---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
(AswangEngkanto Book 1)Author: Carolina Barrios
"Anak Leonora kumuha ka ulit ng kahoy, paubos na ang uling natin wala ng kakainin ang ating mga sigbin. Tsaka kapag nakakita sa daan ng bungang pula kumuha ka, paborito din ng sigbin natin iyon."
"Opo inay," matamlay na sagot ni Leonora at kinuha na ang sako at basket.
Sigbin: Ito ang tawag sa alaga ng mga aswang. Minsan pusa, minsan aso, minsan ibon. Katulad ng mga aswang kayang magpalit palit ng sigbin sa kung anong uri ng hayop nila naisin. Ngunit hindi ordinaryo ang laki nito kumpara sa normal na hayop. Madalas sila ang inuutusan ng mga aswang upang maghanap ng bibiktimahin dahil mas matatalas ang mga pang amoy nito. Kapag nandiyan ang sigbin ibig sabihin nandiyan ang aswang. Kaya pag may pusa sa labas ng bahay niyo na hindi ordinaryo ang laki, asahan mo nasa bubong ang aswang naghihintay ng tyempo. Kapag walang biktima ang kinakain nito ay uling o pulang bunga na parang kamatis na makikita lamang sa mga piling bundok. Kaya nga sa bundok madalas nakatira ang sigbin dahil nandoon ang paborito nilang pagkain.
Madaming sigbin sina Leonora sa umaga ay nagpapahinga ang mga ito at active naman tuwing gabi. Akala mo pusa pero mga sigbin pala.
Matiyagang namumulot si Leonora ng mga tuyong kahoy at inilalagay ang piraso nito sa sako. Pero tanging nasa isip niya lang sa mga oras na ito ay si James lang.
"Nasaan na kaya siya? bakit hindi na siya nagpapakita. May nangyari kayang masama sa kaniya. Hindi naman kami nag aaway eh, sobrang miss na miss ko na siya. Gusto kong makita muli ang mukha niya."
Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi padin nagpapakita kay Leonora si James, kaya naman nagpasiya na siyang tumungo sa bahay ng mga Mallari kung saan nga nakikitira si James. Pagdating niya ay hindi siya lumapit sa bahay, bagkus nasa malayo lamang siya at nagmamasid ng mga papasok at lalabas sa bahay na iyon. Pero hanggang mag hapon na at malapit ng dumilim pero wala siyang nakitang James na pumasok at lumabas sa bahay na iyon. Bigo siyang makita ang mahal niya.
Naglalakad si Leonora pauwi bitbit ang sako at basket na halos walang laman. Hindi niya napigilan ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa mata niya hanggang umagos na ito sa kaniyang mga pisngi. Ni hindi niya alam kung ano at saan si James at kung bakit hindi na ito nagpapakita sa kaniya. Masakit para sa kaniya.
Lumipas ang isang buwan na walang paramdam si James ay laking pagtataka ng ina ni Leonora. Hindi pa man siya naglilihi o nnagsusuka ay nalaman na ito ng kaniyang ina. Una hindi pa ito naniwala at ayaw pa maniwala, pero noong tinanong niya ang sigbin ay nakumpirma nga niyang buntis ang anak niyang si Leonora.
"Leonora buntis ka diba?"
"Ha ano po nay?" takang sabi ni Leonora sa ina.
"Sabi ko buntis ka, amoy na amoy namin at amoy tao,"
Hindi na nakapagsalita si Leonora at hinawakan ang kaniyang tiyan at natulala.
"Sabihin mo sino ang ama niyan?"
"Wala po inay,"
"Anong wala! nabuntis ka lang ganoon," sabi ng nanay ni Leonora tumaas na ang buhok nito sa galit kaya napilitan si Leonora na sabihin na lamang sa ina,"
"J-J-James p-po," putol putol na nasabi niya sa ina.
"James? tagasaan yon? Diba kabilin bilinan ko na huwag kang makikipagkilala kahit kanino,"
sabi ng ina ni Leonora."Ano? taga saan?"
"T-taga doon po sa bahay ng mga Mallari,"
"Ah, Halika pupuntahan natin yang lalaki na iyan,"
BINABASA MO ANG
Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1
AksiTunghayan Ang Kwento Ng Mga Aswang, Paano Sila Mamuhay Sa Mundo.