CHAPTER TWENTY FOUR

533 7 2
                                    

Hello Dearest,

Happy New Year Dearest! Happy New Decade! Muli po tayong magsama-sama ngayong 2020! Yey! Sorry po kung matagal akong nawala. Hindi ko na po kayo iiwan tulad ng pang-iiwan niya sayo. Ay, hahaha! Sorry na! Promise po yan! Dire-diretso na po ang updates! At nakalinya na rin po ang mga bagong kwentong susubaybayan ninyo! Heto na po ang new update para sa kwento ng Pineda Brothers! Sana ay ma-enjoy ninyo! Thank you!

Youtube Update:

Medyo marami na po ang Youtube content ko dearest sana po ay makapanuod kayo at makapag-subscribe. Isa sa series na dapat ninyong abangan sa aking channel ay ang "Acapella by Neri". Dito ko ipapamalas ang aking singing prowess. Yes naman! Kayo na po ang humusga! Hahaha! Ang Acapella cover ng Lover ni Taylor Swift ang unang handog ko. Enjoy watching! Link in this chapter.

PS: Kapag nag-subscribe po kayo sa Youtube channel ko ay automatic chapter dedication at shout out po ang gagawin ko sa inyo sa future updates. Message niyo lang po ako kung nag-subscribe na kayo. Kung minsan po kasi ay hindi nagno-notify sa Youtube. May mga sorpresa rin po in the future! Thank you dearest! Subscribe na!

Social media updates:

Facebook: Neri Joy Jayson
-all about writing and my characters po ito
Twitter: @lady_25me
-stalking app hehe
Instagram: @neri_joy_jayson
-my personal space, if you want to get to know me dito po ako tambay
Booklat: Neri_Joy_Jayson
-may exclusive stories po ako dito sana ay mabasa niyo rin
Youtube: Neri Joy Jayson https://www.youtube.com/channel/UCduNEWNBT3UIBJrpmtdsc8g
-#NeriKemeVlog, youtuber din kapag may time. Hehe!

Chapter Twenty Four

"Mylene!" Bulalas ni Sarah pagdating na pagdating sa presinto. Nasa labas na ang kaibigang si Mylene kasama ang partner nitong si Aileen. Mahigpit silang nagyakap. "Okay ka lang ba?"

"Okay lang ako. Salamat at pumunta ka." Tugon nito.

"Of course I'll be here."

Umalis ito sa pagkakayakap sa kanya. "Maniwala ka sa akin Sarah. Wala akong kinalaman sa nangyari kay Ardel. Hindi ko 'yon magagawa sa kanya. I know I had a feelings for you pero dati pa 'yon. Masaya na ako sa piling ni Aileen. Masaya na kami kasama ang anak namin." Kitang-kita niya ang sinseridad sa mga mata  nito habang nagpapaliwanag sa kanya.

"I believe you Mylene. I believe you. Hindi ka ganoong klase ng tao. I know you." Sambit niya rito upang ito'y makalma at saka ito muling niyakap.

"Salamat Sarah." Tinapik siya sa balikat ni Aileen saka rin siya nito mabilis na niyakap. "Pinalabas naman siya kaagad dahil walang matibay na ebidensya. Actually kinausap lang siya ng mga pulis para kunan ng statement."

"I see. Samahan niyo ako sa loob, I also need to give an statement. I have an idea kung sino 'yung babaeng witness DAW." -Sarah.

"How did you know?" Tanong ni Mylene.

"It's a long story pero tinangka ng babaeng 'yon na sirain sina Aimee at Arwynn. Utusan siya ng kung sinumang mastermind ng lahat ng ito."

"Speaking of mastermind, sino nga kaya? I'll kill whoever he o she is! Pati si Mylene dinamay niya!" Nanggigigil si Aileen.

"Yan din ang gusto kong malaman. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon. Sinisira niya ang relasyon ng magkapatid pati na rin kaming mga karelasyon nila." seryosong tugon ni Sarah.

Nagbigay na nga ng statement si Sarah. Sinabi niya ang ginawa ng babaeng testigo kina Arwynn at Aimee. Carina Ramil pala ang pangalan nito. Nasabi na rin niya na lalaki ang may utos kay Carina base sa inilahad nito noong nagkaroon sila ng engkwentro.

Nauna nang umuwi sina Mylene at Aileen. Pinagpahinga na rin niya ang mga kaibigan. Hinintay naman ni Sarah ang pagbabalik ni Carina sa presinto. Muli itong inimbitahan ng mga pulis dahil sa binigay niyang pahayag.

Pagpasok na pagpasok palang nito ay hindi na niya ito nilubayan pa ng tingin. Nakayuko lamang ito at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Sir pwede ko po ba siyang makausap lang ng kahit na sandali." Pakiusap niya sa pulis na nag-escort kay Carina.

"Sige po ma'am." Tugon ng pulis.

"Tumingin ka sa mga mata ko Carina Ramil." Utos ni Sarah sa babae. Para itong tuod na naninigas sa kanyang harapan. Dahan-dahan naman nitong itinaas ang ulo hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. "Magsalita ka na. Sabihin mo na ang totoo sa mga pulis. Sabihin mo na kung sino ang lalaking ang nag-utos sa iyo. Save yourself."

Hindi ito kaagad sumagot. Nabalot ng katahimikan ang paligid. Ilang saglit pa ay tumawa ito ng malakas. "Hahahaha!"

"Ano'ng nakakatawa huh?" Inis niyang tanong dito.

"Save myself? Paano? Hindi ko rin siya kilala! Hindi ko kilala ang lalaking nag-uutos sa akin."

"Imposible! Bakit ka nagpapakatangang sumunod sa isang taong hindi mo naman pala kilala?" Hindi siya papayag na walang makuha rito.

"Kasi malaki ang bayad. He just sent me an email. Offered me the work. He's just sending my payment thru my account. Tapos ang trabaho ko."

Hinayaan na ni Sarah'ng kausapin si Carina ng mga pulis. Pareho lang naman din ang sinabi nito sa mga pulis. Nang tingnan ng pulis ang email at bank accounts ay hindi dummy lamang ang mga ito at closed na.

"Matalino at may pera ang gumagawa nito. Hindi siya basta-basta magpapahuli. Galingan mo na ang pagtatago. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nahuhuli." Sambit ni Sarah sa sarili matapos kausapin ang mga pulis.

"Chief!" Dali-daling pumasok ang isang pulis.

"Ano 'yon PO1?"

"Si Carina Ramil po, natagpuang patay sa kanyang bahay. May bumaril." Report nang kararating na pulis.

"Oh my God!" Napatakip nalang nang bibig si Sarah. Hindi talaga basta-basta ang kumakalaban sa kanila.

..........

Sa kabilang banda, kinabukasan sa resort ay mag-isa si Ardel. Habang nag-iisip kung paano matutulungan si Sarah ay hinintay din niya ang pagdating ng kanyang doktor. Hanggang sa tumunog na nga doorbell ng rest house. Pagsilip ni Ardel sa CCTV sa labas ay ang sasakyan nga ng kaniyang doktor ang naroon. Agad siyang lumabas upang pagbuksan ito.

"Whoah!" Laking gulat niya nang buksan niya ang gate ay humarurot ang sasakyan papunta sa kanyang direksyon. "Dok ano'ng problema?" Kahit nahihirapan ay agad siyang tumakbo papalapit sa pinto.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at saka itinulak ng kung sinumang nasa loob ang katawan ng kanyang doktor. Duguan ito at tila may tama ng baril sa ulo. Sa itsura ng balat nito at sa dami ng dugo ay wala na itong buhay.

"D-dok?..." saka niya naisip na pinatay ito ng tao sa loob ng sasakyan. "Sino ka hayup ka?! Ikaw ba ang gustong sumira sa pamilya ko?!" Sigaw niya.

Isang lalaking nakasuot ng mahabang itim na damit at nakasuot ng maskara na parang payaso ang lumabas sa sasakyan. "Ako nga. Ngunit wala akong planong sirain ang pamilya mo." Huminto ito. "Mali pala. Sisirain ko ang pamilya mo maliban sa..." hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil may isang lalaking sumakay mula sa likuran nito.

"Kuya pumasok ka na sa loob! Dali!" Si Arwynn ang dumating na lalaki. Agad naman niyang sinunod ang sinabi nito. Sumilip si Ardel sa salamin upang panuoring makipaglaban ang kapatid sa masamang loob. Ngunit nakatakas ang lalaking nakamaskara nang mabaril si Arwynn.

"Arwynn!" Sigaw niya saka dali-daling lumabas.

PERFORMANCE BROTHERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon