Pagkilala

60 6 1
                                    

May mga bagay talaga na ipinagkait sayo ng diyos,unang una nadun ay ang magkaroon ng pamilya.lumaki si Selene Gomez sa isang orphanage kung saan pinapangalagaan ng mga madre na itinuring na nyang mga magulang at pamilya.

"Selene iha may magandang balita ako sayo" Sister Melanie ang isa sa tinuturing nyang magulang

"Ano po yun sister mel"

"Pumayag na si superior analy na mag aral ka sa isang eskwelahan at sya narin mismo ang pumili ng papasukan mo dahil may mga magandang loob na bigyan ka ng scholarship"

"Talaga po sister mel"

"Oo at sabi nya rin sakin na maghanda kana sa lunes para sa enrollment"

"Naiiyak po ako sister dahil pangarap ko pong makapag aral sa labas"

Matagal kunang gusto mag aral sa magandang paaralan hindi para makaalis sa lugar nato kung hindi ang matupad ang aking mga pangarap at nagbabakasakali ako na may makakakilala sakin na isa ko sa mga pamilya ko kahit alam ko namang malabo na makilala nila ako.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo"Sister mel

" Wala po ito sister masaya lang po ako"

Ilang araw na ang lumipas at ngayun ay lunes araw para sa unang pasukan sa paaralan nandito ako ngayun sa sakayan ng jeep naghihintay para makasakay,nagtataka ako sa mga taong nakakakita sakin para bang may dumi sa mukha ko dahil kung makakatitig sila para na akong malulusaw ewan ko ba.

"Para po"

"Saan ito miss" Si manong driver

"Ah sa Ford University po manong"

Nakasakay na ako sa jeep at ewan ko ba parang kinakahan ako siguro ngayun ang araw ng pasukan ganito naman siguro ang nararamdaman ng mga transfery
Nung nakaraang sabado ay sinamahan ako ni sister mel para sa enrollment at isa lang ang masasabi ko sa paaralan nayun maganda,malaki at halatang pangmayaman.

Ano kayang klasi ng mga estudyante ang naroon siguro puro mayaman ang nag aaral dun kasi makikita mo talaga sa paaralan na yun ang mga magagandang furniture.

"ford university" Si manong sumigaw na nandito na daw ang ford university

"Ito po bayad manong salamat po"

"Walang anuman miss galingan mo nalang"

Napangiti ako sa sinabi ni manong siguro maraming nag eexfect sakin namakapagtapos sa paaralan ngayun lalong lalo na ang mga tao sa orphanage.

Oo nga pala di pako nagpapakilala masyado ako nga pala si Selene Gomez labing pitong taong gulang at grade 11 at ang kinuhanm kung strand ay culinary.

Andito ako ngayun sa tapat ng office ng university para kunin ang schedule ko para sa klase.Nagulat nalang ako ng bigla bumukas ang pintuan at lumabas ang isang lalaki na hindi ko masyadong nakita ang itsura nito dahil mukhang nagmamadali dalhin dun napansin ako ng isang guro sa loob ng office.

"Ikaw ba si selene gomez"tanong sakin ng isang guro.

"Ako nga po".

"Tuloy ka kanina kapa hinihintay ni Mr.ford nandun sya sa loob ng office nya"Tukoy nya sa isang pintuan na office room ng principal.

"Sige po Miss"nahihiya kung sabi.

"Miss althea suarez"pagpapakilala nya sakin kaya tumango nalang ako at pumasok na sa principal office.

Bago ako pumasok sa office ng principal ay kumatok muna ako bilang paggalang.

"Knock Knock"katok ko sa pintuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon