Chapter 2

427 14 3
                                    

Kate's POV

Nagising ako sa pagkakatulog ng marinig ko ang tawag ni mama. Napatingin ako sa orasan. Alas dos na pala. Hapon na pero antok na antok pa rin ako.

"Alam mo naman siguro ang araw ngayon diba?" tanong saakin ni mama.

Tumango lang ako habang nagliligpit sa kama. Tatlong taon na rin pala ang nakalipas.

"Mauna na kayo sa sementeryo Ma. May pupuntahan muna ako. Susunod rin ako don mamaya."

"Sige anak. Wag ka masyado magpapagabi sa daan."

Ngumiti na lang ako ng tipid. Masakit pa rin saakin ang nangyari. Tatlong taon na pero hindi pa rin ako pinatatahimik ng konsensya ko. Kahit sabihin pa nila na wala akong kasalanan at hindi ko sinasadya ang lahat, pakiramdan ko ako pa rin ang dapat sisihin sa pagkawala ng lalaking malapit sa puso ko. May bahagyang kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Magsisi man ako pero huli na. Dahil wala na siya. Iniwan na niya ko. Iniwan na niya kami.

Nagmadali ako sa pag aayos. Puyat pa ako pero hindi ko na lang iyon ininda. For once I want to be at ease. At nararamdan ko lang iyon kapag kasama ko siya. Kapag nasa tabi ko siya. Ilang minuto pa at nakarating na rin ako sa ospital.

"Lance nandito na naman ako. Kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos? Napanagipan mo ba ako?"

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Lance. Malaki ang pasasalamat ko kay Steph dahil tinutulungan niya ako para makita si Lance. Halos araw araw ko siyang dinadalaw. Syempre hindi ito alam ng mga magulang niya. Sa tuwing magpapaalam si Steph na bibisita kay Lance ay palagi niya akong kasama. Wala na rin naman ang mga bantay sa kwarto ni Lance kaya mas malaya na akong nakakadalaw sakanya. Iyon ay dahil pa rin sa tulong ni Steph.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang himbing pa rin ng tulog niya hanggang ngayon. Ang sabi ng doctor ay comatose daw ngayon si Lance. Tatlong taon na siyang nandito sa ospital at walang nakakaalam kung kailan siya gigising. Noon sa panaginip ko lang ito nakita. Pero hindi ko inakala na darating pala sa ganito ang sitwasyon namin ngayon. It's all my fault. Dahil ito sa naging desisyon ko ng araw na yon.

"I'm sorry. I'm really sorry Love." 
Sa tuwing nakikita ko siyang nakahiga at walang malay ay hindi ko talaga mapigilang umiyak.

"Kasalanan ko ang lahat Lance. Tatanggapin ko lahat ng galit mo. Okay lang saakin kahit kamuhian mo ako ng sobra. Kaya kong tiisin lahat ng mga masasakit na salitang sasabihin mo. Basta gumising ka lang. Basta wag mo lang akong iiwan. Lumaban ka Lance. Mahal na mahal kita."
Pagkasabi ko non ay hinalikan ko siya sa labi. Isang sandaling halik habang patuloy ang luha sa pagdaloy sa mga mata ko.
At bago ako umalis inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong. Pagkatapos ay tuluyan na akong nagpaalam.

-

Pinagmamasdan ko ngayon ang puntod ni papa. Ngayon ang araw ng kamatayan niya. Kaya naman nandito kami ngayon ni mama para dalawin siya.

"Ma sa tingin mo ba galit saakin si papa?" tanong ko kay mama.

"Hindi anak. At sigurado ako don." sagot saakin ni mama.

Napabuntong hininga na lang ako. Kasalanan ko pa rin ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ko yon nasabi kay papa noon. Noong gabing naaksidente si Lance ay nagkaroon kami ng matinding pagtatalo ni papa. Masasakit ang mga binitiwan kong salita sakanya. Hindi ko muna siya kinausap. At umabot ng tatlong buwan bago kami ulit nagkibuan. Kung alam ko lang na iyon na pala ang huling tatlong buwan niya sa mundo hindi na sana ako nagmatigas. Ngayon wala akong magawa kundi ang magsisi.

"Masaya na siguro siya dahil hindi na niya ako kasama Ma. Ang sama kong anak. Hindi ako naging mabuting anak sainyo ni Papa."

Umiling si mama.

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon