"Para kanino 'yan?"
Nagulat siya nang biglang magsalita si Brent sa tabi niya habang nakatingin sa dala-dala niyang explosion box.
Naglalakad kasi siya ngayon sa pathway at papasok na siya sana siya loob ng classroom nila nang magsalita ito.
Teka, ang aga naman ngayon ni Brent...
"Para kay Dian ito"
"Birthday niya?"
Tanong nito saka sila tuluyan ng pumasok sa loob ng classroom. Katulad ng palagi niyang inaasahan, sina Justin at Drick pa lang ang tao sa loob ng classroom nila.
"Oo"
"Bakit?"
Tanong pa nito sa kanya na nagpakunot naman ng noo niya.
"Anong bakit? Birthday ng bestfriend ko kaya malamang ay bibigyan ko siya ng ganito"
"Eh bakit noong birthday ko, wala akong gan'yan?"
Tanong pa nito na parang bata at mahina naman siyang natawa.
"Binigyan kaya kita ng regalo, hindi mo naman sinabing ganito pala ang gusto mo"
"Hindi mo kaya ako tinanong tsaka hindi ko nga alam na may ibibigay kang regalo sa'kin eh"
"So kasalanan ko pa pala?"
Akmang sasagot ito nang magsalita si Vanes na kararating lang sa classroom nila.
"Magsisimula na naman kayo ng away eh agang-aga pa. Mamaya na 'yan, mahiya naman kayo kina Justin at Drick na tahimik lang"
Natatawang sabi nito at pareho naman silang natawa ni Brent saka ito muling bumaling sa kanya.
"Ibibigay mo 'yan mamaya?"
"Oo, bakit?"
"Tara, samahan kita"
Malawak ang ngiti na sabi nito habang itinataas-taas pa ang kilay.
"Bakit ba gusto mong sumama?"
"Masama bang samahan ang bestfriend ko? Tsaka gusto ko rin na makita si Isha"
Medyo nasaktan siya sa huli nitong sinabi pero medyo lang naman...oo medyo lang talaga. Ayos na sana noong una pero biglang nawala ang saya niya ngunit hindi niya iyon ipinahalata dito.
"S-sige, ikaw ang bahala"
Sabi niya saka pumunta na sa upuan niya at inabala na lang ang niya sarili sa ibang mga gawain para makalimutan ang sakit na nadarama niya.
Nagsimula na ang first subject nila ngayong umaga at dahil si Ma'am Jhe ang teacher sa first subject nila ngayon kaya napagpasyahan na rin nitong ngayon na sila maglipatan ng upuan.
"Yes, lipatan na!"
Natutuwang sabi ni Mark at tinampal naman niya ito sa braso.
"Ayaw mo na pala akong makatabi ha?"
"Hindi naman sa ganoon pero syempre, magkakaroon na tayo ng kanya-kanyang bagong mga seatmates kaya dapat masaya tayo!"
Natawa na lang siya saka nagsimula na si Ma'am Jhe na mag-assign sa kanila ng bagong seating arrangement.
Nasa tabi siya ngayon ng bintana ngayon nakapwesto. Nasa unang row at pangalawang column lang siya kaya naman malapit talaga siya sa unahan.
Hindi inaasahan na nasa unahan lang niya napapwesto si Mark. Mukha namang masaya ito dahil katabi lang nito ang teacher's door at katabi nito si Nicka. Katabi naman niya si Lilac ngayong second quarter.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"