STELLA P.O.V.
Nagsimula ang pagkagusto ko sa kanya ng aksidente akong mapapunta sa rooftop ng school namin.Nakita ko sya na parang may sariling mundo habang nagsasayaw magisa.Kinuhanan ko sya ng litrato para mas makita ng malapitan ang mukha nya.Nang makita ng maayos ang mukha nya ay parang may biglang nagtatambling sa bandang dibdib ko.Sa huli ay napagtanto ko na lang na galing pala iyon sa puso ko.Tuwing makikita ko sya ay biglang parang may naguudyok sa akin na lagi syang kuhanan ng litrato.Sang ayon naman ako sa ideyang iyon kaka sinunod ko.Naisip ko rin kase na ito lang naman ang kaya kong gawin dahil hindi ako makalapit sa kanya.Lagi na lang ako nauunahan ng ibang babae.
Naisip ko na gumawa ng diary at doon ko din balak idikit ang lahat ng litrato nya na nakuhanan ko.
Dear diary,
Naglalakad ako kasama ang mga kaibigan ko ng madaan ko sya.Palihim ko ulit syang kinuhanan ng litrato.Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko sya.Nanlalambot ako tuwing nakikita ang maganda nyang ngiti.Mas magiging masaya sana ako kung ako ang dahilan ng pag ngiti nya.Pwede bang akin na lang sya?
Iyan yung nakasulat sa unang page ng diary ko at idinikit ko sa parteng kaliwa ang litrato nyang nakangiti.
HURLY P.O.V.
Nagsimula ang lahat ng mapadaan ako sa music room.Nakuha ng atensyon ko ang mahinhin na musika na naggagaling doon.Sumilip ako sa bukas na bintana.May nakita akong isang babae na natugtog ng piano.Kung titignang mabuti ay parang nasa iba syang kalawakan dahil sobrang nakapokus ang pansin nya sa kanyang ginagawa.Inilabas ko ang aking Camera sa loob ng bag.Palihim ko syang kinuhanan ng litrato.Nang matitigang maigi ang kanyang mukha ay tila nakarinig ako bigla na nagda-drum at tsaka ko lang napagtanto na nanggagaling pala iyon sa puso ko.Lumipas ang mga araw, parang may bumubulong sa akin na lagi syang kuhanan ng litrato kapag nagkakasalubong kami.Dahil sa kagustuhan ay ginawa ko naman iyon.Ito lang kase ang magagawa ko dahil hindi ako makalapit sa kanya lagi na lang ako nauunahan ng ibang lalaki.
Wala akong ibang pwedeng pagsabihan ng nararamdaman ko kaya gumawa ako ng isang diary.Diary kung saan ididikit ko rin ang mga litrato nya na nakuhanan ko.
Dear diary,
Nakita ko sya nitong umaga.Dumaan sya sa harapan ko habang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya.Palihim ko syang kinuhanan ng litrato.Hindi ko alam ang rason kung bakit kinakabahan ako tuwing malapit sya sa akin.Para matago ang aking nararamdaman ay dinadaan ko na lang sa pag ngiti sa mga kaibigan ko.Sa totoo lang ay para sakanya ang ngiting iyon at hindi sa mga kaibigan ko.Gusto ko syang maging akin.
Iyan ang nakalagay sa unang page ng diary ko.Idinikit ko sa bandang kanan ang litrato nya na nakangiti.

BINABASA MO ANG
MAKUNAN ANG HINDI KO KAYANG MAKUHA (Oneshot)
Short StoryLitrato mo lang ang meron ako dahil hindi ko kayang mapasaakin ka.