"Hey" sabi ng lalaki sa kanyang kasintahan habang naglalakad sila sa tabi ng dagat.
Hindi siya pinapansin ng babae dahil hindi siya nagparamdam dito kahapon. Yesterday was their 5th anniversary pero ni tawag o ni text man lang, wala.
"Adelaide Kho" sabi niya sa kanyang kasintahan dahil alam niyang napipikon ito kapag tinawag itong 'ko'.
"Wag mo nga akong i-ko ko diyan! Di naman ako sayo!" naiinis na sagot ng babae.
Napatawa ng bahagya ang lalaki sa sagot ng kanyang kasintahan.
"Oh! May sinabi ba akong akin ka? Diba apelyido mo yun? KHO. Kei-Eich-Ow. Wag kang ngang assumera" sagot naman ng lalaki para mas lalo pa itong pikunin.
"Ewan ko sayo Klarence! Diyan ka na nga" sabi ng babae at saka naunang naglakad nang padabog.
Tumakbo naman si Klarence at nang mahabol ito, hinawakan niya ang braso nito at hinila upang mayakap.
"Sorry na ok? Busy lang talaga ako kahapon. Importante kasi yun" seryosong sabi ni Klarence at saka hinalikan ang noo ni Adelaide.
"Mas importante kesa sa anniversary natin?" mangiyak-ngiyak na sabi ni Adelaide.
Huminga ng malalim si Klarence at saka tumango ng dahan dahan at ang luhang pinipigil ni Adelaide ay tuluyan nang bumagsak dahil sa sobrang galit at tampo sa kanyang kasintahan.
"Shhh. Wag ka ngang umiyak! Alam mo namang ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak eh" sabi ni Klarence habang pinupunasan ang luha ni Adelaide.
"Then stop making me! Bwisit ka talaga! Nakakainis ka alam mo ba?! Anim na oras kitang hinintay dun sa restaurant pero hindi ka naman pala dadating!" sabi ni Adelaide habang pinapalo-palo ang dibdib ni Klarence. Hinuli ni Klarence ang kamay ni Adelaide at hinawakan ito.
"Sorry na. Importante lang kasi talaga yung ginawa ko kahapon."
Hindi kumibo si Adelaide at nakatingin lang sa baba. Hindi na sya nagtanong tungkol sa kung ano mang importanteng bagay na ginawa ng kanyang nobyo. May tiwala siya dito. Ngunit hindi nya pa din maiwasan magtampo lalo na't mahalagang araw iyon para sa kanila.
"Halika na nga." sabi ni Klarence at saka hinila ang babae.
"Saan mo ako dadalhin?" sabi ni Adelaide.
"Basta."
Nagtataka si Adelaide kung saan siya dadalhin ni Klarence dahil kanina pa siya hinihila nito. Maya maya pa ay may nakita siyang helicopter. Nagulat siya nang bigla siyang buhatin ni Klarence at isinakay sa helicopter at nagpanic ito.
"Hoy hoy! Saan tayo pupunta! Itatanan moko?! Bata pa tayo! Naku lagot ako niyan kina mommy! Bati na tayo ibaba mo na ako dit--"
Naputol ang kanyang sinasabi nang mabilis siyang halikan ni Klarence.
"Kung ano ano iniisip mo. May pupuntahan lang tayo. Anong tanan tanan ang sinasabi mo diyan?" sabi Klarence habang nakangisi samantalang si Adelaide naman ay nakatingin lang sa baba.
"Sir Klarence, okay na po ba? Paki suot na po yung mga seatbelts tsaka po yung earphones." sabi ng Piloto.
Sinuot nila ang mga ito bago sila mag take off. Nang nasa himpapawid na sila, biglang napansin ni Klarence na hindi kumikibo si Adelaide.
'Nagtatampo parin kaya to? Hayy. Sabi na ngang importante yung ginawa ko kahapon eh' sabi ni Klarence sa kanyang isip kaya naisipan niyang kausapin ito
"Babe." sabi ni Klarence sabay hawak sa kamay nito ngunit hindi parin kumikibo si Adelaide.
"Uy Babe ko"