Capitulo XXIX

328 7 2
                                    

Chapter 29: Halik sa Dagat



 -----Samantha's Point of View----- 



 Kakatapos lang naming kumain at dumiretso agad kaming tatlo sa dalampasigan upang mag bonfire. Gabi na ngayon at ramdam ko ang ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat. Suot ko lang kasi ang t-shirt tsaka shorts. Gusto ko sanang mag two piece kaso ayaw ni Alex baka may magpapansin sa aking lalake hays. 



 "Ang daya naman, wala akong jowa." Naiinis na sambit ni Kris. 


 "Maghanap ka bro, maraming babae sa bar." Natatawang sabi ni Alexnader sa kaniyang kaibigan. 



 "Magandang ideya 'yan. Diyan na kayo at maghahanap ako ng magiging girlfriend ko, Operation: Finding Girlfriend." Halakhak niya saka siya umalis at nagtungo sa bar, tumawa lang kami ni Alex. 



 "Buti naman at tayong dalawa lang ngayon ma-solo na kita." Sambit niya saka hinalikan niya ang aking pisngi. 



 "Tama na ha, sumakit na ang ano ko. Naparami tayong araw na ito." Nakanguso kong sabi sa kaniya.Kasi naman sobrang sakit na ng aking perlas, masyado ng mahapdi huhuhu 




 "Kaya nga eh dalawang araw lang tayo rito. Tsaka honey moon natin ito remember?" Paalala niya sa kain, napabunting hininga lang ako. 



 "Oo na, sayong-sayo na ang katawan ko." Nakangiti kong sabi sa kaniya. 



 "Akin talaga ito." Halakhak niya sabay pisil niya sa aking dibdib.Buti nalang at walang gaanong tao rito sa dalampasigan. 



 "Niisipan mo na bang umuwi sa inyo hobby?" Tanong niya sa akin, agad naman akong napatingin sa kaniya. 



 "Sa ngayon, gusto pa kitang makasama." Nakangiti kong tugon saka niyakap ko siya ng mahigpit. 



 "Baka hinahanap ka na ng pamilya mo." Malungkot niyang sambit. 



 "Hindi, ayos lang iyon." 



 "Bakit ka kasi naglayas? Anong klaseng pamilya ba sila?" Nagtataka niyang tanong sa akin.Kailangan ko ba itong sasabihin? Nag dadalawang isip ako, kaya kailangan ko pa ring magsisinungaling. 



 "Ano kasi, masamang tao ang pamilya ko. Lulong sila sa masamang bisyo kaya naglayas ako dahil baka ibenta nila ako." Seryoso kong sabi sa kaniya para naman mapaniwala ko siya. 

The Birth of SILENT MAFIA KILLER (SMK#1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon