Sayang hindi ko pa nakikita yung 6,666 reads.. Ahahaha. Yun yung hinihintay ko eh. Ahaha.
Sarehh, hindi ako satanic ah. Nafafascinate lang ako at tinatimingan ko lang talaga yun. Haha.
Kaya lang hindi ako nakatiis kaya ito na yung update. Hahaha.
Hope you like the update, if you do please tell me what you think about it by typing a comment. Plith? Hahaha.
Okay enjoy reading na!
-L
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Asaan ba ako? Sobrang dilim ng paligid at wala akong maaninag na kahit na ano. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero parang hindi naman ako nakakaalis sa kinalalagyan ko.
"Mama!" sa sigaw na iyon ay parang isang lakas na gumaya sa akin upang lingunin ang aking likuran. "Mama!" pag-uulit pang muli pero hindi ko pa rin makita ang pinanggagalingan nito.
Ilang sandali ang nagdaan at parang mula sa isang maliit na tuldok na ilaw, ay nabigyan ng buhay ang lahat. Nilisan ng dilim ang lugar at isang matingkad na liwanag ang muntikan nang bumulag sa akin.
Nakita ko ang aking sarili na nakatayo sa tapat ng isang kamang may mga kasamang makina sa gilid nito. Humahagulgol ang batang babae habang ito ay nakasampa at nakayakap sa kanyang nag-aagaw buhay na ina.
Ang biglang pagbukas ng pinto ang sunod kong narinig kung kaya ay napatingin ako doon. Mabilis na nagsisipasukan ang ilang mga taong nakasuot ng puti at wala akong ibang nagawa kundi ang umiwas at tumayo na lamang sa isang gilid habang pinapanood ko silang gisinging muli ang nakahigang babae.
May isang babaeng nakaputi ang humawak sa bata at pinipigil nito mula sa paglapit sa kama.
"Huwag kang mag-alala. Ginagawa nila ang lahat." sabi nito sa bata, pero parang walang narinig ay nagpumiglas itong muli habang sinisigaw ang "Ang mama ko!"
Maingay ang lahat at lahat sila ay ginagawa ang lahat ng makakaya nila. Pero isang matinis na tunog ang nagpatahimik sa kanila maging sa buong lugar at ang tanging naririnig na lang ay ang aparatong nagbibigay ng sinabing tunog.
Napatakip ako sa aking bibig at pilit na pinipigil ang mga nagbabadyang luha. Tinignan ko ang batang babae na mabilis na hinawi ang kamay na nakahawak sa kanya at agad na tumakbo sa nakahigang babae.
"Mama!!!"
"Hey! Hey! Wake up!" agad na bumukas ang aking mga mata at ramdam na ramdam ko ang pag-iyak ko. Para akong naka-ahon sa malalim na pagkakalunod at ngayon ay sobrang bilis ng aking ginagawang paghinga. "Shh... Ayos lang ang lahat." Naramdaman ko ang pagsuklay sa aking buhok at wala pa mang ilang segundo ay naitulak ko na kung sino man ang humawak sa akin ng hindi man lang tinitignan ang kanyang mukha.
Agad kong niyakap ang sarili ko at nanginginig na nakatingin sa nagkumpulang puting kumot sa gawing baba.
"Hey, okay lang. Ako to." sabi niya sa pinakanakakakalmang paraan na pwede niyang gawin pero hindi ko kayang magtigil sa panginginig. Naramdaman ko ang pag-attempt niya na lapitan ako pero naunahan ko na siya at ako na ang lumayo.
"Huwag ... Huwag mo akong lalapitan." nanginginig kong saad. Gusto ko sanang bigyang ng diin bawat salitang sinasabi ko pero tinraydor ako ng sarili kong boses. I can hear the clashing of my teeth at pakiramdam ko, isa na ako sa mga dating napapanood kong babaeng malapit nang ihatid sa mental.
"Sh.t those bastards." nagngangalit na saad niya. "Ronnie." he murmured pero that didn't make me give up. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa sarili ko at ang tinalikuran ang mundo sa pamamagitan ng pagsara sa isipan ko.