak niya. Pero, mas kinagulat ko na lang nung tumigil sila sa bulungan nila at nakatingin na naman uli sila sa akin ng seryoso. Kinakabahan talaga ako. Paano kung ayaw nila sa akin? Paano kung iniisip  nila na gold digger ako? Paaano kung ang first impression nila sa akin ay malandi? Ahhhhhhh!!!! Bakit ba ako kinakabahan?

"Bibinyagan na ba natin iyan?"-seryosong sabi nung tito ata ni Vincent yun? Pero, sino ang bibinyagan? Wala naman akong nakikitang baby dito ah. Teka? Ako ba ang tinutukoy nilang bibinyagan? Bakit kasi sila nakatingin ng seryoso sa akin eh! Nalilito na ako.

"Oo! Kailangan na iyang binyagan!"-seryoso ring sabi ni tita Carla. Seriously? Si tita Carla ganun din ang tingin sa akin? Teka? Hindi niya na ba ako nakikilala? Bakit naman si ate Angel, kilala pa din ako hanggang ngayon? Naguguluhan na talaga ako! Ang weird talaga. Sino ba ang bibinyagan?

"Ngayon na ba natin siya bibinyagan??"-tanong ni Michael

"Hindi, bukas, bukas na lang!"-pambasag ni Brayan pero seryoso pa rin yung mga mukha nila. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayare! Ang weird talaga! Ang weird ng pamilyang ito. Pero, umaapaw na ang pagtataka ko. Kaya kailangan ko na talagang itanong kay Vincent kung ano ba talaga ang nangyayari sa pamilya niya.

"Vince! Anong pinagsasasabi nila? Sino ang bibinyagan?"-bulong ko sa kaniya. Nakatingin lang ako sa kaniya, naghihintay ng isasagot niya. Pero, after 1  minute, wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Hindi siya nagsalita bagkus, nginitian niya lang ako ng nakakaloko!  Ano ba talaga ang nangyayari dito? Pinagkakaisahan ba nila ako? Bakit pati si Vincent, nahawa sa kaweirdan nila? Paki explain nga sa akin ang mga nangyayari! PLEEEEASE!!  T.T

"Vincent!! Alam mo na ang gagawin mo! "utos ng lolo niya. Anong gagawin?? Anong gagawin ni Vince? Teka, ano ba talaga ang nangyayari? Hindi ko na talaga alam! Bigla na lang inalis ni Vincent yung pagkaka akbay niya sa akin at doon, lalo akong kinabahan. Confirmed na! Ako nga ang bibinyagan nila! Pero bakit ako? Eh, nabinyagan na ako nung bata pa ako ah! Kinakabahan na talaga ako. Pero, bago pa man maalis ni Vincent yung pagkaka akbay niya, agad agad kong hinawakan yung kamay niya. Dito lang siya!!! Hindi niya ako pupuwedeng iwan!!

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon