Ikaapat na Kabanata

2K 47 4
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
(AswangEngkanto Book 1)

Author: Carolina Barrios

Habang pauwe ang mag-ina hindi padin tumitigil ang pagpatak ng luha ni Leonora. Tanging iniisip niya lang ay kung bakit hindi sinabi ni James na umalis siya. Kaya pala ilang araw na siyang naghihintay ngunit hindi ito dumarating, miss na miss na niya si James. Kung pupwede nga lang niya puntahan ito sa maynila, pero napaka imposible. Kaya tanging pag-iyak nalang ang magagawa niya.

"Umiiyak ka padin ba?" tanong ng kaniyang ina habang patuloy sila sa paglalakad pauwe. Pinunasan ni Leonora ang kaniyang mga luha at sumagot.

"Hindi po inay," sabi ni Leonora pero batid ng kaniyang ina yon.

"Kaya nga ayaw kitang palapitin sa kahit na sino, dahil ito lang ang kahahantungan mo alam ko yon," sabi pa ng ina niya. Ngunit tahimik nalang si Leonora at hindi nagsalita pa, hanggang makauwi sila sa kanilang bahay.
Naupo si Leonora sa kanilang upuang may sandalan.

"Sandali may kukunin lang ako," sabi ng nanay ni Leonora, na ka agad nagtungo sa kuwarto.
Saktong dumating naman ang ama ni Leonora na si Janjan, galing sa malayong lugar.
Tumingin ito kay Leonora at nagtaka dahil umiiyak ang anak.

"Itay,"

"Bakit ka umiiyak? tsaka bakit ka buntis?" tanong ng ama, ngunit hindi makasagot si Leonora.

"Nasaan ang nanay mo?" tanong muli nito sa anak. kaya tinuro ni Leonora sa ama ang kuwarto.

Kaagad nagtungo ang ama ni Leonora sa kanilang kuwarto kung saan naabutan niya si Theresa na nagkakalkal ng kanilang mga damit.

"Anong nangyayari dito? bakit mo kinakalkal mga damit ko," tanong ni Janjan.

"Nandiyan ka na pala, yung anak mo may ginawang kasalanan,"

"Alin? dahil buntis siya?"

"Amoy mo na pala,"

"Oo, pero bakit mo kinakalkal ang mga damit ko,"

"Naghahanap ako ng mga itim mong damit, ipapasuot ko sa anak mo para hindi makita ang laman ng tiyan niya."

"Delikado mabango din iyan sa mga aswang, paano kung may bumisita saiyo tapos maamoy iyang dinadala ng anak mo. Malaking gulo, kailangan din ng langis,"

"Tama ka, kailangan din ng langis pala upang hindi maamoy,"

Pinunasan nga ni Theresa ang tiyan ni Leonora ng langis at ipinasuot ang isang tshirt na itim.

"Simula ngayon yan na ang magiging mga damit mo, kailangan palaging black,"

Palaging ganoon ang ginagawa ni Leonora, palagi niyang nilalagyan ang tiyan niya ng langis. At palagi niyang damit ay kulay itim. Hindi naman napapansin ng mga bumibisita sakanila ang laman sa tiyan ni Leonora dahil sa kaniyang ginagawa. Mahal na mahal ni Leonora ang anak niya kahit nasa tiyan pa lamang niya ito ay madalas niya itong kausapin at kantahan. Sabik na siyang makita ang kaniyang anak kay James. Wala na silang naging balita kay James, nagtutungo sila doon upang magtanong patungkol kay James ngunit ang sagot lang nila ay hindi nila alam, hindi pa nagtetext o tumatawag at hindi pa nagpupunta roon.
Lumipas ang siyam na buwan ay
Ipinagpatuloy Ni Leonora Ang PagbubunTis Nya , Dahil Para Sakanya Walang Kasalanan Ang Bata Sa Ginawa Sakanya Ni James, Mahal Na Mahal Nya Ang Bata Kahit Nasa Sinapupunan Palang Niya Ito. Lumipas Ang Siyam Na Buwan, kabuwanan na nga ni Leonora.

"Anak malapit ka nang lumabas, masayang masaya si mama mo at masisilayan na kita. Magpakabait ka sana anak, huwag mong pahihirapan si mama ha,"  sabi ni Leonora habang kinaakausap at hinihimas ang tiyan niya.

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon