Kung ikaw na naman ang laman ng panaginip, mag pupuyat ako.

107 6 0
                                    


"Mas aktibo raw ang utak tuwing gabi,
Kaya siguro ito ang dahilan kung bakit ako nakaupo sa kawalan habang hawak hawak ang bagong timplang kape,
Dahil ikaw ang aking gabi,
Ang ginaw ng hangin ang hudyat para malaman kong paparating ka,
Ang paglapit sayo ay parang paglakad sa madilim na eskenita na tanging ilaw ng buwan lang ang gabay sa aking daan,
Mahirap kang kilalanin dahil hindi kita makita,
Dahil ikaw ang gabi,
Ang pagsikat ng araw ay ang hudyat na nakaligtas ako sa kadiliman na dala mo,
Inaantok na ako."

HIRAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon