Prologue

5 0 0
                                    

Katulad ng papel at bolpen na tangi kong kasama
Sa mga oras na ramdam ang pagod at pangungulila
Susubukan kong iguhit ang mga alaala
Mula sa pait at tamis na minsang nadama

Pakakawalan ko ang bawat letra
Bubuo ng tutugmang salita
Para kahit hindi mo na ako maalala
Babaonin ko ang bawat pariralang nagawa

Sa likod ng nangingilid na mga luha
Sa bawat alaalang sumisilip
Ay ang tamis ng ginhawang nadarama
Sa bawat letrang kumakawala

Pag-iigihan kong iburda
Iisa-isahin ang mga alaala
Mga alaalang hindi man ganoon ka ganda
Pipilitin kong maging kaaya-aya

Sapagka't sa huli't-huli
Ito'y minsan akong pinasaya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

letters I never meant to sendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon