Ikasiyam na Kabanata

1.6K 34 2
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
PART 9
Author: Carolina Barrios

Sa Maynila kung saan nakatira si James at Mayla.

Galing trabaho si James at naabutan niyang makalat ang bahay, at may mga maletang nasa sahig.

"Babe ano ito?" tanong agad ni James ng makita si Mayla na nagtitiklop ng damit at ipinapasok sa isang maleta. Hindi ito kumikibo at tuloy tuloy sa pagiimpake ng kaniyang mga damit. Nakaramdam na ng kaba si James kaya agad niyang binitawan ang bag at niyakap si Mayla.

"Babe ano ito?" tanong muli ni James na iba na ang boses garalgal na ito na animong paiyak na. Dito na tumulo ang mga luha ni Mayla na kanina pa nagtitimpi.

"Sorry James ayaw ko na, sawa na ako sa relasyong ito na puro nalang plano, pangarap pero wala namang nangyayari,"

"hindi ba sabi ko magiipon ako pangpakasal natin, kaunting panahon lang naman hinihingi ko sayo Mayla. Huwag mo akong iwan please." sabi ni James na hinigpitan pa ang yakap kay mayla at tumutulo na din pala ang luha sa kaniyang mga mata.

"Hindi iyon, Hindi Iyon!" sabi ni Mayla na paulit-ulit na parang may gustong sabihin.

"Ee ano? anong problema, sabihin mo sa akin. Hahanap ako solusyon." sabi ni James.

"Ilang taon na ba tayong nagsasama James? tanong ko sa'yo!"

"Anim na taon na tayo Mayla,"

"Oh diba, anim na taon pero hanggang ngayon wala pading solusyon."

"Ano ba ang sinasabi mo, deretsuhin mo ng hindi ako nanghuhula?" tanong ni James

"Bakit hindi mo ba na gets? Ayaw ko na sayo kasi baog ka! ni hindi mo manlang ako mabigyan ng anak!" galit na sabi ni Mayla.

Napabitaw si James sa pagyakap kay Mayla na para bang nawalan siya bigla ng lakas. At bumuhos ang luha sa kaniyang mata na halos hindi na niya makita ang paligid dahil sa mga luha.
Ilang sandaling katahimikan ay nagsalita si James.

"Sabi mo ok lang kahit hindi tayo magkaanak, sabi mo hindi iyon mahalaga ang.mahalaga ay nagmamahalan tayo. Tapos ngayon iiwan mo ako, sinungaling ka pala ee, ginawa ko naman lahat, uminom na ako ng kung ano-ano kahit ang pagsisigarilyo ko ay tinigil ko, dahil sabi mo baka dahil sa paninigarilyo ko kaya hindi tayo nagkaka anak."

"sorry kung nasabi ko man iyon saiyo na ok lang kahit hindi tayo magkaanak. Pero palagi nalang ako napagsasabihan ng magulang ko. Bakit hindi pa daw ako magka-anak gusto na nila mag ka apo sa akin. 6years akong naghintay sa wala. Gusto ko din naman maranasan na maging ina James. Yung maramdaman ko na isa akong ina. Kasi kada may nakikita akong sanggol sa labas napapangiti ako at iniisip, ano kaya magiging itsura ng magiging anak ko? Pero naisip ko, para akong tanga nagiisip ako sa wala. Niloloko ko lang sarili ko na magkakaanak pa tayo pero hindi naman." sabi ni Mayla habang humahagulgol sa pag iyak. Hindi na nakapagsalita si James at umiyak nalang ng umiyak. Natapos na si Mayla sa pagiimpake at umalis na, iniwan niya si James sa apartment nila na umiiyak. Halos madurog ang puso ni James. Dahil sobrang mahal niya ang kasintahan. Sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit baog siya. Na sa dinami-dami ng tao bakit siya pa. Ang hirap para sakaniya na gustong gusto niya magkaroon ng isang kumpletong pamilya na hindi niya naranasan, pero kahit iyon ay pinagkait sakaniya. Iniisip niya na may papatol pa ba sakaniya na isa naman siyang inutil at walang kwenta, para siyang isang puno na wala namang bunga.

Bumili siya ng isang case ng alak at nagpakalango sa alak. Mag isa siyang uminom sa sahig ng kaniyang apartment, kahit napaka kalat pa nito. At kinakausap ang sarili.

"Bwisit na buhay na ito! Wala ng mama wala pang papa, tapos ngayon iniwan na din ako ng kaisa isang pag asa ko.
Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng sarili at masayang pamilya. Na hindi ko naranasan noon. Pero bakit? bakit ganito? sa dami ng tao sa mundo ako pa ang naging inutil, sana hindi nalang ako nabuhay sa mundo. Sana namatay nalang ako kasabay ng pagkamatay ng magulang ko.

Dahil sa kalasingan ay tinanghali na ng gising si James at napakasakit ang ulo niya, kung kaya't minabuti na lamang niyang huwag nalang pumasok at linisin ang mga kalat na naiwan ni Mayla, ganun din ang mga pinaginuman niya kagabi.

Ilang araw pa ay pumasok na muli si James sa Restaurant De San Miguel.

Habang nagsusuot si James ng apron ay tsaka naman ang pagdating ni Fritz Dave ang kaibigan niya.

"Oh James bakit ngaun ka lang pumasok, tinatanong ka panaman sa akin ni boss. Sabi ko hindi ko alam."

"Bakit daw ako hinahanap ni boss?"

"Ewan ko." sabi ni Fritz.

"Waiter!" sabi ng isang costumer.
Agad naman lumapit si James hawak ang order slip, upang kunin ang order ng costumer.

"Ano pong order nila?" magalang na sambit ni James sa mga costumer na nakaupo.

"Isang tub nga po ng spaghetti and also carbonara at isang regular pizza." sabi ng costumer habang sinusulat ni James ang order ng mga ito.

"Ano pong drinks?" tanong ni James.

"Ahm Coke sa akin, sayo mahal?"

"Gusto ko pineapple,"

"Add 15 po pag pineapple ok lang po ba?" tanong muli ni James.

"sige ok lang isang pineapple,"

Ibinigay na ni James ang order ng table 4 sa kusina.

Matapos ang ilang minuto

"Table 4!" sabi ng cook sa kusina.
Lumapit si James at inihatid ang order sa table 4. Aalis na sana si James ng biglang nagsabi ang isa.

"Ay ano yan bakit salad at spag, diba ang order namin ay carbonara at spaghetti."

"Sorry sir namali lang ako ng pag check." sabi ni James.

"Hindi! pakipalitan nalang."
Kinuha ni James ang salad at sinabi sa cook ang nangyari.
nagluto na lamang ng carbonara ang cook at bumalik na si James sa likod.

"Ano nangyari?" usisa ni Fritz

"Nagkamali ako ng tsek sa order slip," malungkot na sabi ni James.

"Tsk tsk sigurado ka bang ayus ka lang? Ano ba kassi nangyari saiyo. Charge panaman iyon sa'yo," sabi ni Fritz.

"Oo nga Fritz, hindi padin kasi ako maka move on sa nangyari saamin ni Mayla,"

"Bakit ano nangyari sainyo?"

"Wala na kami iniwan na niya ako, pag uwe ko nagiimpake na siya ng kaniyang gamit at iniwan na niya ako," sabi ni James na bakas sa mata niya ang malapit nang pagtulo ng kaniyang luha, na kaniya namang napigilan ng may magsalitang costumer.

"Pa order po," sabi ng costumer, tumayo si James ngunit pinigilan siya ni Fritz.

"Ako na James, umupo ka na muna kaya ko na ito." sabi ni Fritz at lumapit na sa mga nakaupong costumer.

Matapos ang oras ng pagtatrabaho ay nag breaktime muna ang dalawa si Fritz at si James sa karinderya na malapit.

ItutuLoy.......

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon