CLAUSS' POV
Napagaling na ni Cyril si Akira. Natutulog pa rin siya. Magkasama ni Selene sa rooftop. Nakaupo ako habang nakatingala sa mga bituin sa kalangitan. Sinabi niya lahat ang nalalaman niya. Sinabi niyang mula sa hinaharap si Jeanne. She even said that Jeanne was here for revenge but Selene didn't know Jeanne's reason. May iba pang misyon si Jeanne maliban sa paghihiganti at 'yon ang hindi alam ni Selene.
"Xyra's in danger," seryosong sabi ni Selene. Agad akong napalingon sa kanya. Kinabahan ako.
"What do you mean?" kunot-noong tanong ko.
"Mahirap ipaliwanag. Hindi ko rin alam kung ano ang ginawa ni Jeanne. Basta ang alam ko may ginawa siya kay Xyra. Sa palagay ko, inilipat na ni Elysha kay Xyra ang kapangyarihan niya. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari paggising niya. Saka pa lang natin malalaman kung may epekto ang ginawa ni Elysha sa kanya kapag nagising na siya," sagot ni Selene.
Napaawang ang labi ko. Agad akong tumayo. Bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko ang nangyari kanina. Maaari ngang may ginawa sila kay Xyra. Hindi ako mapakali. Masaya ako na bumalik na si Selene pero hindi ako papayag na si Xyra naman ang kunin nila.
"Kailangan kong puntahan si Xyra. Kailangan ko siyang bantayan. I can't afford to lose her," sabi ko. Gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Gagawin ko ang lahat para hindi siya makontrol ng kadiliman. Hindi ko kayang mawala siya sa 'kin. She's everything to me.
"Kung may magagawa lang sana ako. I'm sorry. Kung hindi sana ako naging mahina, hindi tayo magkakagulo," mahinang sabi ni Selene. I looked at her. Wala naman siyang kasalanan.
"No. You saved Xyra's life. I'm grateful to you. Tiyak na ganu'n din ang nararamdaman ni Xyra. Na-guilty nga siya nang mamatay ka. Hindi niya akalaing ililigtas mo siya sa kabila ng mga nangyari sa inyo," seryosong sabi ko kay Selene. Malungkot na ngumiti si Selene. Hindi niya kailangang sisihin ang sarili niya. Ako ang hindi nakatulong. Wala akong nagawa para iligtas siya mula kay Elysha. Naikuyom ko ang kamao. Napaka-walang kwenta ko! Ang hina-hina ko!
"I'm sorry, Selene. Kailangan ko nang puntahan si Xyra. Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga. Magsisimula ang secret training natin bukas. Sa underground basement ng Wonderland Academy," sabi ko. Tumango siya.
"Sana malabanan ni Xyra ang kapangyarihan ng kadiliman para hindi siya makontrol," sambit ni Selene.
Alam kong kaya niya. Hindi siya mahilig sumuko. Kahit nga ako, hindi niya sinukuan noon. Malalampasan niya ito. Malalampasan naming lahat ito.
Sumabay sa 'kin sa paglalakad si Selene.
"Kaya natin 'to. Walang susuko. Hindi tayo magpapatalo," sambit ko. Ngumiti si Selene at tumango. Ihinatid ko muna siya sa kwarto niya bago ako pumunta sa kwarto nina Xyra. Nagising si Frances nang pumasok ako. Humingi ako ng tawad dahil nagising ko siya. Tumango siya at bumalik na sa pagtulog. Tiningnan ko si Xyra. Ang himbing ng tulog niya.
Umupo ako sa gilid ng kama niya. Marahan kong hinaplos ang mukha niya. I wonder what she's dreaming. She looks peaceful. Maganda kaya ang napapanaginipan niya? Kung tama nga ang sinabi ni Selene na inilipat ni Elysha ang kapangyarihan nito kay Xyra, alam kong hindi siya magpapatalo. Alam kong lalaban siya.
Wala naman akong napansin na kakaiba sa kanya. Nagamot na lahat ng sugat niya. Ang sabi ni Cyril maaayos na ang katawan niya. Sana maging maayos lahat paggising niya. Marahan kong hinawakan ang kamay niya. Magaan kong inilapat ang labi ko sa labi niya. I closed my eyes. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Kahit akuin ko pa ang kapangyarihan ng kadiliman ay gagawin ko kung kinakailangan. Ayaw kong masaktan pa siya. Ayaw kong maulit pa ang nangyari sa kanya sa kamay nina Jeanne.
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...