Dylan's POV"Ipahinga niyo Lang siya at Pakainin ng Prutas para hindi Lumala ang mga pasa niya, Mas effective ang Pineapples at Papaya para maibsan ang sakit. Pwede niyong ipakain or gawing juice nalang Ito. Do a warm compress sa bahagi ng katawan na may pasa para mas madaling gumaling. Yun lang naman" nakatingin lang ako kay Mio at humihigop ng kape Habang nagpapaliwanag yung Doctor na pinapunta nila. "Eat Pineapples, Okay?" Dagdag pa nito kaya tumango-tango si Mio.
"Ako rin gusto ko ng pineapples" Napangisi ako ng magsalita si Haia.
"Akala ko ba ayaw mo ng pineapples?"tanong naman ng asawa niyang si Reostos sa kaniya.
"Eh gusto ko na e." Pft, Naglilihi nga naman. Nag-irapan pa yung dalawa at maya maya rin at Umalis na yung Doctor. "By the way, Akala ko ba nasa Japan ka Dylan?" Pag-iiba ni Haia ng usapan.
Ibinaba ko yung hawak Kong tasa ng kape saka siya hinarap ulit. "Akala ko walang magtatanong sa akin niyan, Anyways. Umuwi ako ng Philippines para kausapin si Reostos ng Private-"
"Kung tungkol sa nakaraan yan.. Don't talk to me then" putol ni reostos sa Sinasabi ko.
"Walang kinalaman ang nakaraan dito. Kailangan Kitang makausap tungkol sa Business plan na ginagawa ni Dad. Uh.." Tiningnan ko sila Haia kaya agad itong nakaintindi at nagpaalam na pupunta ng kwarto.
"Anak ka niya, So Bakit mo sasabihin sa akin yung plan niya?" Tanong niya sa akin at ngumisi. "Para ka na ring nagtraydor sa Kaniya niyan"
" I know, I know. Its just because.. Damay si Haia dito." Binigyan niya ako ng matatalim na tingin ng marinig niya yung Sinabi ko. "Kalma, Ganito kasi. Illegal yung business na gagawin ni Dad, at ang alam ko.. Gagamitin niya yung kumpanya mo para Maisagawa yun." Pakiramdam ko tuloy papatayin ako sa tingin nitong Taong to.
"Proceed''
"Using your Company mas magiging madali ang procedures nila, yun ay Dahil sikat yung kumpaniya mo. At isa pa,Gusto ni Dad na mapabagsak lahat ng sayo at masira ang pangalan mo. So bale, Makikihati siya sa shares at gamit ang company mo magrerecruit siya ng Models na mula dito sa Philipinnes at US, at lahat ng makukuha nilang models ibebenta nila sa mga hapon."
Napangisi siya sa Sinabi ko, Nasisiraan na ata Ito. "Hindi Business Plan ang Tawag dun, Krimen na yun" nakangisi niyang sabi sa akin.
"You know what's worst? Para sa kaniya, Either Malaman mo or not gagamitin niya parin ang Kumpanya mo. At kung Hindi ka pumayag, Either tataniman niya ng Bomba bawat branch ng Companies mo or Asawa mo yung Dadagitin nila at gagawin nilang Parausan para sa Clients nila."
-
REOSTOS'S POV
Napasara ako ng kamao, Damay nanaman Si Haia.
"Sinasabi ko Ito para makabawi sa nagawa ko before." Tiningnan ko lang si Dylan. "We both know kung anong Kaya ni Dad. Malakas siya sa mga kliyente niya, At hindi ako Sigurado kung makakatulong ako."
"I understand." Sabi ko at tumayo at naglakad palabas.
Kakatapos lang nung isang problema, Problema nanaman ulit. Hindi pa kami nakakarecover sa isa Meron ulit. Hays, ano pa bang aasahan ko? Isa akong Mafia.HAIA'S POV
"Mio" tawag ko kay mio na Nagbabasa ng libro Habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Yes mama?"
"Is it okay to you if ill change your name?" Tanong ko sa kaniya na nagpababa ng libro niya at humarap sa akin.
"But Mama Miya Gave my name" Sabi niya at ngumiti. Kaya napakibit-balikat nalang ako. "But if you want to, You can change my name without Removing Mio. Hi Hi" Dagdag niya pa't bumalik sa pagbabasa.
Ang talino ng batang 'to ha."Okay, Ill think about it."
-
BINABASA MO ANG
Mafia's Wife | ✓
Romantizm"My life is a maze, and because you entered you can't escape alive." -Reostos Imperios