Chapter 3: Welcome to Manila

22 0 0
                                    

CHARLIE'S POV:

"Charlie, mag-iingat ka dun ha. Wag mo kami kalilimutan."

Kanina pa nagpapaalam mga kaklase ko sa akin. Nakausap na rin ni Ma'am Sy ang mga magulang ko.

Wala namang problema sa mga magulang ko kasi dun ako makikitira sa bahay ng pinsan ko sa Manila. Iisang school lang din ang papasukan namin ng pinsan ko kasi nalaman ko na sa school pala nila ako magiging exchange student.

Wednesday na ngayon at mga alas-singko na. Nakagayak na sa maleta ko ang mga damit ko at mga gamit. Nagpunta rin kanina ang mga kaklase ko at nagpaalam sa akin. Nagsiuwian na rin ang iba at mga malalapit na kaibigan ko na lang ang natitira dito.

"Syempre naman. Pupunta lang naman ako dun eh tsaka titira ng tatlong buwan. Di naman pwdeng kakalimutan ko kayo eh mahal na mahal ko kaya kayo." sagot ko sa kanila.

"Gals, group hug!" sigaw ni Joe. Bestfriend ko. Ayaw nya kasing tinatawag na Joanna eh. Joe daw.

Pero Ma. Joanna Alvarez full name nyan. Haha.

Nagsilapitan naman ang mg kaibigan ko at naggroup hug kami.

Mamimiss ko talaga silang lahat. Medyo snob pa naman ako at mahiyain kaya baka mahirapan ako mag-adjust sa environment doon at maghanap ng kaibigan.

"Basta pasalubong ko ha albums ni Taylor Swift." sabi ni Jan sa akin, Jan Romi Elaine Escudero.

"Ako naman mga collectibles ni Domo. Ang cute nya kasi talaga."

"Batukan kaya kita dyan Ashley Rey Trias. Basta ako Charlie, gusto ko ng kahit anong libro." bulyaw naman ni Zayne kay Ashley.

"Hoy Precious Zayne Castillo, makabuo ka naman ng pangalan wagas ah! Wag mo ng buoin! Okay na yung Ash oh kaya Lee! Wag ngang Ashley! Mas astig yung Ash eh or Lee!"

"Heh! Tigilan mo nga ako. Cut it off. Masaya na ako sa Zayne. Don't include the first name. Napakagirly. Di ko keri teh."

Aba. Kanina pa sila ah. Ako naman dadakdak.

"Ano ba? Aalis na nga ako mga pangalan nyo pa rin pinagtatalunan nyo. Magtatampo na ako. Kinakalimutan nyo na ako eh." (-3-)

Natigil sila sa pagtatalo nila tapos sabay sabay silang apat sa akin.

"KYAAHH! Charlie mamimiss kita. Wala nang magpapakopya ng assignment."

"Oo nga, wala na tutugtog ng gitara at drums sa atin."

"WAAH! Lagi ka mag online ha."

"We love you Charlie!" sigaw nilang tatlo sabay yakap sa akin. Mayamaya namalayan ko na lang na umiiyak na sila.

"Magkikita pa naman tayo eh. Jusko. Lapit lang ng Manila. Puntahan nyo na lang ako dun. Hahaha. Basta pagbutihin nyo pag-aaral nyo ha. Promise pag uwi ko gimik tayong lima." pag-aassure ko sa kanila.

"Anak, nakahanda na yung sasakyan." tawag sa akin ni Mama.

"Gals, una na ako ha. Ingat kayo lagi. Mamimiss ko din kayo. I love you." pagpapaalam ko sa kanila.

"Ikaw din Charlie. We love you too."

Binuhat na ni Papa ang maleta ko at pinasok sa sasakyan namin. Nasa backseat ako. Isinandal ko ang ulo ko at bumuntong-hininga.

Naisip ko, magkakaroon kaya ako ng kaibigan dun?

Dinukot ko na lang ang iPod ko at nagpatugtog ng kanta. The Remedy ni Jason Mraz ang pinili ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpunta na ako sa dreamland.

"Charlie?" gulat na tanong ng lalaki sa akin.

"Huh?" nagtatakang tanong ko rin. Bakit nya ako kilala?

Huwag Ka Nang MagbabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon